Chapter 50 - Kontrol

1.7K 72 4
                                    

050 - Kontrol

Vivian's POV

"RED!!!"

Agad akong nagpakawala ng shurikens. Natamaan si Red sa kamay kung saan hawak niya ang baril

Aba, ang kapal naman? gumamit talaga siya ng baril.

Lumapit ako sa gawi ni daliri na nakanganga.

Sana may pumasok na langaw sa bunganga niya.

"Nakakapagod." malayo ang bansang D pero umabot ng tatlot-kalahating oras ang byahe gamit ang private plane ni Asim...

Private plane ba 'yon o jet? Ang bilis eh.

Tapos nakisakay ako sa isang racer gamit ang motor niya kaya nandito ako ngayon sa harap nila.

"Galing ng entry mo." saad ni Nathan. Napanguso ako at umirap sa kanya.

Tinignan ko si Red ang talim ng titig niya parang matatakot na ako gian.

"Vivian, lumipad ka ba tungo dito?" Takang tanong ni Daliri.

May pakpak ba ako para lumipad?

"Akin na yung bata," tukoy ko kay gray hindi ako nagkakamali kasing edad ko lang ang lalaki na 'to.

"TAMA, IBALIK NIYO SA AMIN SI GRAY!" sigaw ni Kyle.

Ngumisi naman si Red.

"Ibibigay ko lang kung mapapasakin si vivian." ngumiti siya ng malademonyo nag-pakawala ako ng buntong hininga.

"No problem?" takang tingin naman nila ako tinignan. Tumawa naman si Red.

"Nababaliw kana ba?" Kibit balikat lang ako sa tanong ni Devon "ibang klase...."

"Pero isang kondisyon." Napaisip ako "one v one? ikaw at ako." ngingiti sana ako pero sumabat si Damien.

"Walang kayo."

sasabat pa

Umirap ako patago pero nakita ni Nathan. Bakit kapag umiirap ako hindi nakaligtas kay Nathan?

Napatitig ako sa Bbunny ko

Sinaktan nila ang baby ko? What the fuck?

Ang pinakamahal kong motor ang Bbunny ko! Wala akong marinig kundi ang tibok ng puso ko.

Dugot pawis para mabili ko ang Bbunny ko tapos sinong tarantadong pumalo sa Bbunny ko! Basag na basag.

Naiiyak ako sa inis.

"Sino ang sumira sa Bbunny ko." Malamig na tanong ko. "Pvtangina, SINO!"

"Kayo ba?" narinig ko si daliri pinapakalma niya ako.

"Vi-vian, huminahon ka...." kabang ani niya pero hindi ako napatinag.

Paano ako kakalma? hindi ba nila alam ang halaga ng Bbunny ko? Ang hirap kumita ng pera tapos gasgasin lang nila!

Nakikipag-away pa 'ko kay asim para mabili ang motor na 'yan, tapos sisirain nila?

"Kami nga!" Sabit nila. Kinain ako ng galit hanggang sa biglang nagdilim ang paningin ko.

Pagkurap ko na sa ibang lugar na 'ko.

Bakit... familiar ang lugar na 'to?

Nakaupo ako sa tubig napasinghap ako ng makita ang totoong mukha ko dahil sa repleksyon sa tubig.

Nakarinig ako ng patak ng tubig kaya tumingin ako sa harap ko.

"Nagamit ko ulit ang katawan mo," hinawakan niya ang kabilaan pisngi ko.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon