Chapter 29 - Paalam

3.1K 134 0
                                    

029 - Paalam

Nathalia's POV

Nakarating ako sa wakas sa mansion. Wala namang taong umaliligid kaya pumasok ako sa mansion

walang ilaw? wala dito si Lena at Martin?

Baka umalis na sila at akala nila patay na ako?

O hinahanap nila ako o hindi rin?

Hindi na ako aasa iiwanan din naman ako sa huli.... Eme

Hinanap ko ang switch ng ilaw at ln-on. Tinignan ko ang Oras 11:49 pm na ng gabi agad akong tumungo sa kusina para kumain. Nakakapagod mag-lakad I think mahigit pitong oras ako naglalakad

ang layo kaya!

In-on ko ang ilaw sa kusina at pumunta sa gawi ng ref pero bago ko siya binuksan. Kinuha ko muna ang sulat na nakadikit sa ref.

To; Young Princess

Prinsesa, Ikinalulungkot ko na hindi na kita muling makita. Alam kong buhay ka pa kaya nagsulat ako ng liham para sa 'yo. Masaya akong naging parte kita sa buhay ko at hinayaan mo kong ituring kang anak. Mamimiss kita, alagaan mo ang 'yong sarili.

Nagmamahal
Lenanda Tiong

Napangiti ako ng tipid. Hindi sinabi kung saan siya maninirahan hindi naman habang buhay kapiling ko si Lena. Na sa trenta naman si Lena kaya kailangan na niya mag-sarili at magkaroon ng sariling pamilya. lnilapag ko ang sulat at kumuha ng makakain sa ref.

"Delikado na ang lugar na 'to." umuwi lang naman ako dahil kukunin ko ang mga damit at armas ko. Isasangla ko din ang binigay sa akin na Dyamante, ginto, at mamahaling bato sa mga taga-hanga ko at isa pa nag-alala na ako kay Mila kaya kailangan ko nang kumilos.

Pagkatapos ko kumain at uminom ng tubig. Naligo muna ako ang baho ko kaya

Hindi ko kaya ang amoy ko. Hindi, naman ako amoy putok. Basta, hindi ko talaga maintindihan ang amoy ko.

Tumingin ako sa salamin at hinawakan ang mukha ko. Humanda kayo sa akin doudoublehin ko ang ginawa niyo.

Lumabas na ako ng kwarto at napatingin sa isang gilid. Nakatambak d'on ang mga regalo na binigay sa 'kin. Nagkibit-balikat ako at pumasok sa ikatlong pintuan. Nagsuot ako ng long white sleeve tinernohan ko ng fit jeans na black pati vest na itim. Nagsuot din ako ng black shoes at sinuklayan ko ang buhok ko.

Hindi ako pwede maging bruha dahil mala estetik ang kasuotan ko.

"Oi." hinawakan ko ang kwintas na regalo sa akin ni Dominic. Sinuot ko pala 'to hindi ko napansin.

Itinago ko sa loob ng damit ang kwitnas dahil importante ang bagay na 'yon. Kumuha ako ng Duffel para ilagay ang mga damit ko hindi ko nilahat nilagay ko rin ang black boots ko.

Kumuha na rin ako ng mga armas pero hindi lahat.

dahil ano ako sira?

Kapag nilahat ko hindi ko na mabubuhat. Lumabas na ako sa ikatlong pintuan dala ang dalawang bag. Kinuha ko ang inipon ko na pera pati ang binigay nilang mataas na value na regalo nila sa akin.

"Need ko mag check-in ng matutuluyan ko." lumakad na ako paalis sa kwarto "sa muli." sabi ko. Habang hindi na ako lumingon sa kwarto. Pinatay ko din ang lahat ng ilaw at umalis na ako sa mansion

Na itinuturing ko din na tahanan.

Theodore's POV

Nandito ulit kami kasama si Papa sa Bayan ng Amos para pumunta sa mansion ni Mama at tingnan din kung nandon si bunso. Mahigit apat na araw na nalaman namin na hindi 'yon katawan ni nathalia kung ganon

Asan na ba siya?

Bakit hindi pa rin siya nagpapakita sa amin?

Huminto na ang sasakyan at bumaba na kami. Naunang lumakad si papa sumunod ang kambal. Naglakad na rin ako sa gubat pagdating namin sa harap ng mansion

tahimik malamang.

"Pasok na tayo." rinig kong ani ni papa. Pumasok na kami sa mansion wala kang maririnig kundi ang yapak lang namin "walang pinagbago sa lugar na 'to."

"Titingin muna ako sa taas baka nand'on si nathalia." Ani ni Nathan. Tumango na lang kami sa kanya lumakad na siya paalis sa gawi namin.

"Diba may pagkain pa dito?" mahinang sabi ni Dominic katabi ko siya kaya narinig ko ang sinabi niya.

Nagugutom din ako.

Kinalabit ko siya ng mahina tumingin siya sa akin.

"Tara sa kusina." sabi ko. Ngumiti siya sa akin agad kaming tumungo sa kusina at ln-on ang ilaw "hindi ka ba kumain ng agahan Dominic?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot kaya lumingon ako sa gawi niya "hoy tinatawag kaya kit—." hindi natuloy ang sasabihin ko dahil nakatayo si Dominic sa lamesa at ang mata niya nasa gawi ng pinagkainan kung sino man?

"May-kumain." tinignan niya ako sa mata sa mata "si nathalia ba ang kumain? imposible naman kung si Lena dahil umalis na sila at isa pa hidden mansion ang mansion na 'to." Lumaki ang mata namin.

Tama ba ang hinala namin? kaya agad kaming tumakbo palabas.

Natumba nga si Dominic dahil nabangga siya si Nathan na hindi mapakali agad kong tinulungan si nico sa pagtayo.

"M-may kailangan akong sab—." Naputol ang sinabi niya dahil sabay kami ni Dominic nagsalita.

"Kami rin tungkol kay nathalia!" nagulat din siya sa sinabi namin

"bumalik siya dito." tumango siya "kailangan na nating sabihin sa kanila." agad kami pumaroon sa sala kung saan sila umupo. Nagulat nga silang apat dahil medyo hingal kami.

"Bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong sa amin ni kuya Marcel. Umayos ako ng tindig.

"Si Nathalia bumalik siya dito! / Nawawala ang ibang kasuotan niya!" napatingin ako kay Nathan ano raw? Nawawala ang kasuotan niya?

Umalis siya?

"Ha? nathalia lang ang nagets ko." Ani ni Dominick. Tinignan ko si Nathan at nakatingin siya sa akin nag senyas siya na ako muna ang mag-salita kaya tumango ako.

"Bumalik si nathalia. Hindi niya niligpit ang pinagkainan niya." titig na titig sila sa akin

strong ba ang reasons ko?

"Nawawala ang ibang kasuotan ni nathalia makalat sa kwarto niya dahil sa papel na galing sa regalo na binuksan. Tinignan ko rin ang banyo basa ang ibig sabihin non..."

"Naligo siya." Ani namin maliban kay kina kuya at papa.

"Baka magnanakaw lang 'yon." singit ni Kuya Marcel "Hindi, matibay na reasons ang sinabi niyo."

"Pero kuya hidden ang bahay na 'to." Ani ni nick

"hindi ka sigurado nick."

"Ichecheck ko lang ang cctv." sabi ni kuya Devon "baka nakuhaan si Nathalia."

Nandito kami sa opisina. Kung anong ano ang pinipindot ni kuya devon sa keyboard.

"What?" nabatikwas ako ng upo dahil sa sigaw niya. Agad kaming pumaroon sa gawi niya nagtanong si papa kung ano ang nangyari "wala akong nakitang nathalia pero may bumaril sa mga cctv."

Napanganga ako sa sinabi niya. Paano namin malalaman kung nasaan siya!? ayaw niya ba ulit kami makita?

•••
》》》Next Chapter - Chapter 30

A/N:

Be aware of grammatical Errors, typographical Errors,Sensitive words, violence actions and plot holes. Please do not read if you're not comfortable.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now