Chapter 23 - Madugong gabi

3.9K 155 0
                                    

023 - Madugong gabi

Nathalia's POV

Nandito ako sa kwarto ko. Inayos ko ang sarili ko dahil ililigtas ko si Mila. Tumingin ako sa whole body mirror nakasuot ako ng black shirt, tinernohan ko ng black skinny fit na jeans, at black boots sinuot ko naman ang itim na leather jacket.

"Mukha akong 15 years Old." hindi nga halata na 8 years old ako eh at isa pa medyo matangkad na ako nasa 4"10 yata ako pero mas matangkad pa rin sila. Pumunta ako sa kama ko kung nasaan nakapatong ang mga armas na regalo ni Lady Marleigh sa kama ko.

Nilaro ko ang dagger sa kamay ko at tinapat sa bintana na nasisikatan ng buwan

bloody nights

Matagal na ako hindi nag exercise. Sana hindi bakal na may kalawang ang galaw ko mamaya. Hindi pa ako handa na makasama ang mga kaaway ko n'on sa lupa.

Depende nalang kung may alak sa baba.

Naglagay ako ng daggers sa boots ko pati shurikens. May-nilagay ako sa waist ko parang belt para doon ilalagay ang dalawang Ryyk blade sa kabilang baywang ko. Naglagay din ako sa bulsa ng sleeping needles at kinuha ko ang regalo sa akin ni Mila na pistol.

Lumabas ako sa kwarto ko at bumaba na. Naabutan ko sila na nakaupo sa sofa nag-palit sila ng damit

Saan nila 'yan nakuha? May magic ba sila?

Lumapit ako sa kanila. Inabot sa akin ni Kuya Nathan ang black na maskara sa kabilang gilid may maliit na puting tatlong Diamante na desenyo sinuot ko naman.

"Tanong ko lang sanay kana ba?" tanong ni kuya Theo.

Oo, sanay na ako, sanay na sanay. Pero yung katawan ng kapatid niyo. Sus! Hindi malamang. Pero, tumango lang ako sa kanya baka ma delay ang laban

"saan ka natutong lumaban?"

Natuto lang ako dahil sa dati kong ka gang mates. Hanggang sa nagsasanay na ako mag -isa.

"tahimik mo naman."

"Kapag nakapasok na ak— kami bigyan niyo kami ng isang oras. Kapag hindi kami lumabas ng isang oras tumawag na ng pulis." sabi ko sa kambal. Sumimangot sila bago tumango. Ang plano naming lima si kuya Marcel, devon, Theo, Nathan ang papasok sa building. Nakasuot din sila ng itim at nakamaskara "kung dumating na ang mga pulis. Hudyat 'yon para umalis kayong anim. Dito ang meeting place natin." malamig na ani ko.

"Bakit hindi ka sasabay sa 'min sa pag-alis? Bakit, iiwan ka namin?" tanong sa akin ni Kuya Nathan. Umupo ako sa mahabang sofa katabi ko si Dominick.

"Sa totoo lang talaga hindi talaga pwede."

Ayoko nga eh! like duh kapag nakita sila ni Amos doon at nakilala sila edi nadamay sila. Yeah, l know selfish ako. Ayoko na may mapahamak pa dahil sa akin. Pumayag ako na tutulong sila dahil sa mga tauhan ng kalaban

doon sila makipaglaro.

"Sa tingin mo may chance na mailigtas natin si Mila?" tanong ni kuya Theo.

"Who knows? Pero I need to rescue her." nagsipag tinginan silang anim.
Ang alam ko lang iligtas si Mila kahit ano man ang mangyari. Mahalaga si Mila sa buhay ko.

Dahil minahal niya ako at tinuring na anak. Kung saan binigay niya sa akin ang pangungulila ko sa pagmamahal ng isang magulang.

"Sabihin mo nga. Paano ka natuto makipaglaban at gumamit ng baril?" tanong sa akin ni Kuya Marcel.

dahil natuto sa dati ko pang ka gang mates bago ako bumuo ng sariling gang. Parang sinabi ko na 'to kanina sa isip ko?

"Dahil? natuto lang ako? Kakapanood?" tanong na sagot ko. Tinitigan nila ako alam kong hindi sila maniniwala sa sinabi ko. Dahil hindi strong ang arguments ko "Tara na."

Tumayo na ako at naglakad. Hindi pa ako nakalabas may nararamdaman ako na may tumitingin sa akin. Nagsipol ako at tumingin sa paligid

tsk may tao sa puno

Tumitingin siya sa gawi ko gamit ang binoculars scope. Narinig ko ang yapak galing sa kapatid ko nag-quadriceps strence ako para kunin ang shuriken sa boots ko para hindi mahalata.

"Nathalia ano ang ginaga—." hindi natuloy ang sasabihin ni kuya marcel dahil binato ko ang tatlong Shurikens sa kalaban. Tumama 'yon sa dibdib narinig ko pa ang pagbagsak niya "Anak ng tupa?"

"Mahilig siya mag-padala ng bata niya." sabi ko. Alam ko na nagpapadala siya ng bata niya. Kahapon ko lang nalaman. Plano namin ni Mila aalis na dito sa Bayan ng Amos at Lilipat sa ibang bayan para manirahan.

Hindi ko din kasi napansin na may-tao na nagbabantay sa amin. Bakit kamo? dahil alam ko hidden mansion ang peg kaya ligtas kami pero nagkamali ako.

Tumingin ako sa kanila. Nakasuot sila ng cloak at nakamaskara "wag kayo mag-alala. Bagong dating 'yon." yeah, totoo ang sinabi ko. Dahil wala ako nararamdaman na nakamasid kanina noong dumating kami.

"Halina?" nag-lakad na ako papunta sa kagubatan. Doon kasi ang Daan para makalabas. Nasa gitna kasi ng kagubatan ang mansion pagkalabas namin bumungad sa amin ang dalawang kotse na itim.

Ang na pagdesisyonan namin Ako, Theo, Devon, Dominick ang magkasama sa isang kotse at sina Marcel, Nathan, Dominic ang magkasama sa isa pang kotse.

Sumakay na ako sa passenger seat. Si kuya theo ang mag-drive. Nilagay ni kuya theo ang cellphone sa car phone holder dahil guide patungo sa lumang building. Sumakay na din sina Dominick at Kuya Devon sa back seat.

"Oi." tawag sa akin ni Kuya Devon. Kaya tumingin ako sa likod inabot niya sa akin ang isang secret service Earpiece. Ito yata ang tawag sa inabot sa akin ni Kuya Devon. Hindi ko alam kung tama? kinuha ko naman at sinuot ko sa tenga ko.

"Alis na tayo." sabi ko. Tumango naman si kuya theo at pinaandar na ang kotse.

Kakaibang birthday gift ang binigay sa akin. Kailan kaya maging normal ang buhay ko?

Ang gusto ko lang kasing problema kung paano ko gagastusin ang mga pera ko.

Binigay yata 'yo sa akin dahil na sobrahan ako sa pagiging main character ko sa una kong mundo.

Habang palapit na kami sa lumang building. Tumigil sa pag-andar ang kotse

"What happened?" Tanong ni kuya Marcel. Napatingin naman ako sa harap namin.

"Shit... " rinig ko galing kay kuya Nathan. Hinanda ko ang sarili ko.

"Baba tayo." sabi ni kuya devon. Bumaba na kami sa kotse. Napangiti naman ako.

Dahil mga tanga ang mga kalaban namin. Hindi man lang binaon sa lupa ang mga maliliit na Bomba.

Like? Duh! Boba ba sila? Hindi naman kasing liit ng alikabok ang mata namin para hindi namin makita ang kinalat nila.

"Ano na ang gagawin natin?"tanong ni dominick sa amin.

"Dadaan sa gubat. Malapit lang naman ang lumang building." sabi ko sa kanila "Itago ang kotse sa madilim na parte alam niyo na ang gagawin."

sumimangot si Dominic at tumango naman si Dominick dahil sa kotse pa rin sila tatambay. Magrereport din sila kapag may bagong kalaban na darating.

•••
》》》Next Chapter - Chapter 24

A/N:

Be aware of grammatical Errors, typographical Errors,Sensitive words, violence actions and plot holes.please do not read if you're not comfortable.

Happy 500 reads!!! 🥳

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now