Chapter 43 - Mga prinsipe

2K 91 1
                                    

043 - Mga prinsipe

Vivian's POV

Dalawang araw ang nakalipas hindi pa nahuhuli ang dalawang waiter hindi pa rin ako titigil hanggat di ko matunton ang kalaban ni West.

Tama, pinapahanap ko rin ang isang waiter.

"Vivian, kanina ka pa tulala." Ani ni daliri. Nakaupo kami sa railings sa rooftop ng Academy. Inangat ko ang paa ko.

kapag tumalon ako patay ako.

Hindi naman ako immortal para hindi mamatay.

"About sa gamot?" Mahinang usal ni lsaac.

"Gumagawa ngayon ng paraan si Asim para makagawa ng lunas." Tungkol kay Lord West nakaratay siya sa higaan at mahimbing natutulog. Dinoble ko ang seguridad para sa kaligtasan ng pamilyang west

nag-unat ako.

Bumaba na ako sa pagkaupo ko

"Sa tingin mo... kailan maibigay ni master ang lunas?" kibit balikat lang ako. Hindi ko alam pero sana sa madaling panahon.

"Gutom na ako." Bored na ani ko. Umalis na kami ni isaac sa rooftop. Sumimangot ako dahil lahat ng dinadaanan naming tao napapatingin sa 'min.

Hindi naman ako mukhang artista pero...

Tumingin ako kay lsaac.

Sikat si Isaac... Bakit?

Siya naman si Crown Prince lsaac Benjamin Dustfinger ang susunod na Lord ng Dustfinger kaya tinatawag ko siyang daliri dahil may Finger ang surname niya.

Binuksan ko naman ang pintuan ng cafeteria. Nag-lakad ako papunta sa mga plato para kumuha

"tsk! nang iwan ang bad mo talaga, VIVIAN!" Sigaw niya kaya lumingon ako sa kanya.

Tinaas ko ang hintuturo ko means You sinunod ko namang tinaas ang gitnang daliri ko means Fuck para akong nag peace sign sa kanya pero Fuck You means ng ginawa ko

kami lang ni Daliri ang may-alam nun.

Hindi pala may isa pa palang tao.

ginaya niya ako para kaming tanga.

"Vivian?" Lumingon ako sa taong tumawag sa akin.

Samuel

Naalala ko pala, pinakilala ako ni Lady West sa pangalan ko sa kanya wala ka nang kawala Vivi!

"So... ikaw nga!" Mahinang gulat niya "dito ka din pala nag-aaral." Nangunot naman ang noo ko. Bakit biglang bumait ang lalaki na 'to? ano kaya ang hinithit niya?

Dapat, Hindi niya ako pinapansin eh.

"Samuel...." ani ni daliri "kilala mo si Vivian?" takang tanong ni lsaac. Tumango naman si Samuel.

"Kilala mo si Isaac?" tumango si lsaac kahit ako ang tinanong "paano?"

"Kababata ko si Vivian." tuwang ani ni Daliri. "sumabay ka sa 'min ni Vivi." sumang ayon naman si Samuel

Ang weirdo niya.

Kumuha na kami ni Daliri ng makakain namin. Pagkatapos sabay kaming naglakad tungo sa bakanteng lamesa. Katabi ko si Daliri kaharap namin si

Sam

Sam nalang masyadong mahaba ang Samuel eh.

"Samuel, gusto mo ba ikwento ko sayo ang mga pinaggagawa namin ni Vivi noong bata kami?" hindi sumagot si Samuel "de bale kahit ayaw mo pagkukwento pa rin ako."

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon