Chapter 8 - Keyk

5.2K 196 2
                                    

08 - Keyk

Nathalia's Pov

Kung hinatid ko si Fey, hindi nangyari sa kanya 'yon diba? kasalanan ko ba? Nakokonsensya ako. Kasalanan ko. Kung bakit namatay si Fey!

napahilamos ako ng mukha.

"Prinsesa!" napatalon ako sa pagkaupo ko. "Kanina pa kita tinatawag. May problema po ba?" napakamot batok ako. "May problema po ba prinsesa?" pag-uulit ni Mama Lena. Ayaw kong i-share sa kanya hindi kakayanin ng brain cells ko kapag nagtanong siya sa akin.

Umiling lang ako sa kanya.

"Wa-wala akong problema. May iniisip lang ako." Ngumiti ako sa kanya ng tipid. Tinignan niya muna ako bago siya tumikhim.

"Sigurado?" tumango ako ng ilang beses sa kanya."sige, ah maghahanda na ako ng agahan prinsesa." hindi na ako sumagot. Tumitig lang ako sa television.

"Prinsesa? PRINSESA!" napatingin ako sa gawi ni Mila na may-pagalalang tingin sa akin. "Ok, lang po ba kayo? sumasandok kayo sa Plato na wala nang kanin?" tch, nawala ako sa sarili ko. Tumitig ako sa kanya.

"A-aalis ako mamaya. Late ako makauwi." Bakas sa mukha niya ang pagtataka
"Pupuntahan ko ang kaibigan ko." Lumunok muna ako bago ko tinuloy ang sasabihin ko. "Hindi ko na kailangan ng bantay. Kaya ko na ang sarili ko."

"Pero, prinsesa..." nagpakawala siya ng buntong hininga. "parang wala kaming kwentang katulong. Palagi kita pinabayaan sa desisyon mo. Sa totoo lang hindi dapat kita pinabayaan. Eh, dahil isa kang hamak na---."naputol ang sasabihin niya dahil nagsalita ako.

"Limang taon na prinsesa? Mila, pagkatiwalaan mo ko. Kaya ko ang sarili ko." mahinahon na Ani ko. Yung katawan ko lang oo pero yung kaluluwa? Magkasing Edad yata tayo.

"May tiwala naman po ako. Pero, hindi sa oras kaya mo ang sarili mo prinsesa. Nag-alala ak— kami para sayo prinsesa at isa pa. Maraming kababaihan nadudukot bata man o dalaga." hindi natin alam sa anumang oras, araw, linggo mapapahamak din ako.

"Mila..."

"Prinsesa, ha...ito na ang huli prinsesa. Babayaan kita ngayong araw. Mahalaga ang kaligtasan mo prinsesa. Tuwing lalabas ka dapat kasama mo ko o ibang katulong simula bukas," Alam ko na mangyayari. Tumango nalang ako sa kanya kahulugan na pumayag ako sa desisyon niya. Pero, may bakas na kalungkutan. "Hindi ka na pwede lumabas prinsesa kapag alasais na ng gabi para sa kaligtasan mo." tumango ulit ako.

Tapos na ako mag-agahan. Dalawang beses ako kumain ng agahan. Pumunta ako sa opisina. Para ihack ang cctv na malapit sa pangyarihan ng krimen.

Kailangan ng hustisya sa pagpatay kay Fey.

[12:52 a.m.] Sunday, Arkvil River (CCTV)

12:52 am, Sunday kita sa video naglalakad si Fey pero huminto siya. Bigla siyang tumalikod at lumakad palayo napansin ko ang grupo ng kalalakihan na nasa likod niya isa, dalawa, tatlo...anim na kalalakihan. Nakasuot sila ng itim. Lakad takbo ang ginawa ni Fey.

Kaya ang ginawa ng anim tumakbo sila sa gawi ni Fey. Bakit nila hinabol si Fey? Mandurukot din ba sila ng kababaihan? pero impossible kasi ang nakikita ko sa balita at sa new article nakasuot sila ng maskara pero itong anim.

Waley!

Hinablot ang braso si Fey at sinaksak sa likod. May sinabi pa ang lalaki sa kanya. Ang lalaking kulay berde ang buhok na may tattoo na Tigre sa braso. Siya lang ang sumaksak kay Fey ng ilang beses. Inawat siya ng isang lalaki pero tinulak siya nito.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon