Chapter 34 - Pangako

2.6K 118 1
                                    

034 - Pangako

Nathalia's POV

"Woah, ang galing! Anong premyo ang gusto niyo?" tanong ng lalaki sa amin.

I don't need one

"hindi ko na kailangan ng flushy na laruan." Ani ko. Aanhin ko naman ang flushy na laruan?

"sigurado ka nathalia?" Tanong ni Cassius. Tumango ako sa kanya "mhmm, kukunin ko ang premyo ko.... yon! yung berdeng malaking elepante" sinundan ko ang tinuro niya. Kinuha naman ng lalaki ang elephante at binigay sa kanya

"Maraming salamat sa paglalaro."

Naglakad na kami paalis

"Ano ang susunod nating gawin?" Tanong niya

"Sasakay tayo sa simpleng rides para hindi ka na mahilo."
Ngumiti siya sa akin at tumango

"doon tayo" Nangunguna na naman mag lakad si Cassius sumunod ako sa kanya. Sa buong araw naglalaro lang kami sa booths at sumasakay sa simpleng rides

"malapit na mag-sara ang amusement park." nginguya ko ang foot long ko at nilunok

"mhmm" kumagat ulit ako ng footlong.

"Sakay tayo sa ferris wheel?" nangunot ang noo ko "Diba may phobia ka sa heights?" tumango siya sa akin

"pero last rides na natin yun eh..." uminom ako ng softdrink sa lata

"ok?" nagliwanag ang mata niya

"halika na!" Hinila niya ako. Iniwan namin ang premyo sa bench pero wala akong premyong kinuha dahil ano ang gagawin ko dun?

Pagdating namin sa pilahan konti na lang ang pumipila

"huling batch na 'to." narinig ko sa kanila. Sumakay na kami ni cassius. Humawak ako sa bilog sa gitna

para saan 'to?

Inikot ko kaya umikot kami

"Nathalia! WAG!" ngumiti ako nang-aasar at inikot ulit "ISA!" inikot ko ulit gumalaw kami ng medyo mabilis "DALAWA!" Iikutin ko sana pero hinawakan ako sa kamay ni Cassius.

Sumimangot ako.

"Nathalia." Banta niya sa akin

"Cassius nasa taas na tayo." lumaki ang mata niya at dahan dahan siya lumingon pero agad siyang tumingin sa akin.

Nanginginig ang kamay niya

Aww, kawawa... Kasalanan niya 'yan

Umupo siya ng maayos. Nagtaka ako na huminto ang ferris wheel sa tuktok sumabay pa ang lakas ng ihip ng hangin kaya natangay ang buhok namin

"Nathalia."

Tumaas ang kilay ko. Lumapit siya sa akin sobrang lapit. Hinawakan niya ang pisngi ko. Nagulat ako sa ginawa niya sa pagputok ng fireworks mas nagulat ako sa sinambit niya na kinapula ko

"nathalia may ketchup ka sa pisngi" siya mismo ang nagpunas gamit ang hinlalaki niya.

Kahiya! Kaya pala may mga taong tumitingin sa akin na tumatawa.

Walanghiya!

Umayos siya ng upo at pinunasan ng panyo ang hinlalaki niya.

Lumingon siya sa gawi ng fireworks

"Ang ganda diba?" Napalingon din ako sa kalangitan

"Mhmm." ang ganda nga

"sana maulit 'to. Sana magkita tayo at sana mawala sana ang phobia ko sa heights at hindi na ulit magsusuka." natawa ako ng mahina "pagkatapos nito uuwi kana?" Tumango ako sa kanya "kung ihatid nalang kita?" umiling ako

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now