Chapter 14 - Regalo

4.4K 166 3
                                    

014 - Regalo

Nathalia's POV

Pagkatapos ang pangyayari. Palagi ako kinakausap ni Mila tanging tango lang ang sinasagot ko. Kinekwento pa niya nga kung paano naging successful ang cake shop nila eh. Nagtanong nga siya sa akin kung paano ko raw nakuha ang pera nag open-up ako sa kanya siya lang ang sinabihan ko dahil malaki ang tiwala ko sa kanya. Muntikan na nga siyang mahimatay sa nalaman.

Dahil sa sobrang gulat at takot sa hindi ko alam na dahilan.

"Sikreto lang natin Mila." tumango siya. Uminom ulit siya ng tubig hinayaan ko lang e-proseso sa utak niya ang nangyari. Biglaan ko din kasi sinagot at sinabi.

"Wala talaga ako alam sayo Nathalia. Saan ka ba nanggaling? bakit ang galing mo naman manguha ng pera." nagkibit-balikat lang ako "Promise secrets lang natin." napangiti naman ako sa kanya "pero isa pang tanong tuwing sabado at linggo sigurado ka bang sa kaibigan ka tumatambay para maglaro?" umiling ako sa kanya kaya lumapit siya sa akin "Saan ka pala pumunta at tuwing madaling araw ka umuwi?"

"Nagtatrabaho." maikling tugon ko kaya napakunot ng noo si Mila "nagtatrabaho ako sa bar." napatayo naman siya at napasapo sa noo.

"Oh my gosh."napatakip siya ng bibig at tumingin sa akin "nagtatrabaho ka! Bakit? bakit hindi mo sinabi sa amin. Bakit ka nagtatrabaho! Nakukulangan ka ba sa pinapakain namin o dahil hindi lahat na hinihingi mo ay binigay namin kay nagtrabaho ka?"singhal niya sa akin "Gad! Three years old? Hindi ka naman mukhang three years old n'on. Pero kahit na!"

"Gusto ko mag-ipon ng pera at isa-pa diba saktong pera lang ang binigay sa atin pang-gastos, nag-iipon ako dahil para sa kailangan natin sa future at Tama nga ako." mahinhin na. Ani ko sa kanya. "Nakakaguilty din kasi gamitin ang kinuha kong pera"

"Naintindihan ko pero.... hindi ako makapaniwala. Tapos ang aga mo nagigising." Tinititigan ko lang siya"prinsessa, masaya ako na nag open ka sa akin. Pangako mo sa akin wala ka nang itatago sa akin naintindihan mo?" tumango ako sa kanya

"Mila?" lumingon si Mila "anong.... Prinsesa?" unti-unti na akong lumingon sa gawi ni Lena kasama niya si Martin. lumaki ang dalawang mata nila tumakbo sa akin si Lena at niyakap ako "Jusko."umiyak si lena sa balikat ko.

Pagkalipas ng ilang-buwan. Tumutulong na ako sa kanila, minsan ako na nagluluto, Naglilinis, o taga-bantay sa tindahan. Pinagupitan ko ang buhok ko na maikli curly curtains haircut ang style at nagsusuot-din ako ng contact lenses na itim. Hindi na ako nag cloak kapag lumabas ako.

Nandito ako sa loob ng tindahan. Nagbabantay, gumagawa kasi ngayon sila ng cake si Martin naman mag de-deliver ng cake. Nakasuot ako ngayon ng Puting Henley - Y neck at sa ibaba naman brown na sweatpants naka botang itim ako, Mukha akong lalaki sa totoo lang pero nagpapanggap talaga ako na lalaki. Marcelino ang ipinangalan sa akin ni Mila.

Bumukas ang pintuan ng tindahan pumasok ang ginang at lumapit siya sa counter kung nasaan ako.

"Ang gwapong bata. Kamusta na marcelino?" Ngumiti ako ng tipid "hay.... gusto ko marinig ang boses mo pero ayaw mo naman magsalita." tinignan ko lang siya "S'ya nga pala ang ln-order ko na chocolate cake kina Lena." napatango ako. Bumaba ako sa pag- kaupo ko sa high chair. Binuksan ko ang pintuan kung saan sila gumagawa ng cake at pumasok sa loob.

"Chocolate cake ni ginang." ani ko sa kanila. Binigay sa akin ni Mila ang box na may-lamang chocolate cake "1,667, lyan Marcelino" sabi ni Lena. Tumango ako sa kanya. Lumabas na ako at binigay kay ginang ang ln-order niya.

