Chapter 45 - Bantay

1.9K 81 2
                                    

045 - Bantay

Vivian's POV

Pang-limang hikab ngayon ni Daliri. Nandito kami ngayon sa taas ng puno nagmamatyag gamit ang binoculars scope.

"Natulog kaba?" Tumango siya sa akin "eh, bakit ka puro hikab?" tamad niya ako tinignan humikab ulit siya.

Sanay ba 'to sa puyatan?

"Wala kasing magawa."

Ewan ko sayo

Napatingin kami sa dalawang sasakyang dumating

May bisita sa ganitong oras? Madaling araw na ah?

"kilala ko kung sino ang may-ari niyan." lumabas ang mga prinsipe "hala, bakit sila nandito?"

Kilala tapos nagulat? Ganyan ka na ba kalutang daliri?

"Inggit kano." asar ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin tumunog ang phone ni daliri kaya nilakihan ko siya ng mata agad naman niyang kinuha ang phone niya at pinatay.

Kung meron kaming kalaban na tinaguan. Patay na kami.

Napatingin ako sa gawi ng prinsipe, kaya pala tumunog... tinatawagan ang loko

"daliri, tago!" Malakas na bulong ko sa kanya sumilip ako kaunti. Napatingin si Damien sa gawi namin kaya agad ako nagtago.

Nakita niya ba 'ko? kami?

"Baka may ginagawang importanteng bagay si lsaac kaya pinatay niya ang tawag." ani niya.

parang double meaning 'yun? nakita niya ba kami? Legit?

Wala pa man kaming mask!

Sumilip ulit ako nagsipag pasok sila sa mansion ng west. Umayos kami ng upo sa puno.

"E-mute mo." mahinang bigkas ko. Tinutok ko ang scope sa mata ko at tumingin sa bintana nakita ko sila nakaupo sa couch. Nangunot ang noo ko dahil ngumiti sa akin si Damien.

Jusko! Alam niya na nandito kami! nakita niya ang mukha ko.

"Ok, kalang?" Hindi ko pinutol ang tingin ko kay Damien.

nagsalita siya sa hangin

"Nakita na naman kita."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Bipolar na nga, weirdo pa! sino ka ba talaga? umiwas ako ng tingin.

"Ma'am V, pinapatawag kayo ni Lady West." sabi sa kabilang linya

"pupunta na." nag-suot kami ng mask at tumalon sa puno nag-lakad kami at pumasok sa mansion.

Bumungad sa amin ni Sac si Lady West ngumiti siya sa amin may dala siyang tray puno ng biscuit. Kinuha naman ni sac at siya na mismo ang nagdala

"Salamat hijo." ngumiti naman si Sac "kain kayo! para may laman ang tiyan niyo habang nagbabantay sa amin." aangal sana ako pero.

"Sige po, tita! este Lady West!" Loko! mabuti hindi big deal ang sinabi ni Sac kay Lady West.

"Mas maganda kung sumabay kayo sa kaibigan ng anak ko." ngumiti naman ng matamis si Sac at tumango

Awkward naman no'n.

Sinundan namin si Lady West

"Loko ka talaga!" mahinang ani ko. Ngumisi naman si Sac "Ewan ko sayo. Daliri ka talaga." gigil ko.

Nakarating na kami sa sala. Nilapag naman ni Daliri ang tray at kinuha niya ang Plato na may lamang biscuit, at nilapag sa babasagin na lamesa. Napatingin sa akin si Sam pati kay Sac nagtatanong yata kung bakit kami narito.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon