CHAPTER 11

100 3 1
                                    

Jayson's POV

Isang inch na lang ay tatama na sa mukha ni Citadel ang papel. Laking gulat namin ng hawakan ni Citadel ang kamay ni prof. Oh my God! Ang galing niya talaga.

"Oh my God! Bravo! Bravo! That's my classmate wohooo!!" Boang talaga to si Bettany. Baka siya naman ang balikan ni prof. Pero masaya yun ahhahaah. Ano kayang itsura niya kapag nangyari yun?

Padabog na inalis ni prof ang kamay niya na hawak ni Citadel. "Y-you ba't ka natutulog sa klase ko!?" Patay ka prof, amazona pa naman yan.

"Bakit? Nagsimula ka na ba? I think you didn't even start with your lesson. Am I right?" Walang emosyon na sabi nito. Ahahha supalpal ka prof. Go lang ipagpatuloy niyo lang yan para wala ng lesson heheheh.

"Y-you bastos!" Gigil yarn prof? Ahhaah nawala na ang mata niya sa sobrang inis.

"Sino kayang bastos sa ating dalawa prof? You know that I'm sleeping but hahampasin mo ako ng papel?" Natahimik naman si prof. Akala ko mananahimik na siya pero sinampal niya si Citadel. Yung kaninang maingay na classmates ko ay natahamik. Professional ba talaga siya? Ba't niya sinampal ang estudyante niya?

Mas lalong nagulat kami ng sinuntok naman ni Citadel si prof. Wait kanina pa ako salita ng salita hindi ko pa pala nababanggit ang pangalan ni prof. Siya si Prof. Ben Sison. Oh diba pangalan pa lang ang sungit na.

Napahiga si prof dahil sa suntok. Ganon' siya kalakas? Halata rin sa mukha ni Citadel ang inis. "Y-you, you! Kayong lahat sumunod kayo saakin! Pupunta tayo ng guidance!" Hala? Ba't nadamay kami? May saltik talaga siya sa ulo. Kinuha nito ang gamit niya sa mesa at padabog na lumabas ng room.

Ni isa saamin ay walang sumunod. Nahalata niya sigurong walang sumunod kaya para siyang galit na oso na bumalik. "I said come with me!! Bring your things and come with me!! Faster!!" Ayy prof, ito na nga po ohh. Peste ka!! Sumunod kami sa kaniya pero nasa unahan namin si Citadel. Para siyang lalaki! Di' ba siya takot na ma suspend? Chillax na chillax.

Hindi na kami umabot sa guidance office dahil nasa ibaba ng building si Headmaster. May time kasing naglilibot siya kasama ang masungit niyang secretary. Akala mo naman kagandahan.

Parang bata na lumapit sa kaniya si prof Ben. Magsusumbong ba siya? Ang tanda tanda niya na magsusumbong pa. Wala na nga siyang buhok sa tuktok ng ulo.

"H-headmaster I want to say something." Ayy wow, kanina parang ang layo ng kausap niya kung makasigaw ngayon naman ang hinay? Pakitang tao amppp.

"What is it Professor Ben?" Nakangiting sagot ni Headmaster. Hhihihi patatas na bungisngis.

Tiningnan naman kami ni prof na masama bago nagsalita. "This section! Pinagkakaisahan nila ako!" What? Ang liar naman niya. "At yun sinuntok niya ako sa mukha Headmaster." Turo niya kay Citadel. Well at least yun totoo. Nawala ang ngiti ni Headmaster at napalitan ng seryosong mukha. Shocks! Di bagay sa kaniya.

"W-what!!? What did you do all of you!?" Galit na turo saamin ni Headmaster. "You didn't respect your Professor? He's higher than all of you!" We know Headmaster. Pero mali mali naman yung sumbong niya sa'yo. Di' naman detalyado.

Hala! Baka ma suspend kaming lahat. Patay ako nito kay mader at pader.

"Headmaster parusahan niyo lahat yan!" Kanina ka pa turo ng turo ahh! "Kung pwede drop out!" Tangina this! Drop out? Ehh okay pa yung suspend ehh! Pag ako di nakatiis pati yang natitirang buhok mo prof uubusin ko yan!!

"He's right Headmaster, kailangan nilang bigyan ng leksyon!" Luh? Sumabat sa usapan si panget. Ngingisi ngisi naman si prof. Ba't pa kasi yun ang ginawa mo kay Cita? Pwede namang yugyugin na lang para magising ehhh.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now