"1, 667" kumuha si ginang ng pera sa pitaka niya at binigay sa akin.

"Hahaha, ang gwapo din ng boses mo. Alam kong kapag binata kana hahabulin ka ng mga babae! Oh s'ya salamat." Lumabas na si ginang sa tindahan. Iniba ko kasi ang boses ko at habulin ng babae? kung alam mo lang ginang, kung alam mo lang.

May pumasok ulit na lalaki sa tindahan may buhat na harina sa balikat niya.

"Delivery! Oy, Marcelino gwapo natin ngayon ah! May nililigawan ka na ba? Ha?" sumimangot ako sa sinabi niya. Lumabas si Lena pinunasan niya ang kamay niya gamit ang malinis na pamunas.

"Haha, ikaw talaga James! pinagbabawalan ko pa si marcelino na manligaw. Ang bata bata pa niya kaya!"pabirong galit ni Lena sa kanya. Tumawa naman si James dumukot si James sa bulsa niya at nilahad niya sa akin ang kinuha niya sa bulsa.

"Bukas na pala ang kaarawan mo hindi ba?" Tumango ako sa kanya "Oh, regalo ko para sayo." binuka ni James ang pagkayukom ng palad niya tumambad sa akin ang kumikinang na asul na Dyamante. Napatingin tuloy ako kay James "maligayang kaarawan, Marcelino." napatingin ako kay Lena. Tumango siya sa akin kaya kinuha ko ang Diamante sa kamay niya.

"Sa-salamat." pasasalamat ko sa kanya sa mundong 'to mahal ang Diamante at bakit niya binigay sa akin ang ganitong kamahal na asul na Dyamante?

"Ninakaw ko yan sa Minahan." mabilis ako tumingin kay James "joke lang, binigay sa akin yan kanina. Tapos naalala ko bukas ang kaarawan mo."

"Paano?" maikling tanong ko sa kanya. Sumandal siya sa counter at tumingala.

"Kanina kasi may bumangga sa akin."nakinig ako sa kanya "sabay kami napa-upo sa lupa. May sumigaw na "magnanakaw ang lalaki na yan!" kaya bago tumakbo ang magnanakaw hinila ko ang kwelyo niya sa batok at sinuntok. Nagpasalamat sa akin ang may-ari hindi ko sana tatanggapin pero na-alala ko nga kaarawan mo bukas." paliwanag niya na may action pa. Umayos ng pagkatayo si James.

"Ito na ang bayad para sa harina. Salamat, James."masayang ani Lena sa kanya. Kinuha naman ni James ang pera yumuko kaunti ang ulo ni James kay Lena.

"Maraming salamat. Marami pa ako i-deliver kaya mauuna na ako maligayang kaarawan ulit sayo marcelino." ngumiti siya sa akin at lumabas na sa tindahan.

"Mabuting tao si James hindi ba?" tumango ako konti sa sinabi ni lena "hindi ka ba nagugutom?"tumingin ako sa kanya "oh." binigyan niya ako 500 ni Lena "bumili ka na ng pagkain mo. Hindi na kami sa sabay kumain dahil hindi pa kami tapos gumawa ng cake." tumango ako sa kanya "mag-ingat ka." tinago ko ang binigay sa akin ni James sa maliit na chest.

Lumabas na ako sa tindahan bumungad sa akin ang naglalakad na mamamayan at karwahe

may mga sasakyan naman sa bansa pero nasa bayan ka ng Amos kaya maka lumang panahon... sa mga city mayroon mga mamahalin na sasakyan, motor bike, racing car, at iba pa.

Napansin ko ang pag-tingin ng mga kababaihan at kalalakihan

Hindi ako comfortable.

"Si Marcelino!!!"

"Ang gwapo niya talaga!"

"Ang bata-bata may-naaakit na paano naman ako?"

"Inggit ka lang pre. Kaya pumikit ka nalang."

"Marcelino! Diba kaarawan mo bukas! gagawa ako ng cookies para sa iyo!"

Naglakad na ako palayo. Hindi ko sila pinapansin kakain nalang ako sa paborito kong kalenderya. Malapit lang naman dito sa tindahan.

•••
》》》Next Chapter - Chapter 15

A/N:

Be aware of grammatical Errors, typographical Errors,Sensitive words, violence actions and plot holes.please do not read if you're not comfortable.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now