CHAPTER 25

101 3 0
                                    

Citadel's POV

Nakatingin ako ngayon sa repleksyon ko. Kailan ko nga ba huling nasuot 'to? It feels so new to me. Ang uniform namin ay parang sa navy seals. Imagine n'yo na lang na ang uniform ng army ay green pero saamin ay color gray, white na may blue. Basta yun na yun!

Hawak ko na ngayon ang door knob at nagdadalawang isip kung lalabas na ba ako.  Nakapag desisyon ka na. Huwag mo ng bawiin pa. Huminga ako ng malalim bago tuluyang buksan ang pinto.

Jon Alexis POV

Sumunod kami kila General So ng pumunta sila sa cafeteria. Napuno ito dahil sumunod lahat. Binuksan ni General So ang tv at nakita namin doon ang presidente na ang daming sugat at mukhang tinorture pa.

Yan ang lagay ng presidente n'yo ngayon. Ang gusto lang naman namin ay ang ransom na nagkakahalaga ng 500 million. Kapag hindi n'yo naibigay ang gusto namin bangkay na s'yang makakauwi. HAHAAHAHAHHA

Mga alagad ni satanas! Ang bait bait ng presidente! Ano bang kailangan nila? Saka 500 million? Saan naman kukuha ng ganyang kalaking pera ang pamilya o kaya naman ang gobyerno?

Nahuli kaming lumabas at nakita naming nasa gilid ng ground ang lahat. Problemadong problemado sila sa nakitang kalagayan ng presidente.

Gulat ako noong malaman ko kanina na agent si Citadel. Sobrang galing niya. Mas lalong nadagdagan ang paghanga ko sa kaniya. Nakahinga rin ako ng maluwag ng tinanggihan niya ang utos ni General So. Malalayo kasi siya sa kapahamakan.

Rinig namin ngayon ang desperadong pakiusap ng anak ng presidente na si Carter Villafuerte. Binaling ko ang tingin ngayon kay Citadel. Nakaupo siya sa batibot at malayo ang tanaw. Natigil lang iyon ng nilapit niya sa tenga ang phone niya. Mukhang may tumawag sa kaniya. Kita ko kung paano nagbago ang reaksyon ng mukha niya.

Nasasaktan, nalilito at galit.

Bumagsak ang kamay n'yang may hawak na cellphone. Nanginginig iyon sa sobrang galit. Ano bang problema? Ba't gan'yan ang galit mo? Tumakbo siya sa gitna ng round at doon nilabas ang galit niya.

"Ahhhhhhhh! Ahhhhhhhh! Ahhhhhhhh!" Halata sa boses niya ang hinanakit, sakit at galit. Kitang kita namin kung paano umalog ang balikat niya senyales na umiiyak ito. Kumunot ang noo ko ng lumapit ang bunsong anak ni Mr. Carter Villareal. May sinabi ito ngunit agad ding bumagsak ang balikat ng sinagot ito ni Citadel.

Inis itong naglakad pabalik at huminto sa harap ni General So. Nilahad nito ang isang kamay. Pagkalito ang bumakas sa mukha no General So. Dahil malapit lang kami ng barkada ko sa kanila narinig namin ang sinabi ni Citadel.

"My uniform." Simpleng sagot nito. Kuminang ang mga mata nila sa simpleng sinabi nito. Dahan dahang naglakad si Citadel papuntang cr. Nakita pa namin kung paano niya tiningnan ang hawak bago pihitin ang door knob at tuluyang pumasok.

"Yes! Yes! Yes!" Nakuha ng limang babae ang atensyon ko. Sila yung kasama ni General So pagbaba ng helicopter. Sa sobrang saya nila naghawak sila ng mga kamay saka tumalon talon.

"They better be ready. The typhoon is coming." Anong sabihin ng sinabi ni General So? Limang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya lumalabas ng cr. Kung nagtatanong kayo kung na saan ang cr. Nasa tabi lang ito ng cafeteria.

Natahimik ang paligid ng makita naming gumalaw ang door knob. Lahat kami ay inaabangan siya. Tumambad saamin ang babaeng naka suot ng pang military uniform pero iba ang kulay. Parang navy seal? Blue ito na may white at gray. Nakasuot din siya ng combat boots. Fuck! She's so hot! Tumaas lahat ng balahibo sa katawan ko. Tangina! Ang ganda niya!
Bagay na bagay sa kan'ya! Lalo pa't nakalugay ang buhok niya. Anghel na hot ang nakikita ko ngayon.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now