Chapter 47 - Sport Day

1.7K 82 0
                                    

047 - Sport Day

Vivian's POV

Nakahiga ako sa sofa habang nakapikit ako. Nandito ako ngayon sa Dean's Office kaya nandito din si Dean nakaupo sa swivel chair habang may sinusulat.

May narinig akong katok.

"Come in." ani ni Dean. Maraming yabag akong narinig sa amoy palang nila kilala ko na kung sino "Mga prinsipe, bakit kayo nandito?"

"Dean, I told you! Wag mong hayaan matulog ang babae na 'yan ang unfair! dapat pala sumali ako hmp!"

Hay, naku naman.

Meron namang humalakhak

Sino? Hindi ako familiar sa boses.

"ok lang yan, Isaac. Halika, sasamahan kita at gawin mo ang ginawa niya. "

The heck? isa pa toh! may sira sa utak.

"Talaga? susuportahan mo 'ko brother Theo?" Tuwang batang ani ni Daliri. Theo?

Ikatlong anak ni Marleigh?

"Geh! Sandali lang Dean! ha— A-ray! bakit mo 'ko binatukan davin!" Kahit hindi ko nakikita si Daliri alam kong nakasimangot ang loko na 'yan.

May nararamdaman akong may tumitig sa akin. Hindi isa, hindi lang dalawa, marami sila! Ano ba ang meron at mahilig silang tumitig sa 'kin?

inaano ko ba sila?

May malakas na loob naman umupo sa paanan ko. Minulat ko ng kaunti ang mata ko para masulyapan kung sino

Damien

Nakatitig siya sa 'kin hinubad niya ang blazer niya at kinumutan niya ako

Meron namang tumikhim

"Guguho na ba ang mundo?" Ani ni Aaron. Malakas naman tumawa sina Diliri at Theo

Nakakairita gusto kong suntukin ang bunganga nila.

Pasensyahan talaga mabilis talaga akong mairita ngayon,

"May gusto ka kay Vivian?"

Gu-gusto?

What if suntukin ko ang mukha mo?

"No, Brother Nathan, l don't like her." dapat lang! bipolar at weirdo na tao na kagaya niya

NO! No! No!

Hindi kami match dahil sa ugali kong 'to!

"Yeah, at lsa pa may boyfriend na si Vivian." Ha? Hindi yata ako updated sa buhay ko?

kailan ako nag ka boyfriend? Sino ang nagsabi niyan!

"Sa Country D yata? sabi ni Isaac... sino nga ulit yun?"

Isaac... luko ka talagang lalaki ka!

"Naalala ko na... si Red!" Si Red?

Leader ng Red Dead Gang?

Shuta ka Daliri!

Gumalaw ako kaunti dahil sa dala ng emosyon.

"Mga ga-gago! tahimik na kayo baka marinig ni Vivi!" Tarantang sambit ni Daliri

Narinig ko na!

"Bakit ka natataranta?" Takang tanong ni nicnic

dahil alam niya ang kaya kong gawin.

"Sa to-totoo lang a-ano... secret ta-talaga yun? Hindi pa niya kasi pinaalam kay tita. Sa 'kin lang niya sinabi."

Should I give him the Best Liar Person Award?

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now