Chapter 17 - Bunsong Babae

4.1K 167 2
                                    

017 - Bunsong Babae

Nathalia's POV

Nagpapahinga kami ng ilang minuto. Hindi kasi kami makatayo dahil sa kabusugan. Nagbibiruan pa nga ang kambal. Kapag napipikon pinagsasabi ang secreto

Mga baliw.

"Really nick? Panget ako?" sarcastic na tawa niya "edi, sinabihan mo din ang sarili mo na pangit ka din did you forgot? twins tayo? idiot." Napa-isip naman si Dominick kaya lumaki ang mata niya.

"Yeah, Tama ka nga. But... look at your tummy! pregnant boy!" sinamaan siya ni Dominic ng tingin "why? Tama naman ako ah" humalakhak ng malakas si Dominick.

"May topak ka ba bakit ang lakas mo ngayon mang-trip!" nag kibit balikat lang si Dominick "kailan ka pala bibili ng regalo?" regalo para?

"Kanino?" napatingin sila sa akin. Lumaki ang mata ko dahil sa realize ko umiwas ako ng tingin.

Hindi ko naman sila close para malaman ko.

"Para sa kapatid namin. Birthday niya kasi bukas." bukas? ka-birthday ko pala ang kapatid nila "kaya bibili kami ng regalo para sa kanya." ah, Napatango ako kaunti.

"Marcelino, magroon ba ditong Jewelry Shop?" tanong sa akin ni dominick. Umayos ako ng upo bago tumango "Nic, halika na. Pa gabi na. Kailangan ko bumili ng regalo para kay Nathal—." hindi natuloy ang sasabihin niya dahil nagsalita si Nic.

"Ok! ok, halika na." Tumayo na ako sa pag upo ko. Sabay kami lumabas sa karinderya nauna ako lumabas at sumunod sila sa akin "bakit
nila kailangan tumingin sa atin na para—."

"May nakita silang Dominic na gwapo sa balat ng lupa?" tumango-tango si Dominic

"Sandali, lumakas yata ang hangin, ramdam mo Marcelino?" tumingin ako sa kanya. Kumindat kindat siya napa tango naman ako ng isang beses.

"Lakas niyo mang-trip." naglakad lang kami. Narinig ko ang tilian ng ibang babae at itong si Dominic may pa kindat pa, si Dominick naman namumula ang mukha.

"Marcelino!!!" napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din sila. Tumakbo sa gawi ko si Min Min may dala siyang regalo "hihihi... Marcel para sayo." tinanggap ko naman 'yun na walang expression "sabi ni nana, maligayang kaarawan Marcelino maaga binigay ni nana ang regalo sa 'yo kahit bukas pa dahil aalis kami mamaya." napatango ako kaunti "whoa? kapatid mo Marcel! hindi ko alam na may kapatid ka. Paano ko nga pala malalaman hindi ka pala kwento—."

Naglakad na ako palayo masyado siyang madada. Naramdaman ko may sumunod sa 'kin kaya tumingin ako sa likod.

Ang magkambal nakatulala may-iniisip yata ng malalim.

"Kaarawan mo pala bukas." napatingin ako kay Dominic pati sa kambal niya seryoso ang mga mukha nila. Hindi ako sumagot "Ilang taon kana pala bukas?" umiwas ako ng tingin.

Napalunok ako bakit nila tinanong yan? Susugod ba sila sa kaarawan ko para patayin ako pati sina Lena? naglakad na lang ako. Pero mabuti hindi nila ako pinigilan

Mabuti naman. Sumunod lang sila sa akin ilang minuto huminto ako sa harap ng sikat na Jewelry Shop sa Bayan.

"Ito na." turo ko sa Jewelry Shop. May lumabas sa tindahan ang may-ari. Nagulat pa nga siya na makita ako.

"Marcelino, ikaw pala! titingnan mo ba ulit iyon?" umiling ako sa kanya. Kaya nagtaka siya "Bibilhin mo na?" taas na kilay na tanong niya.

"Hindi, bibili yata ang kasama ko." tumingin siya sa likod ko. Lumaki ang mata niya at tumingin sa akin.

"Kapatid mo?" puro sila kapatid, kapatid, nakakainis, sinamaan ko siya ng tingin. "ah-hahaha si-sige pumasok na kayo sa tindahan ko. Baka may mapili kayo." pumasok ako. Nandito lang naman ako eh kaya pumasok ako para tingnan ang gusto ko bilhin. Pumasok din ang magkambal hinayaan ko lang sila.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now