Chapter 10 - Ebidensya

4.8K 204 1
                                    

010 - Ebidensya

Nathalia's POV

Kasama ko sa pagpunta sa munting bahay ni lolo si Mama Lena at Mila. Dahil kung saan ako pupunta sasama sila sa akin. Bumungad sa amin ang media, pulis, medic, at tao na nakapaligid sa bahay ni lolo.

Teka, anong meron?

"A-anong." bulalas ni Mila. Napatakip ng bibig si mama lena sa nakita niya. Nakatayo lang ako at hindi na proseso sa utak ko ang nangyari.

Kinakain na ako ng kaba.

May dalawang medic na binuhat ang folding stretcher. Nakatalukbong ng puting tela na puno ng dugo ang nakahiga doon. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Dali ako tumakbo sa gawi nila. Tinawag nila ako para bumalik pero wala ako pakialam! Gusto ko kumpormahen ang nakahiga sa folding stretcher!

Sana hindi si Lolo, sana hindi, please!

"Sandali!" sigaw ko sa dalawang medic kaya nagsipag tinginan sa akin ang lahat ng tao. Hindi naman nila makita ang mukha ko dahil nakasuot ako ng cloak at binigyan ako ni Mila ng itim na contact lenses para sa safety kuno.

"Hoy!" sigaw ng isang pulis "umalis ka gian bata!"

"Gu-gusto ko makita." turo ko sa kinarga nila. "Pamilya ko ba siya? Please, I want to see it!" Tinignan nila ang isa't isa bago tumango binaba nila kaunti ang binuhat nila. Ako na mismo ang tumanggal sa takip ng mukha.

Hindi ko napansin tumulo na pala ang luha ko. A—akala ko si lolo. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Masyado lang akong kinain ng kaba.

Think positive!

"Kilala mo ba siya." Umiling ako. Siya yung pulis kagabi may sugat siya sa leeg. Pati ang mukha niya, putok din ang labi binuhat nila ang pulis at dinala sa ambulance.

"Bata! kailangan mo nang—" hindi natuloy ang sasabihin ng pulis dahil may sumigaw na medic sa loob ng bahay.

"May bangkay pa dito!" Dali kong tinignan ang gawi ng medic. Kaya tumakbo ako pero nahablot ang braso ko ng pulis.

"Ang kulit mo ang sabi k—" Kinagat ko ang kamay niya kaya natanggal ang pagkahawak niya sa braso ko. Tinapakan ko ang paa niya, at tumakbo papunta sa loob.

Parang nawalan ako ng dugo sa nakita ko. Napahinto ang mundo ko sa nakita ko hindi ko marinig ang sinasabi ng mga tao sa loob ng bahay. Lumalabo ang paningin ko.

"LOLO!!!" sigaw ko. Dali ko niyakap ang katawan niya at umiyak. Wala na siya! Wala na si lolo! Duguan siya sa ulo malamig na ang katawan niya.

Hudyat na wala na siya.

Someone's POV

"Tama ka, siya ang Lolo ng biktima na si Fey na nagtatrabaho sa Sikat na Bar sa Bayan ng Amos."

"Sandali!"

"Hoy! Umalis ka gian bata!"

"Oi, panoorin mo dali may bata."turo ko sa malaking television. Tumabi sa akin ang kapatid ko at pinanood ang balita.

"Bakit siya nagsusuot ng cloak?" Tanong niya sa kin. Inakbayan ko siya sa balikat.

"Tanongin mo sa kanya kung bakit. Wag sa kin." Ngumuso naman siya sa sinabi ko. Sarap hilahin ang nguso niya pareho sila. Mahilig ngumuso.

"Kita mo yun." Tumawa ako ng malakas, eh paano? kita sa balita kung paano kinagat at inapakan ang pulis.

"Sa tingin mo kaano ano niya ang nakatira sa bahay na yan?" nagkibit-balikat lang ako.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon