Chapter 18 - Aking Ina

4K 166 0
                                    

018 - Ina

Nathalia's POV

Sa pagpasok ko sa tindahan. Tumambad sa akin ang nag-alalang Lena mas lalo si Mila. Lumapit sa akin si Lena at hinawakan ang kabilaan braso ko. Tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa, tinignan niya ako sa mukha.

"Saan ka nanggaling? bakit ngayon ka lang umuwi prinsesa Nathalia?" sabi niya na may pag-alalang tono sa kanyang sinabi. Tumingin ako kay Mila at sumeryoso siya.

"Kumain sa paborito kong carinderia na may kasama." sagot ko. Bumitaw naman sa pagkahawak sa braso si Lena tinignan niya ko nagpapahiwatig na sino? Sa mukha.

"Kambal na si Dominick at Dominic." napa taas sila ng kilay "hindi ko sila kaibigan at tinuro ko sa kanila kung saan nakatayo ang jewelry Shop." napatango naman si Lena.

"Kanino yan?" turo ni Mila sa hawak ko na paper bag. Tinignan ko lang siya "sayo?"tumango ako "ganon ba. Nandito naman si Nathalia. Uwi na tayo." napatango ako

"Lumabas na kayo. Kukunin ko lang ang susi." Ani ni Lena. Lumabas naman ako sa tindahan sumunod naman si Mila sa 'kin.

"Nathalia, mas maganda kung ikwento mo sa 'akin lahat ang nangyari sayo kanina diba?" malokong tanong niya. Tinignan ko siya at napa-iling.

"Mhmm, weird sila." tumagilid ang ulo niya "pareho kami ng kulay ng buhok at kulay ng mata." napahinto naman si Mila.

"Ha, di-diba ang sabi mo magkambal sila?" Tumango ako. Tinitigan ko siya na parang may-inaalala siya "baka kapatid mo yun nathalia?" kapatid ko? magkahawig nga kami "Diba na sabi ko sayo noon na anim ang kapatid mo na lalaki?" napatango ako. Tama nga "ang dalawa doon mag-kambal hindi ko nakita ang mukha nila at hindi ko alam ang pangalan maliban na lang sa kuya mo na si Marcellus. Pero, di ko pa rin nakikita ang mukha niya hanggang pangalan lang."

"Birthday din ng kapatid nila bukas, Mila." Ani ko. Napahinto naman siya ulit "narinig ko tinawag ako ni Dominic sa totoo kong pangalan." mahinang sabi ko "ha... kasama ko pala talaga ang kapatid ko." niyakap ako ni Mila.

"Nakita mo na sila." mahinang sabi niya. Hinaplos niya ang buhok ko "ano ang gagawin mo ngayon? nandito ang kapatid mo?" hindi ko alam. Napatingin ako sa hawak ko na paper bag "pogi ba sila?" tinulak ko siya ng mahina. Natawa naman siya sa ginawa ko "Oi, malamang pogi ang sabi mo pareho kayo ng kulay ng mata at buhok edi kahawig mo din sila, marcelino..."sumimangot ako.

"Umuwi na tayo. Magluluto pa ako ng hapunan."sabay kami naglakad pauwi sa mansion. Dumaan kami sa hindi gaanong katao parang shortcut na daanan.

Marcellus's POV

"Totoo nga ang sinabi ko. kahawig niya ang ating Mama. Kapag naka side view ang mukha niya, kapag humarap mag-kahawig kami pati si kuya Marcel pero kulay itim ang mata niya." inis na tono ng pananalita ng kapatid ko na si Dominic.

"Dominic, diba ang sabi ko wala na si nathalia. Wala na." inis din na tugon ni Theo pero may bakas na kalungkutan.

"Eh, bakit siya huminto na tinawag ko siyang nathalia kuya?" napatingin tuloy kami sa kanya"pagkatapos bigla siyang lumakad ng mabilis!" umirap siya sa amin.

Tumigil s'ya?

"Baka, coincidence lang?" bored na sagot ng kapatid ko na si Nathan. Nilalaro niya ang dagger sa kamay niya. Alam niya ba delikado ang ginagawa niya? kung nagkamali siya edi nasugatan.

"I think hindi."sabi ni Dominick. Kaya napatingin kami sa kanya maliban sa kakambal niya "sabi ng taong nakasalubong namin magkahawig kami at isa pa kulay dilaw ang buhok niya." napa-buntong hininga naman ako.

