Chapter 27 - Demonyo

3.4K 156 4
                                    

027 - Demonyo

Nathan's POV

Nandito kami lahat sa Opisina ng papa namin. Ang usapan kapag tapos na kami kumain ng hapunan pumunta daw kami sa opisina. Kanina ko pa napapansin kakaiba ang kilos ni papa

bakit?

"Kuya." kinalabit ako ni Nick. Tamad ko siyang tinignan "may alam ka ba sa nangyayari?"

Umiling ako sa kanya. Napansin ko basag ang frame ng family picture namin. Nasa tiyan pa ni mama si nathalia.

Hindi ako sigurado... eight months ang tiyan ni mama gian. Ayaw sana ni papa na magkaroon ng family picture dahil gusto niya kapag lumabas na daw si nathalia pero pinilit ni lna.

Flashback...

"Honey! bilis na." kumakain kami sa silid kainan. Sinusubuan ng katulong si Nick at nico ng malambot na bagay na kulay dilaw.

Disgusting mukhang poops

Si kuya Devon tahimik lang kumakain, while kuya Theo pinipilit na hindi matawa and then kuya Marcel napangiwi dahil sa kakulitan ni mama.

"Kapag lumabas na si Nathalie." malumanay na tugon ni papa kay mama. Napahinto si mama at tinampal ang likod ni papa kaya napa aray with no sound si papa. Tumingin siya kay mama at ngumuso.

"Anong Nathalie? Nathalia! Jefferson Nathalia! N.A.T.H.A.L.I.A, Nathalia!" umupo si lna sa upuan "Mga anak. Wag niyong tularan ang tatay niyo Nathalia hindi Nathalie." sumimangot naman si papa. Narinig ko ang mahinang tawa ni kuya Theo.

"Bakit? gusto mong magkaroon agad ng family picture?" ngumiti lang si mama ng matamis. Tinignan niya muna kami lahat hindi halata pero malungkot ang mata ni mama. Napansin niya ako kaya ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Dahil gusto ko lang. Masama ba mahal?" Umiling si papa kaya tuwang tuwa si mama. Nag thumbs up si mama "Goods yun! kapag nagpapicture tayo gusto ko dalawang picture isang maliit at isang malaki." natawa na lang ako ng mahina dahil may pa action pa si mama.

Dumating ang araw na kukuhaan na kami ng picture. Umupo si mama sa isang upuan na sa likod niya si papa karga niya si Nick at nico. Ang kaliwang katabi ni mama si Kuya Marcel at Theo sa kanan ako. Hinaplos ni mama ang tiyan niya. Ngumiti siya at inangat ang ulo niya at tinignan ako.

"Than-Than... palagi niyong bantayan ang kapatid niyo ah." tumingin siya sa harap "dahil alam ko na may katigasan ang ulo tulad ko." bakit ganito makapagsalita si mama?

"Ready na ang camera." umayos ako ng tindig "Pagbilang ko ng tatlo ngumiti po kayo."

"Mahalin mo siya dahil bunso. Maging mabuti kayong kuya. Mahal ko." Ngumiti ako sa kanya ng matamis.

"Mhmm."

"Three!"

End Of Flashback...

Bumukas ang pintuan. Niluwa doon ang tauhan ni papa pati ang secretary niya. naramdaman ko ang kakaibang awra ni papa ano ba ang nangyari? yumuko ang mga tauhan sa amin saglit

"Secretary Han..." malamig na saad ni papa sa secretary niya. Napansin ko ang seryosong tingin si Kuya Marcel at Kuya Devon. Lumabas ang tauhan ni Ama kaya kaming walo lang ang nandito sa loob.

"Lo-lord Mar-marleigh." utal na ani ni secretary han

bakit?

May ginawa ba siya na hindi nagustuhan ni Ama? pero, bakit pinapunta kami dito? Nagulat ako na nilabas ni papa ang baril niya

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now