Chapter 25 - Kabayaran

3.4K 134 2
                                    

025 - Kabayaran

Devon's POV

Nandito kami sa Opisina ni Nathalia. Hinihintay siya... naka-upo ako sa single sofa habang pinapanood ang balita sa television.

"May-tumawag sa amin. Ang sabi niya kailangan niya ng tulong dahil kinidnap ang kapatid niya na babae. Binantaan siya na kung hindi sila bigyan ng malaking halaga ng pera papatayin ang kapatid niya kaya agad kami pumaroon." pinakita sa screen ang gumuhong gusali may apoy pang natitira "Mel's, mahigit dalawang put anim ang nakuhang bangkay ng mga pulis at medic galing sa pagsabog. May mga tamang bala at saksak. Ayon ng isang crime scene investigator teorya na may nangyari sagupaan sa pagitan ng dalawang grupo."

"Mahigit trenta minutos na natin hinihintay si Nathalia." Ani ni Kuya Marcel. Nanginginig ang kamay niya napatingin siya sa akin kaya tinago niya ang kamay niya sa bulsa.

"Bunso naririnig mo ba ako?" bakas sa tuno ni Theo ang kaba

beep lang ang naririnig namin

"Ah, kuya kung bumalik tayo doon?" kinakabahan na tanong ni Theo. Napa-awang ang bibig ni kuya Marcel at napahilot siya ng sensitido bago tumango ng isang beses.

"Mas-mas maganda pa nga." Tumayo si Kuya Marcel. Lumakad siya papuntang pintuan pero huminto siya at bumalik. Hindi siya mapakali ganon nga ako pero hindi ko lang pinapakita

"Devon, Theo samahan niyo ko bumalik... Nico, Nick, Nathan dito lang kayo baka... baka bumalik na si Thalia. Kaya tawagan niyo kami naintindihan niyo ba?" si nick lang ang tumango sa kanya "halina na kayo." tumayo na ako sa pagkaupo ko at naglakad na.

Nauna si kuya Marcel sa paglalakad na sa likod lang kami ni kuya

Asan ka ba nathalia? Bakit mo pinapakaba ng ganito ang mga kuya mo?

Sana nasa maayos ang kalagayan mo kundi malalagot ka sa 'kin bunso.

Huminto kami sa madilim na parte. Lumabas na si kuya Marcel at Theo sumunod na rin ako. Nakasuot pa rin kami ng mask.

Naglakad kami sa madilim na parte ng lugar maririnig mo dito ang mga media, pulis, at alarm ng fire truck inaapula nila ang apoy dahil hindi pa rin tumitigil sa pagkalat.

"Wala siya dito." sabi ni Kuya Marcel. Bakas sa tono niya ang dismaya. Hinilamos niya ang mukha niya gamit ang palad niya "tara na. Baka nandito lang siya sa paligid." sumang-ayon si Theo. Sumunod na lang ako sa kanila at tumingin sa paligid baka natutulog lang ang babae na 'yon.

Sana natulog lang siya sa sobrang pagod.

Pagkalipas ng ilang oras hindi pa namin siya na hahanap. Nakasandal si kuya Marcel habang nakapikit, si Theo naman napaupo sa damuhan.

nakakainis asan na ba siya?

Lumingon ako. Napatigil ako ng makita ko ang familiar na bagay. Lumakad ako patungo sa gawi ng bagay na 'yon at kinuha ko 'to sa damuhan.

Saan ko ba 'to nakita?

Tinanggal ko ang dumi, may bakas din na dugo.

Napa-awang ang labi ko dahil sa pag tanto.

"Hindi maaari." sabi ko. Lumakad ako tungo sa kanila. Pinakita ko kay Theo ang hawak ko "Diba kay nathalia 'to?" napa-tingin sa amin si kuya Marcel at lumapit sa amin.

"Ah, Oo sa kanya ang maskara na 'yan. Hindi ba... pero bakit nandito 'to? Nasaan ang may-ari? Kinuha ba siya ng kalaban?"

may-ari talaga? Parang hindi mo kapatid ah.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon