CHAPTER 14

99 5 1
                                    

Angelo's POV

Hi everyone Angelo Villareal here. I'm with my brother and cousins in the mother side. Katatapos lang naming tumambay at naisipan naming kumain sa paborito naming karenderya. Mabuti na lang at isang van lang ang dinala namin mahihirapan sana kaming maghanap ng mapaparkingan dito.

"Bilisan niyo naman! Gutom na ko ehh!" Patay gutom talaga tong kapatid ko. Siya si Aleighn Villareal.

"Oo na! Ikaw lang ba yung gutom?" Sagot ko.

Dali-dali kaming bumaba dahil gusto na naming kumain. Papasok na sana kami ng karenderya ng matuod ako sa pwesto ko. May palabas na babae sa karenderya at kamukhang kamukha siya ni tita Camilla. Tulad ko na-freeze rin siya sa kanyang kinatatayuan ng makita kami ni Aleighn.

So Cameron is right she realky looks like tita. Kailangan na ba naming pagdudahan si Magenta? Tiningnan niya lang kami at akmang lalagpasan ng hawakan ko ang braso niya.

"Y-you're alive?" Shet! Ba't nauutal ako? Tinaasan niya lang ako ng isang kilay.

"Oh? Cameron didn't tell you about me?" Sarcasm is evident in her voice. After answering me, she continue walking and leaving us dumbfounded.

"Siya na ba talaga yun? Angelo?" Tanong saakin ng aking kapatid.

"I think so, Cameron is right kamukha niya nga si tita Camilla." Nasagot ko na lang sa kaniya. Malalim ang iniisip ko ng tuluyan na kaming nakapasok sa karenderya. Sila na ang nag order at nag-paiwan na ako sa mesa. Siya yung kalaro ko noon, kakampi, at para na ring kapatid ang turing ko sa kaniya. But I did'nt trust her that day.

"Bro are you okay?" Tanong ng kapatid ko. Nakaorder na pala sila. Di ko man lang namalayan na nakabalik na sila. Tinanguan ko lang sila.

Hanggang makauwi na kami ay nanatili akong tahimik. What are you up to Citadel? Are you planning to get rid of us? I hope not.

.........................

Citadel's POV

One week passed and its already month of September. Nandito ako ngayon sa loob ng room nakikinig sa lesson ni prof. Anjellie.

"Who's the father of modern architecture and considered as the greatest architect of all time?" Tanong niya saamin. Actually ito pa lang yung matinong lesson na naganap. "Anyone?" Taas niya pa ng kanang kamay. Well our subject is all designing.

"Jayson? Richard? Bettany? Anyone?" Lahat ng tinawag niya ay umiling lang.

"It's Frank Lloyd Wright." I answered.

Tumango naman si prof at nagpatuloy. "Yes, it's Frank Lloyd Wright. He was born in 1867 in Richland Center, Wisconsin. He is the greatest American architect." Nagpatuloy lang siya sa pagsalita. "That's all for today, bukas magde-design na tayo. And I expect you to bring the materials needed. Okay?" Oh? That's exciting!

"Yes prof!" Sagot nila. Yeah nila, di naman ako sumasagot ehhh.

"Ok, take your recess." Kakain ba ako? Oo? Hindi? Aissshhh! Napagpasiyahan kong kumain ng kumulo ang tiyan ko.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad sa corridor. Ako nanaman ang natira. Nakasabay kong maglakad yung babaeng binigyan ko noon ng hoodie. Sobrang ingay nila at nagtatawanan pa? Hindi ba pwedeng hinaan ang boses?

"Hi?" Sa ilang beses naming pagkikita hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.

"Low" Sagot ko bago binilisan ang paglalakad. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon. "Miss, macaroni soup nga at isang coke in can." Order ko. Saan ako uupo ngayon. Pinili ko na lang ang maupo sa mesa nila Alexis. Remember him? Siya yung hindi ako pinahinga ng maglaro kami ng basketball.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now