Chapter 26 - Puntod

3.4K 148 0
                                    

026 - Puntod

Marcellus's POV

Bumalik kami sa mansion ng mga marleigh sa Marleigh City kasama ang kapatid ko. Bago kami bumalik galing ako sa morgue pina autopsy ko ang katawan ng bangkay kung si nathalia ba 'yon

Sa madaling panahon malalaman kung si bunso ang sunog na bagkay. Kung hindi ipapahanap ko talaga sa buong A country o sa ibang bansa para makita lang siya.

Pina pahanap ko din sa mga matapat na tauhan ng mga marleigh kung sino ang sumakay at kanino ang may-ari ng helicopter. Alam kong hindi basta basta ang tao na 'yun

nasa tapat ako ng pintuan ng opisina ni papa.

Bumukas ang pintuan at niluwa ang secretary niya na lalaki. Yumuko siya sa akin bago umalis sinundan ko siya ng tingin.

Hindi na ako kumatok sa pagpasok ko sa opisina. Nakita ko si papa nagpipirma ng mga documento. Inangat niya ang ulo niya kaya nagtama ang paningin namin.

"Marcellus ano ang kailangan mo?" Takang saad ni papa. Tinuon niya ulit ang documento at binasa bago pinirma. Tumingin ako sa kanya ng malamig "Marcel—." pinutol ko ang sinabi niya at nagtanong ako tungkol kay bunso. Mabilis siya napatingin sa gawi ko at lumaki ang mata niya sa gulat.

"Bakit mo tinago sa amin si nathalia, Papa?" malamig na ani ko. Sana maganda ang paliwanag mo papa kung hindi. Hindi ako magdadalawang isip na suntukin kita.

Theodore's POV

Nandito ako ngayon. Kung saan ang puntod ni mama dinalhan ko siya ng paborito niyang bulaklak

Lavender

Umupo ako sa damuhan at tinitigan siya.

"Mama, sabihin mo nga para mapanatag ang kalooban ko. Kasama mo na ba gian si Bunso? wag naman sana... dahil ang unfair. Saglit lang kami nag kasama tapos kinuha mo siya? nakakasama ng loob naman mama." Umihip ng malakas ang hangin kaya natangay ang buhok ko

"Ma-mama, joke lang po 'yun hindi ka talaga mabiro Haha— Mama wag niyo ko takutin! nag-lisa lang ako nandito para bisitahin ka!" Pagkatapos kong sabihin 'yon napatitig ako sa kanya. Tumagal ng ilang minuto bago ako magsalita ulit

"Ma, pakisabi sa kanya igalaw niya ang baso o takutin niyo siya para magpakita siya sa amin." ngumiti ako sa kanya "Mama, kahit hindi kita nakikita alam kong maganda ka pa rin kaya dahil sa ganda mo maaari mo bang pasabihan si Thalia na mag-iingat siya at magpalakas dahil ayokong makita siyang nasasaktan."

Nangingilid ang luha ko.

"Ma, ang tanga ko. Hindi ko ma handle ang sitwasyon. Hindi ako makahindi o hindi ko napigilan si nathalia. Hindi, hindi ko alam dahil hindi ako sanay dahil babae siya o ngayon ko lang siya nakita o hindi ako makapag isip ng tama sa nangyari."

Pwede naman kasi kaming humingi ng tulong sa tauhan namin. Masyadong mababaw ang desisyonan namin. Kasalanan namin magkapatid.

Umihip ng malakas ang hangin kaya Kinilabutan ako. Lumapit ako kaunti kay mama pilit akong ngumiti sa kanya napasigaw ako dahil may humawak sa akin.

"AHHHHH MOMMY KO!" napapikit ako. Pinakrus sign ko ang kamay ko at tinapat sa nilalang na kumalabit sa akin. "kung sino ka! wag ako! may gagawin pa ako! hindi pa 'to tamang oras para sumali kay mama kahit namimiss ko siya." sigaw ko. Habang nakapikit

ni-rap ko 'yan

naghabol ako ng hininga. Hindi kasi ako huminga.

"Ha?" I open my right eye. Napa buntong hininga ako at sinamaan ko siya ng tingin "What?" umupo siya sa tabi ko "Hi, Mother." Ngiting saad niya napanguso lang ako.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora