CHAPTER 30

107 5 1
                                    

Citadel's POV

Hinawakan ko kung sino ang hila ng hila sa damit ko. Una kong nahawakan ay buhok. Buhok? Binaling ko doon ang paningin ko habang nakatutok pa rin ang baril kay Tuazon. Punyeta! Siya na naman? Palagi pa naman akong napapahamak sa batang lalaki na 'to!

"Ikaw ang totoong ate ko?" Ate? Ang alam ko ang bunso sa Villareal ah! Don't tell me may sunod pa sa'kin? Alam ko may kakambal pa 'tong babae ehhh! May mga bunso pa akong kapatid... Ang tinik naman ni Carter. Fuck him! Hindi ko na pinansin ang bata at tinuon na lang sa demonyo ang atensyon.

"Ba't hindi ka na makapagsalita ha? Doctor Tuazon?" Hanggang ngayon pa rin ay inaasar ko pa siya. "Napipi ka na ba?" Nakakuyom na ang isa nitong kamay at nanginginig pa.

Magalit ka pa...

"Papatayin kita! Papatayin kita!" Lumapit pa ito sa akin hanggang matapat sa noo ko ang baril niya at matapat naman sa noo niya ang baril. Hindi mo ko maiisahan.

"Bang! Bang!" Dalawang putok para sa dalawang tuhod. Nakaluhod na siya sa harap ko kaya naman pinantayan ko siya at bumulong. "Umalis ka na rito habang mabait pa ako. Kung ayaw mong bumaon ang isa pang bala sa bungo mo..." Takot itong gumapang papuntang sasakyan niya. Mabuti na lang pala malapit sa kan'ya ang kotse niya. Inalalayan pa nito ang sarili para makapasok sa driver seat. Humawak siya sa pinto ng sasakyan kahit hirap na hirap. Pinanood ko pa siyang makaalis.

Sa sunod na pagkikita natin... Mawawala ka na...

Inipit ko ulit ang baril sa jeans ko. Tiningnan ko ngayon si tita na malungkot. "Tita tara na... Wala tayong mapapala rito." Pinulot ko muna ang ang tela na pantakip niya sa mukha at binigay iyon sa kan'ya. Hinawakan ko ang kamay nito at hinila.

"S-Sandali p-pwede ko ba siyang maka-usap muna?" Nakita ko ang konting ngiti na sumilay sa labi ni tita.

"This is your chance tita... Go talk to her. I'll wait for you." Tumango naman ito at sumabay maglakad kay Magenta.

You can do it tita...

So... Saan ako nito tatambay? Alam kong matatagalan si tita. Hindi ko tiningnan ang pamilyang nasa likod ko at nagsimula akong maglakad papuntang basketball court ng village. Buhay pa kaya yun?

Putangina! Pati ba naman dito makikita ko siya? Bobo! Uwian na kanina pa! Malapit na ngang dumilim ehhh! Naabutan ko si Alexis na naglalaro ng solo. Topless ito at talaga namang makikita mo ang pandesal sa tiyan nito.

Wala na ba s'yang alam gawin kundi ang maglaro?

"Done checking me?" Naparoll eyes ako sa sobrang hangin niya.

"Oo naman... Pangit ng katawan mo!" Hindi maipinta ang mukha niya sa sinabi ko.

"H-Hoy! Ito pangit?! Bulag ka ba?!" Sigaw nito habang tinuturo pa ang katawan niya.

Pikon!

"Anong maganda riyan?"

"B-Bwisit ka ahhh!" Binato nito saakin ang bola na nasalo ko naman.

"Konting tapyas lang sa lamam mo... Magmumukha kang skeleton." Pinaikot-ikot ko sa hintuturo ko ang bola.

"N-Nakakainis ka na ahhh!" Hindi naman siya gan'to sa university. Isip-bata siya ngayon. Pikon pa! Binato ko sa kan'ya ang bola na tumama sa tiyan nito. "A-Ano ba! Masakit yun ahhh!" Hawak-hawak nito ang tiyan habang galit na nakatingin saakin.

"Kita mo na? Konting lakas lang nilagay ko sa bola nasaktan ka na?" Pang-aasar ko pa. Tiningnan ko ang relo ko at 30 minutes na ang lumipas. Kailangan ko ng makabalik baka tapos na silang mag-usap. "By the way mag gym ka naman..." Hahahaha. Bumalik na ako sa harap ng bahay ng Villareal at naabutan kong nagyayakapan ang lahat.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now