Chapter 20 - Kuneho

3.9K 175 3
                                    

020 - Kuneho

Nathalia's POV

Tanghali na ako natapos sa pag grocery. Bumalik pa ako sa mansion para ilagay sa ref ang goods at snacks. Bumili din ako ng can soft drinks.

Naglalakad ako tungo sa cake shop. Nakasuot ako ng white long sleeve at tinernohan ng dark green na cargo pants at Oxford na black. Nasa harap na ako ng cake shop.

may tao sa likod ko

familiar ang presensya. Humarap ako sa kanila, isa, dalawa, tatlo, labing-dalawa silang lahat. Ano na naman kailangan ng lalaking dalawa ang ngipin sa harap ko?

"Kaarawan mo pala Marcelino..." ano na naman iyon kuneho? walang expression ko silang tinignan. Kita ko ang paglunok nila sa ginawa ko.

Tatalikod sana ako pero hinawakan ako ni kuneho sa balikat kaya hinawakan ko iyon at diniinan. Narinig ko ang pag-singhap ng iba humarap ako sa kanya na may nakakalokong ngiti.

"Bi-bitawan mo ko!" sigaw niya. Kaya mas lalong diniinan ko ang pagkahawak ko. Gusto ko sana tumawa dahil hindi mo malaman kung anong klaseng expression ang pinapakita ni kuneho kaya binitiwan ko ang kamay niya

Kita sa hubad kong mga mata kung paano naging itim iyon. Napangisi ako at tumingin kay kuneho, sinamaan niya ako ng tingin hindi... sila pala.

"Hindi ako nakikipaglaro ngayon." malamig na sabi ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya "sa susunod na lang kuneho..." naramdaman ko na susuntukin niya ako kaya mabilis akong umalis at sinalag ang suntok niya gamit ang palad ko "suntok mo na yan? Mahina. Ipapakita ko ang tunay na suntok." tumingin muna ako sa paligid. Wala namang gaanong tao dahil tanghali na kaya sinuntok ko siya sa mata ng malakas,

iyon tumba! Hahaha.

Sinamaan nila ako ng tingin at sinugod nila ako. Habang umiiwas ako sa suntok at sipa nila nag poker face lang ako.

Pa cool lang. Dahil Bida-bida tayo.

Hindi ko sadyang napatingin sa iskinita. Napa-awang medyo ang labi ko dahil sa nakita.

Dominic's POV

"Bakit wala pa siya?" tanong ni kuya nathan. Nag-kibit balikat lang kami kanina pa kami tumatambay sa eskinita.

"Ha?" napatingin kami kay kuya Theo na naka-awang ang bibig at parang hindi makapaniwala sa nakita. Kaya napatingin kami lahat kung saan siya nakatingin.

Napangisi ako. Bored look naglalakad si nathalia. Nakasuot siya ng white long sleeve at Cardo pants kamukhang kamukha niya ak—siya l mean namin pero side view.

Napatingin ako kina kuya na seryosong nakatingin tinutukoy ko ay sina kuya Devon at kuya Marcel, Si kuya Theo Nakanganga pa rin nakatingin, Si kuya Nathan nakita ko siyang nakangiti ng tipid.

"I can't believe this." mahinang sabi ni kuya Marcel. Kita ko sa mata niya ang saya namumula na rin ang mata niya.

"Bakit itim ang mata niya?" tanong ni kuya Theo sa amin.

"Baka naglagay ng contact lense?" sagot ni kuya nathan. Tumingin ulit ako sa kanya.

Lumaki ang mata ko na may labing dalawang lalaki na nasa likod niya habang nakatayo siya sa harap ng tindahan. Ano ang gagawin nila kay nathalia?

Humarap siya ganun pa rin ang expression niya. Ang masasabi ko lang girl version namin si nathalia.

"Girl version ni Dominic at Dominick." natawa kami ng mahina sa sinabi ni kuya Theo.

May sinabi yata ang lalaki kay nathalia pero tumalikod lang siya. Anak ng... kaugali niya si kuya Devon pati si Kuya Nathan.

Hinawakan siya sa balikat ng lalaki. Nakita ko kung paano hinawakan 'yon ni Nathalia.

"Madiin ang pagkahawak niya." Sambit ni kuya Devon. Napatango kami lalabas ba kami oh hindi? baka ano ang mangyari kay nathalia. Humarap si Nathalia sa kanila na may mapanlarong ngiti.

