Chapter 49 - Muling nagkita

1.6K 75 2
                                    

049 - Muling nagkita

Isaac's POV

Recess time kaya nandito kami sa cafeteria. Nagtatawanan kami dahil sa kwento ni gray.

Tumunog ang phone ko, pagtingin ko tumawag si Vivi kung ganun, Importante ang sasabihin niya.

Hindi naman siya mahilig tumawag kung hindi importante.

"Isaac, pumunta ka sa mansion nandoon ang Red dead gang." malamig na ani niya. Napatayo ako kaya napatigil sila sa pagtatawanan

"Ang bilis naman? hindi ka pa nga tumagal ng isang linggo dito." seryosong ani ko

"l know isaac, wag mong hayaan sirain nila ang Bbunny ko dahil babalatan kita ng buhay."

Grabe ka na talaga best friend.

Humakbang ako ng isang beses pero napatigil ako dahil nag salita ang kaibigan ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Damien.

Sasabihin ko ba sa kanila? Hmm... need ko din ng help dahil Red dead gang ang kalaban ko.

Madami sila kaya hindi ko kaya mag isa. Hindi ako katulad ni Vivi na dalawang minuto tatlo na ang napapatumba niya.

"Kailangan kong pumunta sa mansion ni Vivi. Nandoon ang Red dead gang." Seryosong ani ko. Sumeryoso silang lahat.

"Kaya mo?" Umiling ako. Umangat ang gilid ng labi niya bago siya tumayo "Tara?" Nagsipag Tayo naman ang lahat.

Woah, namiss ko 'to!

"Mas maganda kung ikaw ang mauna hindi namin alam kung saan ang bahay ni Vivian." Tumango ako.

"Sooo...Umuwi talaga si Vivi." mas lalo kong binilisan ang takbo ng kotse ilang minuto nakarating na ako. Hininto ko ang sasakyan ganun din sila. Bumaba ako at bumungad sa akin ang mahigit isang daang members ng Red-Dead Gang

Ang dami right? Mabuti binabaan ko ang pride ko kanina na mag-isa ako pupunta dito.

Ngumisi sa akin si Red kaya napasipol si Nico, tumabi sa akin sina Brother Devon at Damien.

Pinaikot ni Red ang baseball niya at pinatong sa balikat niya.

"Long time no see... isaac the weakling," nagsipag tawanan naman ang iba.

Napangiwi ako.

"Gagu ka ba? kung tungkol 'yan sa huling laban natin sa D country? Utot mo! nawalan lang ako ng malay dahil may sakit ako that time!" Sumeryoso siya "Ano ba kailangan mo Red." Napalingon ang mga kaibigan ko sa 'kin

Mamaya na ako magpaliwanag.

"Life of vivian." napasinghap naman ang Iba kong kaibigan "but, wala dito ang puntirya ko pero nandito naman ang pinakamahal niyang motor." Para akong tinakasan ng dugo

Nilabas nila ang motor ni Vivian gumaan ang loob ko na wala akong nakitang gasgas o yupi

"Wag mong idamay ang Baby ng bestfriend ko... kapag nandito lang siya? baka magaya ka kay Blue." Seryosong ani ko.

Kahit anong bagay na sirain niyo, wag ang baby ni Vivi! Ayoko pa ma deds mawawalan ng poging anak sina mama.

"Demonyo ang babae na 'yon! She killed my brother!" Sigaw niya. Ramdam ko talaga ang galit niya sa kaibigan ko.

Sino ang hindi magagalit? Pero...

"Did you forgot? Muntik nang mawala ang kaibigan namin ni Vivian dahil kay Blue kung hindi lang sinaksak ni Blue si Na'il edi sana buhay si Blue!" Depensa ko. Alam kong Mali ang ginawa ng bestfriend ko pero wala siya sa sarili no'n.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now