Chapter 32 - Libre

3K 115 5
                                    

032 - Libre

Nathalia's POV

Dahan-dahan ako naglakad palabas sa tinaguan ko

creepy niya

Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko napapikit ako at nagpakawala ng buntong hininga.

"Mabuti wala na si—." hindi natuloy ang sasabihin ko dahil may kumalabit sa akin.

Napasigaw ako sa gulat at tinakpan ng lalake na ito ang bibig ko.

Shutangina, parang nalaglag ang puso ko

"Tinataguan mo ba ako?" lumaki ang mata ko. Ngumiti siya sa akin ng malambing

Sira-ulo to! Mala Serial Killer ang peg niya.

Tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko. Tatakbo sana ako pero hinawakan niya ako sa kabilaan braso ko "Wag mo naman ako takbuhan" nag-pout siya sa harap ko "Para ko naman kukunin heart mo."

Anak ba to ni Lord Rosenberg? Kung Oo kanino nagmana ang anak niya? bakit ganito ang kinikilos ni Cassius?

May topak yata sa utak!

"Mag-tapat ka nga!" tinignan naman niya ako habang nakangiti "Anak ka ba ni Lord Rosenberg?" walang-alinlangan na tanong ko.

Nabigla ako dahil ang sama ng tingin niya. Ang bilis ng change mood niya bipolar siya

Huhuhu

pakilayo ako sa kanya!

"Paano mo nalaman?"malamig na ani niya. Ang higpit ng hawak niya sa braso ko kaya napangiwi ako "sagutin mo paano mo nalaman!?" mas lalong lumamig ang tuno niya

Grabe, bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ka-kasi a-ano kamukha mo si Lord Rosenberg sobra!" nagbago ang mood niya ulit lumambot ang expression niya sa akin. Niluwagan niya ang pagka hawak niya sa akin ngumiti siya sa akin

Gadd!

"Ganon ba? pasensya na. Kala ko isa kang kalaban." sa mukha kong ito?

Excuse me?

"Tama ka. Anak ako ni Lord Rosenberg. Ako ang panganay" seryoso? hindi ako sigurado baka na mana ni Cassius ang ganyang ugali sa tatay niya. Binitawan niya ang kabilaang braso ko "tanong ko ulit... bakit may pasa at sugat ka sa katawan mo?" tch hindi pa gumagaling ang natamo ko sa nangyari.

Kung may healing powers lang ako.

"Wala kang pakialam" ngumiti siya sa akin. Hindi ko maintindihan ang lalake na 'to. Sinuot niya sa ulo ko ang sumbrero na nahulog ko.

"Ok, hindi na ako mangungulit. Ginamot mo na ba ang sugat mo?" change mood ang lalake na 'to kanina pervert, galit, naging anghel ngayon nag-alala hindi ako sumagot sa kanya "bakit ayaw mo sagutin. Kumain ka na ba ng agahan?"

Ito yung galawan ng isang tao kung may crush siya eh.

Tatanongin kung.... Kumain ka na ba?

Ano ba ang kailangan niya? bakit ang aga-aga nanbwebwesit ang lalake na 'to.

Sana hindi kami nagkita, sana hindi siya lumapit sa 'kin.

"Hindi ako nagugut—."na putol ang sinabi ko dahil tumunog ang tiyan ko. Napataas siya ng kilay at ngumisi sa akin.

Hinawakan niya ako sa pulso ko. Gulat ako napatingin sa kanya napapansin ko lang hinahawakan na niya ako ng maraming beses.

"Nagsinungaling ka. halika.... sabay tayo kumain ng agahan." hinila niya ako.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now