"Birthday niya bukas." natawa ng mapait si Dominic "buhay si nathalia mga kuya." panindigan ni Dominic "tinago lang siya sa atin ni papa." kung ganon.

Bakit kailangan ni papa itago si bunso?

"May kasame vibes siya sa atin." sabi ni Dominick. Tumango naman ang kambal niya "Kasame vibes niya si kuya Devon tahimik lang pero nakakatakot."

"Gulatin, katulad ni kuya Marcel." sabi ni Dominic. Tama naman mabilis ako magulat.

"Hindi namamansin maliban kung kilala niya ang tao na yun. Katulad ni kuya nathan." Sabi ni Dominick.

"Mahilig ngumuso patago." sabi ni Dominic. Nangunot ang noo ni Dominick "Tsk, Oo nga! nakita ko siya ng dalawang beses ngumuso sa jewelry pati sa kalenderya kahit seryoso ang mukha niya. Ngumunguso siya katulad niyo ni kuya Theo." natawa naman ako. Napailing nalang si Nathan.

"Mahilig siya sa pizza. Katulad natin! siya kaya ang pinakamaraming nakain." sa tono ni Dominick parang nagsusumbong.

"Sikat siya sa kababaihan katulad ko HAHAHAHAHAHA." pagyayabang naman ni Dominic. Napailing na lang kami.

"Marami na kaming ebidensya!" sabay nilang sabi. Napatingin naman kaming apat.

"Kung siya talaga ang kapatid natin. Bakit tinago siya ni papa?" tanong ng kapatid ko na si Nathan.

"Maniniwala muna ako ng fifty percent na siya si bunso." sabi ni Theo.

"Alam mo ba kung saan siya nakatira?" tanong ko kay Dominic. Umiling siya sa 'kin.

Gusto ko tuloy makita ang tinutukoy ng dalawang kapatid ko.

"Hindi nga siya pala kwento katulad ni kuya Devon." napatango ako sa sinabi niya.

"Ano ang plano?" tanong ni Devon. Binasa ko ang ibabang labi ko bago ako sumagot.

"Bukas ng madaling araw. Mag-iimbestiga tayo tungkol kay Marcelino o Nathalia?" napatango naman sila sa 'kin.

Nathalia's POV

Tapos na ako kumain kaya umakyat ako sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos ko maligo nagsuot ako ng nightgown na puti.

Kinuha ko ang binigay ng kapatid ko na regalo alam na niya na ako ang kapatid niya dahil hindi iyon magre-react ng ganon habang binibigay ang regalo na to at tinawag niya ako sa totoong pangalan.

Kinuha ko ang maliit na box sa loob ng kulay asul. Pagbukas ko ng box laking gulat ko ito ang kwintas na gusto kong bilhin. Napangiti ako lumakad ako patungo sa whole body mirror. Kinuha ko ang kwintas at sinuot.

Hinawakan ko ang kwintas habang nakatingin pa rin sa salamin. Nathalia, binigyan ka ni kuya Dominic mo ng kwintas. Regalo sayo ni kuya sa birthday mo. napahikab ako antok na ako kaya na pag desisyonan ko na matulog na.

"Happy birthday Carmella, Happy Birthday Carmella , Happy birthday, happy birthday , Happy birthday to you~" kanta ko sa sarili ko. Sa harap ng puntod ni mommy " Mommy it's my birthday na po, kahit wala nang handa basta nandito po kayo sa side ko mommy. Miss na po kita." umiyak ako sa harap niya.

Wala dito si daddy kasama niya ang fiance niya na may anak na si Era.

Ang unfair... anak niya ako and l know he know na birthday ko but why? Ganon na ba kagalit sa akin kaya ni isang bati hindi niya ginawa?

Isa pa, hindi ko gusto ang pag-uugali ng mag-ina. Sinasaktan nila ako,
hindi naman naniniwala sa akin si daddy at isa pa he's blamed me because ako daw ang dahilan kung bakit namatay si Mommy.

Na heart attack si Mommy sa gitna ng paghahabulan namin sa park. Natumba si Mommy kaya humingi ako ng tulong pero late na.... wala na si Mommy ko.

Wala na ang mama ko.

"Mommy bad po ba ako? kung bakit mo ko iniwan?"

Napadilat ako ng mata. Bakit ko napanaginipan ang araw na yun? bumaba ako sa kama at lumabas ng kwarto para uminom ng gatas

•••
》》》Next Chapter - Chapter 19

A/N:

Be aware of grammatical Errors, typographical Errors,Sensitive words, violence actions and plot holes.please do not read if you're not comfortable.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon