Chapter 28 - Wikang unggoy

3.3K 142 1
                                    

028 - Wikang unggoy

Nathasia's POV

Tumitig ako sa malaking Family Picture. Hinaplos ko ang malaking tiyan ko. Naramdaman ko ang sipa ng anak ko sa loob kaya ngumiti ako.

"Naka-tadhana na... sa isang katawan dalawa ang kaluluwa." palagi ako nanaginip tungkol d'on. Kung totoo naman 'yon wala akong magagawa dahil anak ko sila.

Anak ko ang dalawa.

Kaunti na lang ang panahon ko dito. Ngumiti ako ng malungkot dahil kakaibang mensahe ang binigay sa akin.

Tuwing.... nanaginip ako nakikita ko ang hinaharap.

Isa sa panaginip ko. Mamamatay ang isang anak ko dahil sa pagkadulas.

Sa pagkagising niya ibang tao na ang napunta sa katawan siya at 'yon ang isa ko pang anak

Napailing ako at ngumiti ng matamis. Bakit hindi na lang kayo maging kambal na may katawan? katulad ni

nicoco at ni nick nick?

Napa hagikgik ako. Ang anak ko na kambal na sobrang cute. Pero, nakita ko ang future nilang dalawa.

Pero sa akin lang 'yon.

I felt hurt dahil mamamatay ang isang anak ko. Ang unfair naman talaga maraming mangyayari sa hinaharap. Kaya napagdesisyonan ko na bigyan ng regalo ang anak ko na babae ng sandata at armas alam kong kailangan niya 'to.

"Anak ko... maging matatag ka ha!" sabi ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagsipa ng anak ko "sabihan mo sa isa mong kapatid na gumising na siya kailangan pa niyang iligtas ang mahal niya sa buhay...."

Carmella's POV

Nakaupo ako sa madilim na lugar. Wala akong makita kundi kadiliman. Mahigpit kong niyakap ang binti ko at yumuko. May narinig akong malakas na patak ng tubig at naramdaman ko na merong tao sa harap ko.

"Kapatid kow." tumingala ako. Nakita ko si nathalia na ngumiti sa akin ginaya niya ako sa pag upo "gumising ka raw sabe ni Mama." hindi ko siya pinansin at yumuko ulit. "Oi, Carmella kapwatid ko." inalog alog niya ako.

"Manahimik ka nga." masungit na ani ko. Narinig ko siyang humagikgik maya-maya tumahimik kaya inangat ko ulit ang ulo ko.

Nahugutan ako ng hininga dahil sa nakita ko.

"Mila..." nakahiga siya at namumutla. Tumingin ako sa labi niyang nangingitim.

Nag-init ang mata ko.

"Kawawa, Mila." malungkot na ani ni Nathalia "Iligtas mo si Mila kapwatid."

ngumiti siya sa akin at niyakap ako.

Ang init ng yakap niya

"Kailangan ka neh Mila... kailangan sobrah. Dito lang kame meh Mama." nangingilid ang luha ko.

"Nathalia..." tumayo siya at nilahad niya ang kamay niya. Hinawakan ko ang kamay niya at tumayo

"Kitaw mo yown?" turo niya sa liwanag na hugis pinto "labwasan yon. Hindi ka pwedweng mamatay Kapwatid. Hindi ka pwa pwedeng sumama sa amwin ne Mama!" hindi ko napansin umiiyak na pala ako.

Ang init sa puso na tinatawag niya akong kapatid. Kahit, hindi naman kami magkadugo.

"Mhmmm." Binitawan ko ang kamay niya at lumakad na patungo sa labasan. Bago ako makahakbang lumingon ako sa kanya "Nathalia sa tingin mo? pwede ko bang tawagin si Lady Marleigh na Mama?" tanong ko sa kanya tumango siya sa akin.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon