Chapter 55 - Captain

1.4K 62 0
                                    

055 - Captain

Vivian's POV

Umalis na kami sa lugar. Binuhat ni Daliri ang batang babae, hindi ako sigurado, pero nasa thirteen pa ang bata?

"Salamat pala sa pag-ligtas sa 'min," napalingon ako sa katabi ko "dahil sayo na iligtas mo kami sa impyernong lugar na 'yon." Ngumiti siya sa akin.

"Ano ba ang meron do'n?" Ani ko.

Tumingin siya sa harap niya at ngumiti siya ng pilit pansin ko ang nangingiligid niyang luha

"Nevermind, hindi ka komportable."

"Kinulong kami para ibenta,"

Benta? Parang nablangko ako.

"May bumili sa'kin dapat mamaya pa ako kunin pero nailigtas mo ak- kami sa lugar na 'yon. Maraming salamat." Tumulo ang butil ng luha niya.

Umiwas ako ng tingin

"Wag na pala nating pag usapan ang bagay na 'yan." tumahimik ako.

"Diretso lang ba?" Sambit ni El.

lnayos niya ang pagkarga niya sa waiter. Tumango lang ako

"weird...."

Hindi ko pinansin si El. Inabutan na kami ng takipsilim pero hindi pa kami nakalabas sa gubat na 'to.

"Sigurado ka ba sa daanan?" Tanong ng babae sa akin.

Wala kayong tiwala sa 'kin?

"pero parang hin-" Naputol ang sasabihin niya dahil may narinig kaming dumaan na kotse.

"Holy, Shemay!" Malakas na bigkas ni Daliri.

Tumakbo sila. Narinig ko ang hiyawan ng ilan at iyakan, nahuli ako sa paglakad dahil nakaramdam ako ng pagod.

"An-no-." Gumising ang waiter pero hinampas ni Daliri ang batok niya kaya nahimatay ulit.

Kinuha ko ang phone ko at in-open, may signal sa lugar na 'to.

"Sac, may tauhan ba kayo dito sa bansang 'to?" tumango siya sa akin "humingi ka ng tulong sa kanila. Ipadala mo ang location natin. Dala mo naman ang cellphone mo diba?" Nangunot naman ang noo niya.

"Sandali, l-check ko kung dala ko," Napapikit ako dahil nakaramdam ako ng inis at nagpakawala ng buntong hininga sabay sa pagdilat ng mata ko.

"Ay, Dala ko! Haha, kinabahan ako. Kala ko hindi ko dala ang phone ko." Napailing na lang kami ni El.

Mabuti lang talaga!

"punta kayo dito. Mag dala ng tatlong van. Isesend ko ang location ng lugar." Pinatay niya ang tawag "dadating na sila."

Inabutan ng ilang oras bago dumating ang tauhan nina Daliri.

"Crown Prince lsaac?" Baling ng tauhan niya. Narinig ko ang bulong ng mga kababaihan. Tinanggal ni lsaac ang maskara niya.

"Mabuti dumating na kayo," Nilingon niya ang kababaihan "guide them," Yumuko ang tauhan niya "tutungo tayo sa villa ni daddy."

"Makakauwi na ako sa wakas." Lumingon ako sa katabi ko, namumula ang gilid ng mata niya

May lumapit sa kanyang tauhan at inalayan siya.

"Igapos mo ang lalaki na 'yan." Napatingin naman ako sa gawi nina Daliri at Sam. Binuhat ng tauhan ang waiter at pinasok sa van.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now