Chapter 46 - Rambulan

1.8K 92 6
                                    

046 - Rambulan

Vivian's POV

Sabay kami pumasok ni Daliri. Tumungo kami sa locker area dahil hinanap ko ang locker ko hanggang sa makita ko. Binuksan ko gamit susi kumuha ako ng libro na gagamitin ko ngayong araw.

Good student muna ako

"Kahit kasing lamig ng Arctica ang tubig na niligo ko. Hindi mawawala ang antok ko." sinara ko ang locker "how to be you po?" Asar niya sa akin.

Simaan ko siya ng tingin. Ang aga-aga nang-aasar tumingin ako sa relo ko 7:49 am na ng umaga. May labing-isang minuto pa bago magsimula ang klase.

Sabay kami ni daliri maglakad papunta sa classroom namin. Lahat ng kababaihan napapatingin sa amin pero yung ibang babae ang lakas nila mag taray.

Mga gaga lang.

Wala naman silang karapatan magselos hindi naman nila pagmamay ari ang kaibigan ko at isa pa wala silang label.

"Ito na pala ang classroom ko Vivi, sige mauna na k—." humikab siya. Kumaway siya sa 'kin bago binuksan ang pinto at pumasok. Lumakad ako konti at binuksan ang pinto ng classroom ko.

Bumungad sa 'kin ang ingay ng classroom.

Napatingin sila sa 'kin. Labing-lima lang kami sa classroom

Ganun talaga, Private eh.

Sinara ko ang pinto at naghanap ng upuan. Napadako ang paningin ko sa bakanteng upuan sa harap kung saan katabi ang bunsong anak ni Marleigh na si Dominick. Tumabi ako sa kanya.

Napatingin siya sa 'kin saglit bago tumingin sa binabasa niyang libro

Bookworm

Katabi naman niya ang kambal niya na si Dominic. May pagka same ang pronouncation ng pangalan nila pero iba ang dulo ng letra ng pangalan nila

What should I call them?

Dominick to Minmin, Dominic to nicnic natawa ako sa naisip ko.

Lumingon ako sa likod ko.

Prince Gray bunsong anak ni Lord Ford. Bumukas ang pinto at pumasok ang Prof namin bumati siya sa amin bumati sila maliban sa 'kin at nicnic. Nag discuss lang siya buong period

Hindi ako nakinig sa kanya dahil hindi kaya ng utak ko ipasok ang nilelesson niya.

Inaantok na 'ko

"Vivian, Recess na." ani ni Minmin.

Hala, nakatulog ako!

Tumingin ulit ako kay minmin pero wala na s'ya.

Bumalik ako sa pagpikit, inaantok talaga ako.

"VIVI!!!" nabatikwas ako ng upo at napalingon sa tumawag sa 'kin.

Tumawa naman ang luko

"Wag ka nang pumikit gian. Tara na, sabay tayo kumain." Bored akong lumapit sa kanya "Antok ka? ako den." mahinang usal niya. Inakbayan niya 'ko kaya sinandal ko konti ang ulo ko.

"Gaga." naglakad kami tungo sa cafeteria. Humiwalay ako kay isaac dahil nasa tapat na kami ng pintuan ng cafeteria. Wala akong ganang sipain ang pinto

Teka, bakit ko sisipain?

Hinawakan ko ang door knob at binuksan kaunti at binitawan nang makapasok na ako.

"Ahh!" Hiyaw ni daliri.

Bakit?

Na realize ko kasabay ko pala papunta si daliri. Bumukas ang pintuan, sinamaan niya ako ng tingin habang nakasapo ang palad niya sa noo.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now