Chapter 33 - Amusement park

3K 121 0
                                    

033 - Amusement park

Nathalia's POV

Nandito kami ngayon sa Amusement park. Nakaupo ako sa bench ang galing din niya.

Nag blackmail ang loko

Ang sabi niya kapag hindi raw ako sumama ako raw ang magbayad ng pagkain.

"Nathalia, ito oh! icecream mo." sinamaan ko muna siya ng tingin bago ko kunin ang vanilla ice-cream. "galit ka pa ba? gusto lang naman kita makasama eh. Bukas na rin kasi ako babalik sa mansion." umupo siya sa tabi ko. Kinain ko ang ice-cream ko

hindi ko dinidila ah!

"Oi, sige na galit ka? sorry na talaga. Pansinin mo naman ako. Alam mo may nakita akong rides don gusto mo punta tayo?." Wag mong pansinin

Inis ako sa kanya eh

"Kung gusto mo kain tayo d'on? Narinig ko nga masarap daw ang luto d'on." Tumawa siya ng mahina "Meron, din pala nagtitinda ng cotton candy gusto mo ba?" Tumayo siya at humarap sa 'kin

Tumagilid ako at hinayaan ko ang sarili ko tumingin sa paligid. Humarang ulit siya kaya tumingin ako sa kabila.

"Nathalia..."

Wala akong naririnig.

"Gusto kong umuwi." Mahinang sambit ko na alam ko na narinig niya. Bumalik siya sa pag upo. Napatingin ako sa hawak niya.

Sinasayang niya ang ice cream. Nakarinig ako ng singhot kaya napatingin ako sa kanya.

Hala, bakit siya iiyak?

Kasalanan naman niya. Ngayon iiyak siya? Bahala siya! akala niya naaawa ako?

Pansin ko namumula ang ilong niya pati pisngi. Tinakpan niya ang mata niya gamit ang kamay niya. Tumutulo tuloy ang ice-cream sa sahig.

Umiwas ako ng tingin.

Bahala na

Inubos ko muna ang ice-cream sayang naman din kasi kapag hindi ko inubos pinag-pag ko ang kamay ko.

"Wag ka nang umiyak gian!" Tinignan niya ako. Namumula ang mata niya "Pinapanood ka ng mga tao baka isipin nila inaway kita!"

Ngumuso siya sobra kaya nagmumukha suyang bibe sa harap ko.

Ang cute niya tuloy tignan

Ehem!

"kainin mo ang ice-cream mo. Tingnan mo natutunaw sayang ang ice-
cream." turo ko gamit ang nguso ko.

Ngumiti siya at tinapon sa malapit na basurahan ang ice cream. Sayang yung toppings!

"bakit mo tinapon sayang naman! dapat binigay mo sa akin." singhal ko sa kanya.

Ang sarap kaya ng ice-cream niya strawberry tapos may totoong strawberry sa taas. Umiling siya sa akin.

"Hindi ko pwedeng ibigay. Tunaw na eh baka mamansha ang damit mo kapag tumulo." May kinuha siya sa bulsa ng coat niya.

panyo pala

Pinunasan niya ang kamay niya gamit ang panyo at tumingin sa akin ng nakangiti

"mabuti pinansin mo na ako. Galit ka pa ba?" Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Nagulat ako sa ginawa niya

Niyakap niya ako!

"Wag ka nang magalit ah? bati na tayo ah? Sorry talaga na pinilit kita. Gusto ko naman talaga na may makausap ako. Wala kasi akong friends dito." sobrang higpit ng yakap niya.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now