CHAPTER 20

106 3 1
                                    

Citadel' POV

Nasa garden ako ngayon sa labas ng ospital.

Nakakabanas maglakad kapag may swero.

Umupo ako sa ilalim ng isang puno. May mga upuan kase sa kada punong nandidito. Ang sarap sa pakiramdam na kahit mag-isa ka lang alam mong nandyan siya sa tabi mo at palagi kang binabantayan.

"Ate why are you sad?" Nabaling ang tingin ko sa kanang bahagi ko. Doon ko nakita ang batang babae na nakangiti saakin. Gaya ko naka hospital dress din siya ngunit may nakalagay na tela sa ulo niya.

May cancer ba siya?

May kasama rin siyang nurse na hawak ngayon ang handle ng wheelchair. Naka oxygen din ang batang 'to.

"No, I'm not sad." Nasabi ko na lang sa bata. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nag-usap pero namalayan ko na lang na sinugod siya papasok ng ospital. Sumunod ako sa nagkakagulong nurses at mga doktor. Umupo ako sa waiting area. Ilang minuto pa lang ang lumilipas lumabas na agad ang mga doktor. Ang bilis naman ata?

Hindi ako tumayo, ang tumayo lamang ay yung kasamang nurse ng bata kanina. Nakinig lang ako sa usapan nila.

"I'm sorry but she already gave up." Nabingi ako sa narinig ko. That child.. is already dead?! Seriously? Ang saya saya niya pa kanina habang kausap ako ehh!! Hindi... mali yung narinig ko di ba?

"No doc!! Nag promise siya saakin na hindi siya susuko!!" Gumagaralgal na saad nong nurse. Hindi pa rin ako nakakagalaw mula sa pagkakaupo. "I'm sorry." Rinig ko pang saad ng doktor bago ko narinig ang yabag nito papalayo.

Pinagmasdan ko ang nurse, yumuyugyog ang balikat nito senyales na umiiyak siya.

Promises are meant to be broken, right?

FLASHBACK

"Ate.. wag ka ng magsinungaling saakin. Kita kaya sa mata mo yung lungkot at pangungulila!" Ang bata niya pa.. pero magaling na siyang kumilatis ng tao. "Alam mo ba ate.. kasundo ko lahat ng nasa ospital. Mabait daw kasi ako ehhh." Ang daldal niya.

"Naniwala ka naman?" Sagot ko sa kanya. Napasimangot ito dahil sa sinabi ko. Ahahha cute. Marami pa siyang sinabi saakin ng kung anu-ano... na kahit hindi ko na maintindihan ang iba.

"Ate promise me, sasaya ka na ahhh." Natigilan ako sa sinabi niya. Mangyayari pa ba yun? Sasaya pa ba ako? Tumango na lang ako sa kanya. Todo ngiti naman siya sinabi ko.

"And promise me also that you will never ever give up." Sabay taas ng kamay ko. "Pinky promise." Masaya naman niyang kinonect ang pinky finger niya sa daliri ko.

"Promise." Ngiti nitong sagot.

Sana nga tuparin mo.

End of flashback

You gave up. You promised me. Nakangiti ka pa nung nag promised ka. Pero bakit sumuko ka na? Tumulo ang luha ko.

Tumulo? Umiyak ako?

Pinahid ko ang luha ko gamit ang kamay ko. Ngayon na lang ulit tumulo ng ganito ang luha ko.

I'll always remember you.

Thank you for making me happy even in a short period of time. Guide me... guide me Lexy. Pinunas ko ulit ang luha sa mata ko. Marami na ba akong naipon na luha? Kaya ganito karami ang lumalabas saakin?

Pabalik na ako sa kwarto ko ng makasalubong ko sina... prof Jaycee at prof Anjellie. Ba't sila nandito?

Malamang binibisita ka!

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now