Chapter 36 - Nahanap

2.6K 104 0
                                    

036 - Nahanap

Nathalia's POV

Alas-cinco ng madaling araw ng Ika-mayo dalawangput-siyam kung saan magsisimula ang kilos ko para iligtas si Mila sa kamay ni Amos.

Nandito ako sa daungan ng mga bangka. Nagtatago, sinusundan ko kasi ang tauhan ni Amos naglalakad sila papunta sa Cabin cruiser.

Sumakay sila at pumasok sa loob. Lumingon muna ako sa kanan at kaliwa bago ako lakad takbong tumungo kung saan sila sumakay.

Tumalon ako at pagulong-gulong bago umandar ang cabin cruiser. Gumapang ako para hindi nila ako makita dahan-dahan akong sumampa sa bubong ng cabin cruiser at dumapa doon.

Promise, hindi talaga nila narinig ang kalampag ko.

Habang nasa byahe kami dinamdam ko ang malamig at malakas na hangin. Ilang minuto nakita ko ang Isla kaya. Binunot ko ang dagger ko at tumalon at pumasok sa loob

"paanong—" hindi ko siya pinatapos dahil sinaksak ko ang dibdib niya. Bago kunin ng isa ang baril niya sinipa ko ang dibdib niya at hinatak ko ang dagger ko sa lalaki na nahihirapan huminga tinutok ko ang dagger sa sinipa ko sa leeg.

"Tumayo ka gian at ipaandar mo ulit ang cabin cruiser patungo sa isla." kinakabahan siyang tumango. Tumayo siya at pinaandar uli ang cabin cruiser. Nakatutok pa rin ang dagger ko sa leeg niya pagdating sa daungan pinatay na niya ang makina

"na-nan-nandito na ta-tayo" nanginginig niyang ani ngumiti ako sa kanya

"salamat." sabay hampas ko sa kanya kaya nawalan siya ng malay. Bumaba ako sa cabin cruiser tinignan ko ang paligid may narinig akong yabag palapit sa 'kin kaya mabilis ako nagtago.

"Nandito na pala sila." gulat na ani ng lalake

"Sana may dala silang kape."

"Oo, nga sana may binili silang kape." umikot ako. Dahan-dahan lang ako naglakad

*creak

tang-inang sanga na yan!

lumingon ang tatlong lalaki sa gawi ko

"Good morning!" Sinuntok ko sa panga ang unahan kaya nahilo. Bumunot ng patalim ang isa, ang isa naman baril nagpaputok siya kaya tumambling ako pasulong.

Sinipa ko sa mukha ang lalaki na may baril. Tumakbo sa gawi ko ang may-patalim napaiwas ako ng inatake niya ako. Hinawakan ko ang kamay niya at pinaikot kaya napa-sigaw siya

"ARGGHHH!!!" narinig ko ang buto niya. Sinuntok ko sa panga ang lalake kaya natumba siya.

Hindi ko sila maiwan na may malay baka magsumbong kaya pinaghahampas ko sila.

Tumakbo ako sa gawi ng mansion bago ka kasi makapasok sa mansion kailangan mo munang umakyat ng maraming baitang na hagdan

Sino ang architect nito? Ekis 'to!

"MAY KALABAN!" nilabas ko ang baril ko at hinawakan ng mahigpit. Napaiwas ako ng pinutok ng kalaban ang baril na hawak niya na daplisan ako ng bala pero wala akong pakialam sa sakit na nararamdaman ko. May napatumba na ako mahigit lima... sana konti lang ang tauhan niya dito sa Isla.

Theodore's POV

Nandito kami ngayon sa gitnang bahagi ng Amos province at Amos city. Nakasakay kami ngayon sa van hindi sumama si papa dahil dadalo siya sa grand opening ng A-Hotel pagmamay ari ni Lord Amos.

kailangan daw niyang dumalo dahil kaibigan niya si Lord Amos pero hindi halata na magkaibigan sila.

Minsan tanga si papa inuna pa kasi kaibigan kesa anak.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon