Chapter 21 - Atake

3.9K 166 0
                                    

021 - Atake

Nathalia's POV

"Oi, ano ang nangyari?" tanong sa akin ni Mila. Kumuha ako ng wipes para punasan ang talsik ng maruming dugo ng mga kaaway ko,

Disgusting

"Naglalaro lang kami Mila." mahinang sabi ko sa kanya "wag kang mag-alala buhay pa sila." Tinignan ko si Mila na parang walang nangyari.

"Sila ba yung palagi ka inaabangan? Dahil, inagaw mo raw ang girlfriend niya kahit hindi naman?" napatango ako.

Hindi alam ni mila ang i-rereact niya.

"Nakita ko silang anim sa iskinita." napatigil si mila sa pagkuha ng walis tambo. "kapatid ko mila ang tinutukoy ko. Nakita nila ako hindi... alam kong Hinanap nila ako kaya nagkita kami."

"Ipapakilala mo na ba ang sarili mo?" umiling ako at sumeryoso. Tumingin ako sa kisame bago tumingin kay Mila.

"Hindi, ayoko sila madamay." nakatitig sa akin si mila na parang naaawa"sa tamang panahon na lang... hindi pwede ngayon dahil umaliligid ang kalaban."

"Naintindihan ko." tumingin ako sa glass window. Nakita ko pa sila sa eskinita nag-uusap. Napangiti ako. Ito na pala ang tamang panahon na magkikita kami magkapatid. Napatingin ako sa kabila may nakita akong mga kalalakihan naka-itim sila, naka mask at naka sumbrero. Bumilis ang tibok ng puso ko. May suot din silang kwintas na katulad ng kwintas na nakita ko.

Punyeta!

"Mi-mila." nanginginig ang boses ko. Inaatake ako ng takot. "Ka-kalaban." tumingin ako sa kanya. Nagulat siya sa sinabi ko "magtago na tay—." hindi natuloy ang sinabi ko dahil pumasok ang mga lalaki

"Prinsesa! tumakbo ka na!" sigaw ni Mila.

paano siya?

"Ako na bahala... prinsesa." Desperada at walang halong takot na ani niya.

Napasigaw kami pareho ng pinagbabaril kami. Yumuko kami pareho nasa loob kami ng counter kaya may harang

Binunot ko ang baril ko. Umalis ako sa pagkatago at pinutukan ang mga taong malapit sa akin. Tatlong tao ang pinutukan ko dahil sa taranta tumakbo ako palabas at naiwan si mila sa loob. Pinaputukan ako ng kalaban.

Bakit ang dami nila... pero! Argh, Mila!

Hindi ako makabalik dahil maraming sumunod sa akin.

Mabilis ako nag-hanap ng pupuntahan. Nakita ko ang eskinita kung saan sina kuya nagtatago kita ko sa mukha nila ang hindi makapaniwala sa nangyari. Tumakbo ako sa gawi nila.

Sabi ko hindi ko sila idadamay eh

"Tumakbo kayo kung ayaw niyo mamatay."sigaw ko sa kanila. Bumalik sila sa ulirat humugod ng baril ang apat kong kapatid habang tumatakbo.

Teka? Baril? Ang bata pa nila para makahawak ng armas

"Ano ang nangyari?" tanong ni Dominic habang tumatakbo kami. Nagpaputok ng baril ang isa kong kapatid na kulay brown ang buhok at Green ang mata.

"Hindi ko alam. Ang alam ko gusto nila ako patayin." malamig na tugon ko.

"Ano!?" sabay nilang sigaw sa akin. Kumaliwa ako ng takbo sumunod sila sa akin.

"So ikaw talaga si Nathalia?" napatingin ako saglit sa nagtanong sa akin brown ang buhok niya at kulay asul ang mata niya.

"Ano, sa tingin mo?" napahinto ako dahil may sumulpot na dalawang kalaban binaril ko sila "seryoso talaga." mahinang sambit ko.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora