Chapter 66 - Halik

1.1K 64 0
                                    

066 - Halik

Vivian's POV

Pagdating sa Parking lot ng Academy, pinatay ni kuya ang engine. Sumilip ako sa labas.

Walang tao, nice one! Tadhana.

"Kuya, baba na 'ko." paalam ko sa kanya, lumapit siya sa 'kin at hinalikan ang noo ko.

"Goodluck, see you mamaya." ngumiti ako bago lumabas sa kotse ni kuya nathan.

May lsa pa akong lalaroin ngayong araw, kundi ang Relay Race.

Dahil masyado pang maaga, tatambay ako sa rooftop umakyat ako gamit ang hagdanan. Wala naman kasing elevator ang academy na 'to.

"Ang cute niya."

"May kamukha siya,"

"Diba, tomboy 'yan? Pero ang ganda niya."

"Yung ldol mo!"

Ang aga-aga nambobola! Wala pa man akong barya.

Pagdating ko sa rooftop, walang tao. Lumapit ako sa sofa at humiga.

Diba, bawal muna humiga kapag galing sa mahabang lakad? De bale, handa naman ako.

Kaninang madaling araw may nagpadala ng mensahe sa akin.

Kilala na kung sino ang mastermind sa lahat na nangyari kina West. Isa siyang business tycoon sa bansang B.

Tapos, tumawag sa akin si Lady West, lumala na daw ang kalagayan ni Lord West. Tinakpan ko ang mata ko gamit ang kamay ko.

Isa pa yung pvtanginang unknown message, l-tratrace ko sana kung sino ang punyeta na 'yon sa likod ng message niya. Pero, argh..

Naalala ko ang mission kaya tinamad na 'ko. Bahala na! Mang gulat na lang siya.

Nag text ako kay Asim, regarding sa ibinigay niyang mission. Nagrespond naman siya sa 'kin. Ikwento niya na... sumabog ang ginawa niyang lunas.

"Sumasakit ang ulo ko." Mahinang sambit ko, Napamulat ako dahil may biglang humipo sa leeg ko, agad kong hinawakan ang pulso niya.

"Chill, Vivian! gusto ko lang malaman kung may sakit ka." Sabi ni Aaron.

Ano ang ginagawa niya dito?

Umupo ako sa sofa at binitawan ang pulso ni Aaron, tinignan ko siya.

Mukha siyang puppy na nawawala. Hindi siya cute dahil damulag na siya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya, tumabi siya sa akin.

"A-no, napadaan lang."

Napadaan? paano siya napadaan sa Rooftop?

Ngumisi ako, sumandal ako sa sandalan at pinagkrus ang kamay ko, habang nakatitig sa kanya. Hindi siya makatingin ng maayos sa akin.

Para naman akong may sore eyes.

"Sinusundan mo ba ako?" Usal ko

Lumaki ang mata niya, at marahas na umiling sa akin.

"A-ah sabi mo kanina sumakit ang ulo mo. Hindi na ba sumasakit?" Ani niya.

Humawak ako sa ulo ko...

Ok na? hindi na masakit, ngumiti ako ng kaunti bago tumango

"Mabuti naman."

Tumayo siya sa pag upo at nag unat

Saan na naman 'to susulpot?

"Mauna na ako may sport pa akong sasalihan." Paalam niya sa akin bago lumisan sa gawi ko.

"Asan yung dalawa?" Bakas sa tono ni ma'am ang inis, hindi pa kasi lumilitaw ang dalawang kasali sa Relay Race.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now