Chapter 38 - Katapusan

2.5K 113 3
                                    

038 - Katapusan

Nathalia's POV

Nang makarating na kami sa lsla agad kaming tumakbo ni Mila

"Mila, mauna ka na!" Ani ko. Na-alinglangan si Mila tumakbo dahil sa sinabi ko.

"pero..." pinutukan kami ng baril

nandito na sila

"Mila, susunod ako sayo!" tarantang bigkas ko. Napatango siya at tumakbo nagtago ako sa malaking puno at pinutukan ko sila ng bala. Tumakbo ulit ako paalis sa lugar.

Ibang daanan ang tinahak ko para ako lang ang sundan nila.

"HINDI KA MAKAKATAKAS!!!" sigaw ng tauhan. Umirap ako lumingon ako at pinagbabaril sila.

Takbo ako ng takbo. Nagulat na lang ako nang naubusan na ako ng bala ng baril kaya napahinto at naabutan ako ng tauhan. Binato din nila ang baril na hawak nila.

"Ubos din pala ang bala niyo." napahawak ako sa bewang at napa taas baba ang dibdib ko.

Nakakahingal kayang tumakbo.

Sumugod sila sa akin. Masusuntok sana ako pero nakailag ako. Hinawakan ko ang balikat niya at sinipa ang isa pang tauhan sa likod niya at umangat ako sa ere at umikot.

Hinawakan ko ng mahigpit ang balikat niya kaya nadala siya at napahiga sa lupa. nagsusuntukan lang kami... sinipa ko ang isa sa itlog niya kaya napahawak siya d'on kaya sinuntok ko siya sa mukha.

Tumalikod ako dahil nakaramdam ako ng presensya at umilag ako sa suntok na ibinigay ng kalaban ko. Tumagilid ako konti at tinuhod ko ang kanyang tiyan.

Napayuko siya kaya siniko ko ang batok pero sa hindi inaasahan napatumba ako dahil may pumalo sa likod ko. Umatake ulit siya pero gumulong ako para maiwasan ang atake niya. Naka syempo ako kaya sinipa ko ang paa ng lalaki.

Tumayo ako sa paghiga

"matibay ka!" nagkibit balikat lang ako. Humugod siya ng patalim muntik na ako masaksak mabuti may dumating at pinalo ang kamay niya gamit ang kahoy.

"hindi ko kaya... hi-hindi ko kaya na ikaw lang ang lumalaban nathalia." nangingilid ang luha ni mila "Hindi ko sisirain ang pangako ko sayo." napangiti ako kinuha ko ang patalim at pinaikot

"Mhm, naintindihan ko." may dumating pang kalaban. Lumaban kami ni Mila hanggang may bumaril sa akin sa hita "AHHH!" lumingon ako.

dumadami na sila!

"PRINSESA TAKBO!!!"

Hinila ako ni mila kahit masakit kinakaya ko. Hindi pa ako pwedeng sumuko hindi pa nakaligtas si Mila!

Pinaputukan kami ng bala ng baril. Humugod ako ng shurikens at hinagis ko sa kanila. May natamaan ako

tatlo

"SIGE, TUMAKBO LANG KAYO! HINDI KAYO MAKAKALIGTAS SA KAMAY NAMIN!" Sigaw ng isa.

Lumingon ako at sinamaan sila ng tingin. Tinaas ko ang kamay ko at tinaas ang gitnang daliri ko

"PAKYU! ULOL!" Mas binilisan nila ang pagtakbo nila. Nadapa si Mila pero mabilis din siyang umangat at tumakbo.

🎶 standing on the highway with my thumb
Out, Everybody's passing but you slowed down 🎶

"SIGE, HABULIN NIYO KAMI!" Tumawa ako ng malakas lumingon sa akin si mila saglit "HINDI NIYO BA ALAM NA SA KAPAHAMAKAN ANG BOSS NIYO?" lumingon ako sa kanila ngumiti ako ng mala demonyo.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon