Chapter 1 - Bagong Katauhan

14K 340 33
                                    

01 - Bagong Katauhan

Carmella's POV

"Namiss kita." napangiti ako sa sinabi ng kasintahan ko. Kinakausap ko siya sa phone habang naglalakad ako pauwi sa condo, galing ako sa Shooting Range binabawasan ko lang ang stress na dinala ko dahil natanggal ako sa trabaho dahil sa gagawan ng kinakapatid kong babae.

"Talaga?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot kaya napakunot ako ng noo, magsasalita na sana ako, pero nakarinig ako ng mahinang ungol sa kabilang linya huminto ako sa paglalakad ko.

"Hon, may sakit kaba?" Nag-alalang saad ko. Hindi agad siya sumagot, kaya mas-lalo akong nag-alala sa kanya, sabi ko na nga ba! Palagi kasi siyang late umuwi dahil workaholic si Jonas, napasimangot ako.

"Aa-Agh, hi-hindi masakit lang... ang lalamunan ko mhm." Tumango ako, medyo napanatag naman ang kalooban ko dahil sa sagot niya. Nagsimula na ako maglakad, ang tahimik naman niya. Tumingin ako sa walking signal kulay berde, kaya tumawid na ako papuntang kabila.

"Kumain ka na-." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may narinig akong ungol ng babae, napahinto ako. Bumilis ang tibok ng puso ko, parang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. May ginagawa ba siyang kababalaghan habang kinakausap ako?

"Jonas." matinis na ani ng babae na kilalang kilala ko... napatakip ako ng bibig. Hindi ko alam ang gagawin ko, tumulo ang preskong luha ko na dumadaloy sa kabilaan pisngi ko, niloko niya ako. Kailan pa?

"Si Era ba yan?" sinusubukan ko na hindi ma-utal. Kilalang kilala ko si Jonas, hindi niya 'to magagawa. Pero nagkamali ako nagkamali akong minahal ko siya at pinag-tiwalaan ng sobra.

"Car-carmella." na taranta yata siya, l smiled sarcastically. "Jo-jonas kapatid ko ba yan?" Natawa ako ng mapait. Narinig ko ang busina ng truck unti-unti akong tumingin sa gawi ng truck alam mo ba ang pakiramdam na ang slow ng ginagalawan mo? Palapit na ito sa akin. Hindi ako makatakbo dahil namanhid ang dalawang paa ko,

Huli na ang lahat. Nabangga na 'ko ng truck sa lakas ng impak, napalipad ako at napagulong sa kalsada. Nakaramdam ako ng manhid sa buo kong katawan, hindi ako makarinig ng maayos. Nakaramdam ako ng daloy ng dugo galing sa ulo ko.

Nakarinig ako ng sigawan, hindi ko masyadong maintindihan ang sinisigaw nila ng mga taong naka-kita sa sitwasyon ko. Dumilim ang paningin ko... Ito na ba ang katapusan ko? bago dumilim ang paligid ko narinig ko ang malinaw na sigaw ng lalaki.

"CARMELLA!? ANO ANG NANGYA-."

"Congratulations, hired kana bilang manager!"

"I told you,siya ang nagnakaw ng kwintas ko!"

"Pinatay mo siya! You killed your own mother!"

"Gu-gusto ki-kita Carmel simula noong nakita kita ikaw lang ang laman ng puso at isipan ko."

"Bakit palagi lang ikaw! Paano naman ako! Hayop ka!"

"Namiss kita..."

Unti-unti na akong dumilat dahil sa ingay na naririnig ko. Bumungad sa akin ang kakaibang disenyo ng kisame, nasaan ba ako? Bakit hindi familiar ang lugar? hindi 'to ang kwarto ko! napapikit ako at biglang nag flashback ang nangyari sa akin na-alala ko kung paano ako binangga ng truck. Dahil sa ala-alang iyon biglang sumakit ang ulo ko.

"Ka-kasalanan ko ito ku-kung hindi ko iniwan si Prinsesa Nathalia sa gubat hindi siya na comatose, ilang linggo na siyang hindi nagigising Lena. Ano ang gagawin ko?" tinignan ko kung sino ang umiiyak. Pinunasan niya ang luha niya. Masyado siyang maganda para umiyak.

Maiksi ang buhok niya abot sa balikat. Light-brown ang buhok niya, matangos ang ilong, Mapupulang labi, ang mata niya kulay Itim. Ang masasabi ko lang, perfect ng itsura. Pwede na siya maging model sa sikat na modeling company sa pilipinas kahit sa ibang bansa.

