Chapter 56 - Kakampi

1.2K 57 0
                                    

056 - Kakampi

Vivian's POV

"Ikaw si Esme?" Tanong ko sa kaharap ko.

Recess time na kaya hinanap ko ang ka teammate ko para mag practice after uwian.

Tumango siya sa akin, pinasadahan ko siya ulo hanggang paa. Makapal ang eyeglasses, makapal ang kilay pero hindi naman sobrang kapal. Naka hoodie na brown, maiksi ang buhok pero plain.

Esme the nerdy.

"May practice tayo mamayang uwian sa gym." Umalis na 'ko na walang paalam.

Kakaiba ang kateam mate ko kumpleto sa personality.

Isa nalang ang hahanapin ko si Zoe dating girlfriend ng binugbog ko.

Pero tinatamad ako hanapin siya kaya pumunta ako sa cafeteria para kumain.

Pagkarating sa cafeteria kumuha na 'ko ng tray para lagyan ng pagkain. Hindi naman ako tumagal kaya nag hahanap ako vacant table pero wala akong makita.

"Vivi, dito! yoo-hoo!"

Napalingon ako kay Daliri pati sa kasama niya

"Wag kanang mahiya, dito kana!"

Pupunta ba ako do'n?

Wag na lang, tumalikod ako at lumakad palabas ng cafeteria pero may hayop namang humila sa 'kin.

"Nahiya ka pa!" Ani ni daliri.

"Vivian, ikaw ba yan?" Hindi makapaniwala na sambit ni Marcellus. Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid bago umupo sa gitna nina daliri at sam.

"Ang tagal mo nagpakita" Curios na sambit ni Kyle.

"Hindi ako nanghihimasok sa buhay mo pero bakit minsan ka pumapasok?" Tanong ni Aaron.

Aaron, tch! kasali siya sa bumoto sa akin. Bwesit ka 'rin.

"May inasikaso lang ako."

"Pareho kayo ni Daliri, diba? palagi kang pinapatawag ng Daddy mo?" Hindi tumugon ang bestfriend ko.

"Kahapon, bakit hindi kayo pumasok?" Dominick "kayong dalawa, Isaac at Vivian ang lalaki ng eyebags niyo. Ikaw, Samuel? lumalabas ang eyebags mo. Hindi ko alam pero ang weird... bakit kayo mag eyebags"

"Walang, weird? sadyang kailangan kong puntahan ang trabaho ko. Alam mo naman only son and future Lord Dustfinger." Dahilan ni Daliri.

"Ako, Kailangan kong sumama sa pag-iimbestiga about sa nangyari kay dad." Samuel.

"Ganun ba? How about you, Vivian?" Bakit palagi ako nasasali sa usapan. Nakikiupo lang ako ah?

Hindi ako tumugon, pero pansin ko ang mga titig nila sa 'kin.

"Kailangan kong ipacheck-up ang mata ko at hindi ako makatulog tuwing gabi dahil may Chronic insomnia ako."

"Umiinom ka ba ng gamot?" Devon.

"Hmm, tuwing matutulog ako"

"Good luck para sa sport day Vivian." napaangat ako ng tingin ngumiti sa akin si Aaron. "Sana manalo kayo." Ano yun lait? dahil alam niyang hindi nagpra practice ang ka teammate ko?

Ah, bwesit.

"Ka teammate mo si Zoe, Ex boyfriend niya ang sinapak mo." Ani ni Gray.

Alam ko.

"Excited na ako maglaro!" Masayang bigkas ni Kyle.

"Ako na, Oo at hindi." Daliri.

"Magkateam ba kayong lahat?" Umiling ang iba.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon