CHAPTER 2

107 3 0
                                    

Citadel's POV

Pagdating ko sa bahay ay 10: oclock na. Nagluto na lang ako ng kakainin ko para sa tanghalian.

Pagkatapos kong kumain, nagbihis ako dahil mageenroll ako sa kursong architect. Simula pagkabata gusto ko na talagang maging isang mahusay na architect. Nag drive ako papunta sa university na pag eenrollan ko. Pagdating ko ang dami ng kagaya ko na ang habol rin ay pag enroll.

Kinuha ko ang requirements at bumaba ng sasakyan. Naglakad ako ng kaunti at pumila doon sa registrar. By the way ang pangalan ng university na papasukan ko ay Walter University. Dito ko napiling mag-aral dahil magaling ang mga guro dito. Marami ring mga may magaganda ng buhay ang grumaduate dito.

Pinagmasdan ko ang mga estudyanteng nag-uusap. Masaya sila at makikita mong komportableng komportable sila. Sana ganoon rin ako, may kaibigan at may nakakausap kahit papano. Bakit ba kasi paggising ko ng araw na yon nagbago ang lahat? Bumuntong hininga na lamang ako ng malalim at inalis ang lahat ng negatibong alaala.

Hinihintay ko na lamang na matapos ang nasa unahan ko. Pagkatapos ng isang minuto ako na ang kaharap ng babaeng nag-iinterview at binibigyan ng mga documents. Tiningnan ko lamang siya at binigay ang mga dokumento ko. Umalis ako agad, alam kung nabastusan siya sa akin pero wala talaga ako sa mood maki pag-usap. "Tss, wala ka naman talagang kwentang kausap Citadel" sabi ng walang kwenta kung utak.

Naglakad ako sa corridor ng school at naghanap ng canteen dahil gutom na naman ako. Nang hindi ko ito mahanap, napagpasiyahan kong magtanong sa dalawang babae na nagdadaldalan sa harap ko.

"Excuse me miss, can I ask?" Hindi ko alam kung may bahid ba ng paggalang ang tono ko.

"A-hhh, ano yun miss?" Bakit siya nauutal?

"Where's the canteen here?" Kahit anong pilit ko na pagalangin ang boses ko, hindi ko talaga magawa.

"A-a-hhh doon miss, d-iretsuhin mo lang yung corridor tapos lumiko ka sa kanan." Nautal pa rin? Nakakatakot ba talaga ako?

"Thanks." Tinalikuran ko sila at walang lingong naglakad. Di' ko alam kung nabastusan sila saakin o hindi at wala akong pakialam doon.

Sinunod ko yung sabi ng babae at hindi niya naman ako niligaw. Pumasok ako sa canteen at hindi pinansin ang mga titig nila. Tuloy-tuloy akong naglakad patungo sa counter at nag order ng isang coke in can na pepsi at isang carbonara. Binayaran ko ito at naghanap ng mauupuan. Napili ko ang table na may isang upuan lang, naupo ako doon at nagsimula ng kumain. Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako kaagad. Kapag nakalabas ka ng corridor isang malawak na ground ang bubungad sa'yo. Sa gitna nito ay ang flag pole.

Sandali ko itong tiningnan at naglakad na. Habang naglalakad ako napansin ko ang mga nagkukumpulang tao malapit sa gate ng eskwelahan. Hindi ko sana ito papansinin pero nakita kung may mga police car. Ganon ba kalala ang nangyari?. I sigh. Lumapit ako doon at tama nga ang hinala ko may patay. Isang babae na may tama ng baril sa dibdib. Sigurado akong sakto ito sa puso. Paano ko nasabi? Isa sa nagbago saakin paggising ko noon ay ang paningin ko. Na enhance ito at kahit na maliit na mga bagay kahit malayo ay nakikita ko. Hindi ko alam kung paano nangyari yun, pero di na ko na ito pinansin.

Isa pa sa nakaagaw ng pansin ko ay ang babaeng pamilyar para sa akin. Kinakausap ito ng isang pulis. Mukhang naalala ko na kung saan ko siya nakita. Siya yung babae ng pinagtanungan ko noong bumili ako ng bulaklak, si Anne. Umiiyak siya at mugto na ang kaniyang mata. Mukhang kilala niya ang namatay na babae.

Pinagmasdan ko ang patay na babae, isang tingin ko pa lang alam ko ng murder ito. Kahit nga tanungin mo lang ang dadaan na tao kung murder ito hindi, masasagot agad na murder ito. Sino ba naman kasi ang papatayin ang sarili gamit ang kutsilyo sa madami pang tao ang makakakita.

May dalawang babae at lalaki ang kinakausap ng pulis. Isa na sa babae ay si Anne. Tingin ko hindi lang sila bastang iniinterview, sila rin ang person of interest. Maaaring kilala nila ang biktima o kaya ay sila ang huling nakasama ng biktima.

Si ateng Anne, isa siya sa pwedeng suspect dahil noong makita ko siya, balisa siya. Hindi kaya pinagpaplanuhan niya ang pagpatay? Imposible rin dahil sa damit ng biktima may isang strand ng buhok na kulay blonde. Hindi naman kulay blonde ang buhok ni ateng Anne. Isa pa yung kutsilyo ay may bakas ng kulay pula, nasa palagay ko ay galing sa bagong nail polish.

Tiningnan ko isa isa ang tatlo. Yung isang babae lang ang may blondeng buhok at may kulay red na red polish ang kuko. Alam ko siya ang suspek sa pagpatay, pero hindi ko siya pwedeng ituro ng ganoon na lang, kailangan ko ng iba pang ebidensya na makapagtuturo sa kaniya. Alam ko ring iba't-iba ang mga alibi nila. Noong sinabi ng pulis na alam na nila ang pumatay, tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

Hindi pa man ako nakakalayo ay napatigil agad ako dahil sa pangalan ng suspek na binanggit ng pulis. Si ateng Anne ang binanggit niya na alam kong mali. Hindi ko iyon pinansin ngunit narinig ko ang hagulhol ni ateng Anne at paulit-ulit na binabanggit na hindi siya ang pumatay at huwag siyang ikukulong dahil may binubuhay siyang mga anak.

Alam kong hindi dapat ako makialam pero iniisip ko yung mga anak ni ateng Anne kapag nakulong siyang walang kasalanan. Hindi ako nakatiis at kinuha sa loob ng bag ang itim na face mask at itim ring sumbrero. Sinuot ko ito at naglakad papuntang crime scene at nakipagsiksikan sa mga taong nanonood. Pagkadating ko doon ay isasakay na nila si ateng Anne sa police car, saka naman ako umeksena.

"Ikukulong niyo ba talaga yong tao na walang kasalanan?" Saad ko ng may kalakasan upang marinig ng mga pulis na mga tanga. Tss, natigilan ang mga pulis at tiningnan ako na para bang isa akong terorista. Mga bobo, pulis ba talaga sila?

"At sino ka naman? Miss pwede ba trabaho namin to at anong sabi mong hindi siya ang pumatay?" Sabay turo kay ateng Anne na nagtataka rin kung sino ba ako. Tss, ako lang naman ang magiging hero mo ngayon.

"Nagimbestiga ba talaga kayo? Tiningnan niyo ba ng maigi ang namatay? Ehh doon pa lang malalaman niyo na kung sinong pumatay ehh". Mukhang nagalit ko na ata sila haha.

"Oo, tiningnan namin ng maigi ang katawan ng biktima. At ayon sa alibi niya siya ay nakipagkita sa namatay. Dito mismo sa pwesto ng namatay sila nag-usap. Doon pa lang alam na naming siya ang pumatay!!" Ay! Galit. Grabe namang kung humusga ang pulis namay hawak kay ateng Anne. Ngayon ko lang din napansin na nasa akin ang atensiyon ng lahat. Pshh. May nagvivideo pa. Ano ako artista? Mga chismosa.

"Tinanong niyo lang sila may suspek agad kayo? Di niyo man lang ba tinanong si kuyang guard sa kung may nakita siya? Ehhh yung CCTV chineck niyo ba?" Napapahaba ang pagsasalita ko ahh. Mukhang namang narealize nila nag sinabi ko at pati ang mga chismosang nanonood nagbulong bulongan.

At dahil ang tagal nilang sumagot, ibinaling ko ang paningin ko sa blondeng babae. At mukhang nadagdagan pa ang ebidensya ko para maturong siya ang suspek. I smirk.

HER, Being A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon