Chapter 16 - Pagkain

4.1K 168 4
                                    

016 - Pagkain

Someone's POV

Almost 3 years hindi pa nahahanap ang ika-pitong anak ni Jefferson pero nag report sa akin ang mga bigatin na private detective at spy na binabayaran ko ng malaki. May isang hidden mansion sa bayan ng Amos merong nakatira d'on na Lalaki na kulay dilaw ang buhok.

Hindi pwede masayang ang binabayad ko sa detective at spy. Sumimsim ako ng wine sa wine glass meron na mang kumatok sa pintuan.

"Come in." pumasok ang isa ko pang binabayaran na spy "ano ang balita?" May nilapag siyang black na folder. Kinuha ko ito at binuklat puro picture ng batang lalaki "Marcelino?" tumango siya.

"Tawag sa kanya ng lahat. Tahimik na bata lang siya taga-bantay ng cake shop pagmamay-ari nina Ms. Lena at Ms. Mila mga katulong ni Marcelin—."hindi niya tinapos ang sasabihin niya kaya napataas ako ng kilay "ang... siya ang ika-pitong anak ni Lord Marleigh." napakunot ako ng noo. Babae ang anak niya hindi lalaki magsasalita sana ako pero nagsalita siya "nagsusuot siya ng contact lenses Meron akong kinuhanan bilang patunay na kulay asul ang mata niya."

Hinanap ko ang picture na tinutukoy niya. Napangiti ako totoo nga ang sinasabi niya kulay asul ang mga mata niya may isang side view na nakuhanan ng camera.

Kamukha niya si nathasia.

"Hindi ko pa siya pwedeng patayin. Gusto ko malaman kung anak talaga ito ni Jefferson." tumango siya at yumuko. Lumabas na siya sa opisina ko.

Ganti-ganti lang 'to Jefferson dahil sa ginawa mo kukunin ko ang buhay ng anak mo.

Nathalia's POV

Nandito na kami sa paborito kong kainan. Kasama ko ang kambal pagpunta dito kinakabahan ako kung kalaban ba sila na pinadala sila para kunin ang tiwala ko pagkatapos madadamay sina Mila at Lena dahil nakuha nila ang tiwala na inaasam nila sa akin

Nanginig ang kamay ko dahil sa naisip ko.

"May sakit ka ba?" nagulat ako na hinipo ako ng lalaking nasa harap ko sa noo "Wala naman. Pero, bakit ka nanginginig? Ok, kalang?" Tanong niya sa 'kin. Hindi ko sinagot ang tanong niya "Tahimik mo naman. Diba Dominick?" Tumango ang kambal niya.

"Hindi pala kami nagpapakilala. Ako si Dominick." turo niya sa sarili niya. Tinignan ko lang siya pareho kami ng kulay sa mata at buhok may pag ka medyo hawig kami hindi... silang dalawa medyo kahawig ko.

"Ako si Dominic. Mas matanda ako sa kanya dahil ako ang unang lumabas." paliwanag niya sa akin "lkaw ano pala ang pangalan mo?" ayoko ibigay baka... binayaran sila para malaman ang pangalan ko.

"Marcelino?" nagulat ako sa pag-sulpot ni mang-roberto "ang paborito kong suki! sino ang kasama mo? kapatid mo?" umiling ako sa kanya "Ha? eh bakit kayo mag kamukha?" hindi ako makasagot. Napansin ko ang pananahimik ng dalawang kasama ko.

"Kakain kami." maikling ani ko. Napansin ko bumalik sa ulirat ang dalawang kambal. Kuminang ang mata ni Dominic

Mahilig yata 'to kumain.

"Halata nga. Maghanap na kayo ng lamesa ninyo kukuha lang ako ng ballpen at papel." Lumakad na palayo si mang-roberto. Umupo ako sa upuan sumunod naman ang kambal sa akin at umupo na rin. Nasa harapan ko si Dominick at ang katabi ko si Dominic.

"Ano ang o-orderin mo Dominic?" Tanong sa kanya ng kapatid niya. Hawak ni Dominic ang isang menu hindi ko na kailangan ng menu dahil alam ko na putaheng niluluto nila dito.

"Hindi ko alam... ngayon ko lang 'to nakita... Marcelino Tama ba?" hindi ako sumagot sa kanya "Ok, marcelino ano ang masarap na pagkain dito?" tanong niya sa akin. Yumuko ako.

Hindi ko kayang titigan ang kamukha ko.

"Kare-kare, sisig, lechon kawali, batchoy, lahat niluluto nila masarap." Inangat ko ang ulo ko. Napa-tango si Dominic sa sagot ko.

"Ano Dominic? Ano ang Napili mo?" tanong ulit sa kanya ng kambal niya. Dumating na si Mang-robert na may dalang papel at ballpen.

"May-napili na ba kayo?" tanong niya sa amin. Magsasalita sana ako pero nagulat kaming tatlo sa sinabi ni Dominic.

"Lahat ng ulam pati dessert ang order namin." nag-labas si Dominic na makapal na pera

Saan niya 'yan nakuha?

"Ito na ang bayad. Kunin mo na rin ang sukli." humalakhak naman si mang roberto.

"Sige, sige. Maraming salamat sa biyaya. Marcelino palagi mong dalhin ang kapatid mo? ha. Ang swerte ko ngayong araw!" Lumakad na palayo si mang-roberto. Narinig ko pa rin ang malakas niyang tawa dahil sa Saya.

"Seryoso ka ba Dominic?" tumatango-tango lang si Dominic sa tanong ng kapatid niya. Tahimik lang ako at pina pakiramdaman ang paligid "sa tingin mo mauubos natin lahat ang in-order mo? malamang hindi! nag sayang ka lang ng pagkain!" bakas na inis sa tuno ni Dominick.

"Chill ka nga. Kung may-natirang pagkain edi l-take out at isa pa bibigyan natin si marcelino." nagulat ako sa sinabi niya hindi ko lang pinahalata "Marcelino, l think my question is kindly rude but can l ask you?" ano ang itatanong niya sa akin? kung ako ba ang nakita ng bulto bago mangyari kay Lolo ni Fey? "Your hair, natural color ang kulay ng buhok mo?" bumilis ang tibok ng puso ko. Kapag sinabi ko sa kanya na, Oo. Baka i-report niya sa kanya sa kanila para patayin ako. Madadamay sina Lena at Mila Dahan-dahan akong umiling. Napatango naman siya.

Nagkwekwentuhan sila. Hindi ko sila pwedeng pagkatiwalaan pero bakit ganito ang nararamdaman ko? parang magaan sa pakiramdam? naghintay kami ng ilang oras bago l-serve ang ln-order ni Dominic.

Pumalakpak si Dominic. He likes food. Well, same kami pero hindi ko sinosobrahan maliban kapag favorite ko o nagustuhan ko. Nagdasal muna kami bago kumain hindi ko sinara ang mata ko.

Sumandok si Dominic ng ulam at nilagay sa plato niya. Pati rin si Dominick naglagay na siya sa sariling Plato. Hindi ako na lito sa kanila kahit magkambal sila. Why? may nunal na maliit sa kanang mata si Dominick si Dominic wala.

Napansin ako ni Dominick na hindi sumandok kaya binigyan niya ako ng pagkain at kanin

He gave me a warm smile, before he eat. Napatingin ako kay Dominic dahil nilagyan niya ako ng ulam.

"Wag ka na mahiya kumain kana, Marcelino." Seryosong ani niya. Bakit sila ganito? nag a-acting lang ba sila para makuha ang loob ko? nag buntong hininga ako

gutom na rin ako kaya sumubo na ako.

Hindi ako makapaniwala naubos namin ang putaheng inihanda sa amin. Napahawak ng tiyan si Dominick.

"I'm full, burgh~" dumighay ng malakas si Dominick kaya natawa si dominic "hey, don't laughing at me!" singhal niya sa kambal.

"You know nick, l can't breath proper— ouch my tummy." Napahawak siya sa tiyan niya. Parehas lang kami ng sitwasyon bakit kasi napadami ako ng kain.

•••
》》》Next Chapter - Chapter 17

A/N:

Be aware of grammatical Errors, typographical Errors, Sensitive words, violence actions and plot holes. Please do not read if you're not comfortable.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now