Chapter 7 - Dukot

5.4K 213 5
                                    

07 - Dukot

Nathalia's Pov

Lumabas ako sa dressing room. Nagpalit na ako ng damit dahil tapos na ang trabaho ko dito sa bar. Nagpaalam na ako kay manong na uuwi na ako dahil oras ng uwian ko twelve ng gabi.

Kaya hindi ako tumatangkad eh. Char.

Tumango naman siya sa akin at binigay na niya ang sahod ko na five hundred per day. Pero ang overall ang kita ko ngayong araw ay seven hundred twenty.

Hindi na masama.

nag-paalam na ako sa kanya pati ang nagtatrabaho dito sa bar. Ganito dapat hindi yung basta- basta aalis lang. Well mannered kasi ako.

"Mauna na ako." yumuko ako konti bago ako makalabas sa bar. Tinawag ako ni manong kaya lumingon ako sa kanya.

"Mag-ingat ka Marcel! baka madukot ka! wala pa man papalit sayo kapag kinuha ka nila." Natawa ako kaunti. Bakit manong malulugi ka ba kung mawawala ang cute na kagaya ko? Wow, taas ng confidence. Maraming nahiya.

yumuko ulit ako sa kanya bago lumabas ng bar. Nagunat muna ako bago lumakad pauwi sa mansion.

Grabe napagod ako. Hindi pa ako kumakain ng hapunan. Tumungo ako sa bakery para bumili ng tinapay na pareho naman sa mundo ko dati na tinitinda nilang tinapay. Pero, yung ibang tinapay iba ang pangalan.

"Pabili! dalawang Ensaymada pati po soft drink na maliit na nasa boteng maliit." Binigay niya sa 'kin ang binili ko at binayaran ko iyon. Kumagat ako ng ensaymada at nginunguya-ngua ko.

"Ineng! saan ang magulang mo?" napatingin ako kay Ali. Bakit naman niya hinahanap ang magulang ko? "Alam mo bang delikado sa panahon ngayon maraming mandurukot na kababaihan bata man oh dalaga." nilunok ko ang nginunguya ko.

"Ate, wala po akong magulang." magsasalita na sana siya pero lumakad na ako pauwi sa mansion. Aware naman ako pero kung pinandindigan ko ang issue na 'yon hindi ako kikita ng pera. Mahigit isang oras pabalik kapag naglalakad ako kapag tumakbo naman ako baka trenta minutos nandoon na ako sa mansion na walang tigil sa paglalakad

"WAHHHHHH TULUNGAN NIYO AK—BITAWAN NIYO KO! BITAW!" Napatigil ako sa paglalakad. Dali akong nagtago sa malaking puno. May dalawang lalaki humawak sa kanya sa kabilaan na braso. Kumakawala siya sa pagkahawak ng dalawang lalaki. Sandali? kilala ko siya dahil nagtatrabaho din siya sa pinagtatrabahuhan ko

Si Fey!

Inubos ko muna ang ensaymada tapos dali akong uminom ng soft drinks pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko. Masasayang kasi low budget pa naman ako.

"Sumama kana Miss!" hinihila nila si Fey papunta sa Black Van. "Hoy! takpan mo ang bibig niya para makatulog ang babae na 'to." utos niya sa lalaki nag hahanap ako ng pwedeng gawing pang pukpok ko. May nakita akong makapal na kahoy na pwedeng ipa pukpok.

"Gago! naiwan ko yata sa van pr—AHHHHHH, kamay ko! pisti kang babae ka!! "bago niya suntukin si Fey pinalo ko siya sa tuhod ng malakas kaya napaluhod ang lalaki. Bago niya inangat ang ulo niya pinalo ko ng malakas ang ulo niya! kaya napahiga siya sa lupa at itong si Fey sinipa niya ang pinag-iingatan ng mga lalaki sa lalaking nakahawak sa braso

Pinag-iingatan nga ba o hindi? Yung patutoy?

Napaluhod siya kaya pinapalo-palo ko ang ulo niya hanggang mawalan siya ng malay.

Hindi pa yan deds! Pero malapit nang mahugutan ng hininga.