"Tumahan ka na Mila, hindi mo ito kasalanan pangkat pinatawag ka ng mahal na prinsesa Nicassia." Ano raw? Asan ba ako tinignan ko ang buong paligid hindi naman mukhang hospital ang silid na ito, mala Disney Princess nga ang theme ng kwarto.

Tinignan ko ang babaeng nangangalan na Lena. Naka-bun ang buhok niyang itim, matangos din ang ilong perfect jawline. Kulay gray ang mata niya!? Ay, baka nag-suot siya ng contact lense.

"Pe-PRINSESA NATHALIA! Gising kana!" napatalon ako sa gulat, dahil sumigaw ng malakas ang babae na ngangalan na Mila. Lumapit siya sa akin, nakita ko sa mata ko ang mugto niyang mata dahil sa kakaiyak niya dahil yata sa akin?!

"Salamat naman nagising ka na prinsesa." Ano ang pinagsasabi nila kailan ako naging prinsesa? Napaisip ako wala namang prinsesa sa pangalan ko diba? Wow, hindi ako updated sa buhay ko.

"Asan akow? [Nasaan ako?]" tanong ko sa kanila. Letche! Bakit ganito ang boses ko? Boses bata at bakit ako bulol?! Sabay kaming tatlo nanlaki ang mata. Dahil ba... epekto ito ng pagkabangga ko?

"Prinsesa nathalia? Ano po ang pinagsasabi mo?" nag-alalang ani ni Lena sa 'kin. Hindi ako nagkakamali nasa bente anyos pataas ang dalawang babae na nasa harapan ko. Nagsimula naman tumulo ang luha ni Mila. Bakit mahilig siyang umiyak? hindi pa ba nauubos ang luha niya?

"Prinsesa Nathalia, patawarin niyo po 'ko." bakit ano ba ang nangyari? Ano ba ang ginawa ni Mila para maka-baka.... dahil iniwan niya si na-nathalia? At isa pa bakit nila ako tinatawag na prinsesa nathalia? Another name, Ko? imposible naman.

"Nawalia? [Nathalia?]" napatakip ako ng bibig. Nathalia hindi Nawalia! Ano yun twalya? Tinignan ko ang kamay ko laking gulat ko na ang liit hinawakan ko ang mukha ko, ang tambok ng pisngi ko at ang lambot, tinignan ko ang katawan ko gusto ko sana mawalan ng malay. Dahil naging bata ang katawan ko ano ang nangyari sa akin?! Paki-explain, huhuhu, my gorgeous body, nawala na.

"AHHHHHH!!!!!!" sigaw ko. Tatayo na sana ako sa higaan, pero pinigilan nila ako mila at Lena. Sa pagtayo, hindi ko tanggap! Hinding hindi at isa pa hindi ko pa napapatay ang dalawang taksil! Putang ina nila! Ang lakas ng tama, ilang bala ang tatagos sa katawan nila na ibibigay ko? pero hindi na yun mangyayari..., hinding hindi na.

"Prinsesa nathalia huminahon po kayo MILA! Tawagin mo ang doctor ibalita mo sa kanya na gising na si Prinsesa Nathalia!" Napatango naman si Mila. sumulyap muna siya bago siya lumabas sa silid. Sino? Sino ang gumawa sa akin neto? Wala naman akong ginawang karantaduhan sa kanya! Para gawin niya ito.

Hindi ako makapaniwala isa itong panaginip! Tama! Tama! Kaya kinurot ko ang pisngi ko pero napangiwi ako dahil sa sakit.... hindi ito panaginip? Hinawakan naman ni Lena ang maliit na kamay ko at binaba niya.

"Prinsesa wag niyo pong gawin 'yan." Malumanay na sambit niya Prinsesa? pero naguguluhan ako sa nangyari. Bakit ganon?

Inayos ko ang sarili ko sa pagkaupo sa kama. Napatulala ako. Nalaman ko niloko ako ng kasintahan ko l mean Ex Fiance dahil may ginagawang kababalaghan kasama ang nagsira ng buhay ko, si Era ang kinakapatid kong babae. Siya ang dahilan kung bakit ako natanggal sa trabaho. Siniraan niya ako!

Pagkatapos binangga ako ng truck, kaya tumilapon ako ng malakas. Gumugulong ako sa kalsada, namanhid ang buong katawan ko, Duguan ako, Hindi ako halos nakarinig.

Ano ba ang nangyari sa akin? Ito ba ang tinatawag na Rebirth, Reincarnation?

Next Chapter - Chapter 2

A/N:

Be aware of grammatical errors, typographical errors, sensitive words, violent actions, and plot holes. Please do not read if you're not comfortable.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon