Chapter 3 - Liham

8.1K 238 3
                                    

03 - Liham 

Nathalia's POV

Tapos na akong punasan ni Mama Lena sa aking katawan ang aking ibig sabihin ang katawan ni Nathalia!

Nagpasuyo nga ako na kumuha ng libro sa library, tungkol sa mundo na 'to kanina ko lang nalaman na may library ang mansion ni Lady Marleigh ang. Mama Ni Nathalia.

Pero pinagbawalan ako ni Mama Lena dahil kailangan ko pa daw ng pahinga, pero sinabi ko na ok lang ako at walang masakit sa akin. Kinukulit ko siya para gawin niya ang hinihiling ko.

"Prinsesa hindi mo pa maintindihan ang inuutos mo sa akin na libro. Dapat pambatang kwento ang binabasa mo! Pang matanda ang babasahin mo eh." Saway niya sa akin. Porket tatlong taon palang ako bawal ako magbasa ng ganong libro!

"Nah, Mama Lena, pwease." Sinuntod ko siya. Tiningnan lang niya ako ng matagal. Ngumiti ako sa kanya ng matamis, abot kilay ang ngiti ko. Damn, ang creepy ko.

"Hindi! huling sagot prinsesa. Kailangan ko ng lumabas maiwan ko na po kayo." Nawala agad ang ngiti ko at sumimangot dahil sa sagot niya. Tinarayan ko siya patago.

"Ok." Humiga na ako sa kama at tumagilid. Pinikit ko ang mata ko para mag-isip, kamusta na pala sila? Ano kaya ang ginagawa nila, tapos siya ano kaya ang naging reaction niya na nalaman na patay na ako, sa totoo kong mundo?

Malamang matutuwa 'yon. Dahil wala nang asungot sa relasyon nila Pota! Tinago pa eh nakakagago. Nagsimula ng tumulo ang luha ko alam mo, yung minahal mo siya ng sobra kesa sa sarili mo, pero niloko ka lang? Hmp! Wala talagang forever! ayoko nang pumasok sa relasyon kung sa dulo lang naman maghihiwalay lang, ayokong sayangin ang time ko dahil sa relasyon. Ayoko na. Tama na ang isa.

Pinunasan ko ang luha ko. Hindi niya deserve ang luha ko, hinding hindi! Ang araw na ito, kakalimutan ko na siya. Fvck you, Jonas! Putang Ina ka!

Nakarinig ako ng yapak na palayo sa gawi ko, at narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto umalis na si Mama Lena? Dinilat ko ang mata ko at umupo sa kama, hindi pwede na wala akong alam sa mundo na 'to. Dahil gusto ko malaman ang mundo na ginagalawan ko, ang bansa na 'to.

Dahil maliit ako kumapit ako para makababa sa higaan. Ginala ko ang buong silid ni nathalia. May tatlong pintuan ang isa palabas sa silid, yung isa banyo. Eh, ano naman ang isa? Walang alinglangan pumunta ako sa gawi ng pangatlong pintuan. Tinulak ko ang pintuan pero nakasara, hindi ko naman abot ang door knob dahil maliit lang ako.

Kaya humanap ako ng upuan. Nakita ko ang upuan na inupuan kanina ni Mila, hinila at tinulak ko ito ang masasabi ko lang medyo mabigat. Tinapat ko ang upuan sa pangatlong pintuan, kumuha ako ng pwedeng apakan para hindi ako mahirapan pumatong sa upuan.

Nakaakyat naman ako ng maayos. Pinagpagan ko ang maliit na kamay ni nathalia at pinihit ko ang door knob, bumaba na ako sa upuan. Bumungad sa akin ang mamahaling kasuotan dahil may diamond at kakaibang palamuti. Na kyutan ako pero hindi ko type ang kasuotan dahil mas tipo ko ang jeans at oversize t-shirt, polo, sapatos, sombrero, tsk! nahinayang ako sa collection ko.

Napansin ko ang itim na cloak na nakalagay sa mannequin pati ang itim na turtleneck na damit at leggings. Natuwa ako sa nakita ko dahil type ko ang ganitong damit, pati itim na boots, pero hindi pa kasya sa akin dahil malaki. Tapos may nakita pa akong malaking treasure chest; hindi ko siya mabuksan dahil may lock.

Ano kaya ang nasa loob ng treasure chest? Masyadong malaki, baka ang laman ng treasure chest ay mga ginto at mamahaling alahas. Napatakip ako ng bibig ayan ka na naman Carmella! pag dating talaga sa Pera or Ginto at mamahaling alahas tumutulo ang laway mo.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now