"Ano na takbo na!"sigaw ko sa kanya, Dali kaming tumakbo. Ilang minuto bago kami tumigil sa pagtakbo.

Hingal kaming dalawa.

"Sa-salamat..."pasasalamat niya sa akin "muntik na ako makuha maraming salamat talaga sayo Marcel!"

"Sa susunod mag-ingat ka. Alam mong sa panahon na 'to maraming kumikidnap na babae. Eh, dapat may kasama ka!" singhal ko sa kanya ngumiwi naman siya sa akin kaya umirap ako.

"Eh? Ikaw? Wala kang kasama habang naglalakad ka?" napatingin ako sa kanya ano to reverse card. Nailing lang ako.

"Tch, Mauuna na ako mag-ingat ka sa pauwi Fey." paalala ko sa kanya. Tumango siya sa akin.

"Hay, naku! mukha kang matanda magsalita. Pero, maraming salamat ulit Marcel" tumango ako bago maglakad pauwi.

pagdating ko sa mansion naka on parin ang ilaw. Hindi pa ba sila tulog? hating-gabi na ah

"Prinsessa Nathalia Marcella Lillia Marleigh..." malamig na tugon sa likod ko dahan dahan akong humarap sa tumawag sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako pero biglang sumeryoso ang mukha niya "Saan ka galing? Alam mo bang anong oras na?" tanong niya sa akin.

Twelve ng gabi ang uwian ko... baka lampas alauna na. Magsasalita na sana ako. Pero nagsalita ulit siya.

"Saan ka ba pumupunta tuwing Sabado at Linggo late ka na umuuwi. Ano ba ang pinaggagawa mo?" mahinahon pero bakas ang lnis na salita ni Mama lena wag kang magsalita. Manahimik ka car. "Limang taon gulang ka palang prinsesa."

"Dinalaw ko lang naman ang kaibigan ko kung bakit ako late umuwi Mama Lena at isa pa kaya ko ang sarili ko."

Ok, jokey, jokey lang pala na manahimik ako

"Hay...kanino ka ba nagmana prinsesa at isa pa tumakas ka! hindi ka nagpaalam sa amin!" Kaya hindi ko kailangan magpaalam dahil tatakas ako.

Ayoko na. I'm tired, Wow, spokening dollars.

"Mauuna na po ako Mama Lena. Matutulog na po ako." magsasalita na sana siya pero binilisan ko ang lakad ko. Pagdating ko sa silid ko hinubad ko ang cloak na suot ko pati sapin sa paa hindi na ako magpapalit ng damit. Antok na ako at pagod na kaya kumiripas ako humiga sa kama

Nagising ako dahil nagising ako. Tiningnan ko ang orasan, alasais pa ng umaga dali akong pumunta sa cr para sa daily routines ko pagkagising ko sa Umaga kasama na doon ang pag-ligo ko.

Ilang minuto lumabas na ako sa cr bagong-ligo lang ako. Pinunasan ko ang buhok ko na basa kumuha ako brush na suklay para suklayin ang buhok ko na mahaba. Pagkatapos bumaba na ako at tumungo sa sala. Nadaanan ko ang isang kasambahay na bagong gising yumuko siya sa akin pero hindi ko pinansin.

Ang paborito kong gawin tuwing Umaga manood ng balita, kaya in-on ko ang malaking TV at inilipat sa balita. May dinalang agahan ang kasambahay sa akin toast bread pati kape na may gatas. Kumuha ako ng isang toast bread at kinagat ko ito.

"Magandang Umaga sa inyong lahat may natagpuan na bankay na babae sa Arkvil River sabi ng nakakita nagbibisikleta siya sa tabi ng ilog nang makita niya ang babae na nakalutang sa —."

Nalaglag ang kinakain ko dahil sa balita. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko at sa narinig paano? Niligtas ko siya kagabi hindi ba? Si Fey? niligtas ko siya. Bago ako umuwi bakit? Bakit, wala na siya? Sino ang gumawa niyan sa kanya! Ang bata pa ni Fey para mawala sa mundo.

•••
》》》Next Chapter: Chapter 8

A/N:

Be aware of grammatical errors, typographical errors, sensitive words, violent actions, and plot holes. Please do not read if you're not comfortable.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt