CHAPTER 42

109 3 0
                                    

Citadel's POV

Tatalikod na sana ako ng may mahagip ang mata ko. That girl... Mabilis kong kinuha sa bulsa ko ang binigay saaking litrato no'ng bata sa airport. Siya nga! Hindi ko inaasahang may kalaban pa. Hawak niya ngayon ang control ng crane kung saan nakasabit ang bata. Ihuhulog niya?

"Commander as a General don't save the girl." what?! Gago talaga siya. Iniharap saamin ng lalaki ang crane kaya naman kitang-kita ko na ang mukha ng bata. Marami itong pasa at mukhang natutulog pa. Tanging ang hood lang ng jacket niya ang pumipigil para hindi siya mahulog. Napatingin ako sa lalaki ng tumayo ito at may sinuot. Damn it! Another suicide bomber! Ngumisi ito saakin at tiningnan ang batang babae. Kapag sumabog siya masisira ang control room. Luluwag ang pang-ipit dahilan para mahulog ang babae.

Hindi ko pinakinggan si General So. Umakyat ako sa dalawang patong ng container at nagpalipat-lipat para makarating sa pwesto ng batang babae. Wala akong pakialam kong mauubusan na ako ng dugo.

"Commander! Umalis ka na d'yan!!" sorry Shane. Buong pwersa akong tumalon at niyakap ang babae. Tumilapon kami sa sobrang lakas ng sumabog na ang lalaki. Hinigpitan ko ang yakap sa bata at prinotektahan din ang ulo niya. Nagpagulong-gulong kami na tanging container lang ang nakapagpatigil saamin. Tumama ang likod ko sa container at sa impact no'n, sigurado akong lumubog ang parte ng container na tinamaan ko.

Damn it! Hindi ko man ramdam ang sakit ngunit alam kong maraming bali sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Binitawan ko ang bata saka umupo at sumandal sa container. Inunat ko ang dalawa kong kamay at parehas itong bali. Ang kaliwang paa ko rin ay bali at tanging ang kanan lang ang hindi.

"What did I tell you?! Don't save her!"

"What?! Are you out of your mind?!"

"No I'm not! I just... J-Just."

"Just what? Don't dictate me General So! I'll do what I want to do! I need to save this girl!" kinuha na ng mga rescuer ang bata at sinakay ito sa stretcher. Tinalikuran niya ako sa sobrang inis. Samantalang hindi na ako nagpaalalay pa. Ako na mismo ang humiga sa stretcher. May lumapit naman saaking doctor at nilagyan ng yelo ang parte ng katawan ko na may bali. Pumikit ako sa sobrang pagod na nararamdaman. May isa pa akong problema... Ang mga traydor. I will surely punch them to death!

General So's POV

Ramdam ko ang inis saakin ni Commander Citadel. Hindi ko alam kung bakit nagkagano'n na naman ako eh. Kasalukuyan kaming bumabyahe pabalik sa base. Hindi namin inaasahang hindi sila aabot ng one week dito. Nasa isip ko pa nga aabutin sila ng dalawang buwan dito. Nagulat pa ako ng may mareceive akong email galing sa kan'ya.

I know the two President are waiting for us. So as the feisty reporters. Ang nakapagtataka lang ay lung bakit ayaw ipaalam ni Citadel ang tungkol dito sa fourth-star General. Kasama na rin namin lahat ng survivors. Marami kaming iniwan na mga tropa para magbantay. Tumawag na rin ako na magpadala ng mga maglilinis. Alam kong maraming patay na nagkalat.

Bumaba ako ng kotse at mga flash ng camera ang bumungad saamin. Pinipigilan naman sila ngunit hindi talaga nagpapaawat. Nagsimula lang akong maglakad ng lumuwag ng ang dadaanan ko. "It's all done Sir." napangiti ang dalawang Presidente sa tinuran ko. Lalong nagkagulo ang mga reporters ng bumaba sa kotse ang lima. Kaya gumamit na ng pwersa ang mga armies para tuluyang mailayo ang mga reporters.

Bumulas din ang pinto ng ambulansya kung saan nakasakay si Citadel. Salubong ang kilay nito at masamang nakatingin sa fourth-star General na galit din ang itsura. Okay... What's going on?"

"You didn't tell me that they are done?!" okay heto na siya. Mahilig pa naman 'to mageskandalo. "You! I'm higher than you yet you know all of this?!" dinuro-duro ako nito. Tumalsik na rin ang laway niya saakin. Kahit malayo na saamin ang mga reporters alam kong nakukuhanan pa rin nila kami ng audio at video. "You piece of shit!" natumba ako ng bigla ako nitong suntukin. Damn it!

HER, Being A BillionaireDove le storie prendono vita. Scoprilo ora