"Kinilabutan ako. Nakakatakot ang ngiti niya." Sabi ng kambal ko. Napalunok naman ako sa ginawa ni bunso.

"Yeah." mahinang sabi ni Nathan. Natakot din ba siya? seryoso? napatingin ako kina kuya Marcel, kuya Devon at kuya Theo nanonood sila ng seryoso.

"Bi-bitawan mo ko!" mas-lalong diniinan ni nathalia ang pagkahawak. Maya-maya binitiwan niya pabato.

"Nangingitim ang pulso niya." mahinang ani ni kuya Theo.

"Hindi ako nakikipaglaro ngayon." malamig na ani ni Nathalia. Tumaas ang balahibo ko "sa susunod na lang... kuneho." gumalaw ako dahil susuntukin niya si nathalia pero pinigilan ako ni kuya Devon. Napatingin ako saglit kay kuya Devon ng masama bago tumingin sa gawi ni nathalia. Ha.... nasalag niya ang suntok ng kuneho? Basta 'yon ang tawag niya sa lalaki.

"suntok mo na yan? Mahina. Ipapakita ko ang tunay na suntok." ha? bigla siyang tumingin sa paligid kaya agad kami nagtago konti sa eskinita. Napanganga lang ako— ay kami na sinuntok niya ng malakas ang kuneho

Nice one!

Biglang sumugod ang labing-isa kay Nathalia. Nakapoker face look lang siya. Umiiwas sa ibinigay na suntok at sipa sumali na rin si kuneho. Ang galing niya umilag! napanganga lang kami as ln! sabay kasi sila sumugod at sinalubong ng suntok si nathalia na hindi man lang natatamaan. Feeling ko nilalaro lang niya ang kalaban niya.

Napatingin sa amin si Nathalia.

Paktay....

lumaki ang mata namin dahil nakita niya kami. Nasuntok si nathalia sa mukha dahil na sa amin ang atensyon niya.

"A-no an—." hindi natuloy ang sasabihin ni kuya nathan dahil sumigaw si kuya Marcel.

"Nathalia!" tatakbo sana si kuya Marcel pero hinawakan siya ni kuya Devon at kuya Theo.

Ba-bakit? Hindi ba sila naawa? Nasuntok si nathalia... nasuntok ang kapatid ko.

"Wag, kuya. Baka may nagbabantay kay nathalia na tauhan ni papa. Kapag sumulpot ka sa away nila at nakita ka. Malalagot tayo." malamig na ani ni kuya Devon.

"At isa pa kuya. Hindi natin alam kung bakit tinago si nathalia sa atin diba? Kaya mas maganda kung tumingin na lang tayo sa kanya. Mag-pakita na lang tayo sa harap niya kapag nag-bigay ng permiso si ama o nasa kapahamakan si bunso." Sabi naman ni kuya Theo.

Nasa kapahamakan ang kapatid ko.... Nakaramdam ako ng inis. Takot lang sila mapagalitan!

"Tapos na..." bulong ni kuya nathan na narinig namin. Napatingin kaming lima kay Nathalia.

Bagsak ang kalaban

Nakatingin si Nathalia sa kalaban niya ng malamig bakas na walang pakialam. May talsik na dugo sa mukha niya, long sleeve na suot niya pati sa kamao meron din.

Bakit ang brutal niya? Mga bata lang na kasing edad niya ang kalaban niya.

"Marce— ano ang nangyari?" gulat na tanong ni Mila. Binabalewala lang ni nathalia ang tanong ni Mila. Tumingin muna siya saglit sa amin bago pumasok sa loob. Si Mila naman tumingin muna siya sa mga lalaking naka bulakta sa sahig bago pumasok.

"Gusto ko malaman ang dahilan ni papa kung bakit? sana maganda ang reason niya." Sabi ni kuya. Napatango naman ang tatlong kuya.

"May baril sa likod si nathalia." gulat na pa tingin kami kay kuya nathan "mabuti, hindi niya ginamit habang nakikipag-away sa grupo ng mga bata."

Baril? Natalo pa niya kami ng kambal ko.

"Alam niya kung paano gumamit ng baril?" hindi makapaniwala na ani ni kuya Theo "seryoso ka nathan?" umirap si kuya Nathan sa kanya.

•••
》》》Next Chapter - Chapter 21

A/N:

Be aware of grammatical Errors, typographical Errors,Sensitive words, violence actions and plot holes.please do not read if you're not comfortable.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon