Chapter 6 - Part time job

5.8K 220 3
                                    

06 - Part time job

Nathalia's Pov

"Magaling Prinsesa Nathalia ang talento mo. Hindi ako makapaniwala tres anyos ka palang magaling kana magsulat at kailangan mo magsanay magsalita para tumuwid ang pagsasalita niy----."napahikab ako tch boring.

Tuwang tuwa naman ang guro ko na si, sir. Jinx dahil malinis ako magsulat walang kulobot-lubot maliban na lang sa pagsasalita ko!

Kinukulayan ko naman ang bulaklak maraming pangkulay kaya ginawa kong realistic. Mabuti pa 'yung bulaklak na kinukulayan ko kanina pa nga niya ako tinitignan

Nag eyes to eyes kami

"Pinahanga mo ko magaling-magaling lahat na pinapasugutan ko perpekto!" hindi ko siya pinapansin kanina pa. Pinatuloy ko ang ginagawa ko.

nagugutom na ako.

lumipas ang dalawang taon na pamumuhay ko bilang Nathalia. Puro aral ako. Minsan nga nagpapanggap ako na may sakit. Para hindi ako makapasok, minsan tumatakas ako sa mansion para lumibot sa Bayan.

Pero nagsusuot ako ng black cloak pinagawa ko kay Mama Lena. Ang excuse ko sa kanya mag-role play ako bilang villain

Napabuntong hininga ako nandito ako sa garden, naglalakad. Pinapahinga ang utak ko. Tanggap ko na... Na ako si Nathalia, wala na ako magawa eh! mahigit tatlong taon natitili ako sa katawan niya, which means limang taon gulang na ako.

"PRINSESA!" sumilay sa paningin ko si Mama Lena na tumatakbo sa gawi ko yumuko siya sa akin, "prinsesa handa na po ang tanghalian."

"Mhmm...naintindihan ko Mauna ka muna po Mama Lena susunod ako." Napatango naman si Mama Lena sa akin naglakad na siya palayo sa gawi ko. Lumakas ang ihip ng hangin kaya nagsipag liparin ang mga dahon, natatangay ang hibla ng buhok ko kaya inipit ko sa tenga.

Taray malakas maka novel.

"Alam ko na ang gagawin ko tutungo ako sa Bayan." napangisi ako at lumakad na ako papasok papunta sa silid-kainan. Pagdating ko handa na ang pagkain sa lamesa fried chicken, soup, kanin, at prutas at juice pati mga plato at utensils. Umupo na ako sa upuan.

"Kumain na po ba kayo Mama Lena?" tumango siya. Nagpakawala ako ng buntong hininga sa totoo lang nakakalungkot kapag ikaw lang ang kumakain mag-isa.

Nagsimula na ako kumain nasa likod ko lang si Mama Lena. nakakadistract kumain kaya napatigil ako at inangat ang ulo ko yung mukha ni Mama Lena na nagtatanong kung bakit.

"Wala pa bang pinadala ang aking Ama Mama Lena?" Diniin ko ang ama ilang buwan na siyang hindi nagpapadala ng pera gusto niya ba maghirap ang anak niya ng todo? Well, kaya ko naman kumita ng pera sa legal na paraan.

"Hindi pa po eh." Napairap ako kapag nakita ko siya, hindi ako magdadalawang isip na sakalin ang lalaki na 'yon.

"Sa sahod niyo napadala na ba? nasahuran na ba kayo?" ngumiwi siya napakamot ng batok at umiwas ng tingin "Anong." Exhale!

Napapikit ako hindi pa nasasahuran ang katulong dito pati tagabantay! Bakit siya ganyan walang puso! Bumaba ako sa upuan.

"Saan po kayo pupunta?" naglakad ako. Bago ako makalabas sa silid-kainan tinignan ko ang gawi niya.

"May gagawin lang." Walang-buhay kong sabi sa kanya. Naglakad ako patungo sa opisina ko nakakainis siya grabe babawasan ko muna ang kinuha kong pera sa Wen medyo kaunti palang ang nababawasan ko doon.

Nasa tapat na ako ng pintuan pumasok ako at sinara ang pinto. Naglakad ako papunta sa office table, umupo ako sa swivel chair, at in-on ang computer.

Mag Tratransfer ako ang pera. May limang katulong dito at may tatlong na tagabantay tig 150 thousand sila. Well, may sarili naman silang bank account dahil nagpagawa raw si Lord Marleigh dahil doon ilalagay ang sahod nila.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now