Chapter 15 - Dominick at Dominic

4.3K 167 0
                                    

015 - Dominick at Dominic

Dominick's POV

"Sa tingin mo magugustuhan niya ba 'to?" Tanong ko sa kambal ko na si Dominic.

"Seryoso, Robot? Babae ang kapatid natin nick ba-ba-e. Manika dapat!"singhal niya sa akin. Ngumuso ako kita ko sa mukha niya ang pagkangiwi niya. Pero ayaw ko kasi ng doll.

Scary kaya!

Nilagay ko ulit ang kinuha kong robot kung saan ko kinuha.

"Sigurado ka bang? Manika ang gusto niya?" tanong ko ulit sa kanya. Kita ko kung paano siya natigilan at napa-yuko. Nagpakawala siya ng mabigat na buntong-hininga.

"Hindi ko alam. Paano ko naman malalaman kung.... hindi ko pa siya nakikita at isa pa. Wala na siya sa mundo na to..." nakita ko sa mata ko na nangingilid ang luha.

Nahahawa tuloy ako sa kanya.

Pinunasan niya ang gilid ng mata niya gamit ang likod ng palad niya "kung alam ko sana. Kung ano ang gusto niya. Edi, binilhan ko siya ng marami!"galit na sabi niya pero bakas parin ang lungkot. Napalunok naman ako ng laway.

Bakit siya galit?

"Bukas ang birthday niya. Bukas din ang 8th death anniversary nila pareho" mahinang ani ko "mas maganda kapag nando'n tayo sa Marleigh City. Doon tayo tatambay sa puntod nila Mama at ni Thalia kay sa. Nandito tayo sa Bayan ng Amos."

Nandito kami sa Amos dahil kay kuya. Ang pag katanda ko nagbigay si kuya ng budget para sa orphanage hindi kami kilala ng mga tao bakit kamo? dahil hindi kami pinapakita sa publiko malamang.

"Tama ka nga. Kung nando'n lang tayo baka doon pa tayo mag overnight sa puntod nila kahit nakakatakot." natawa kami parehas "kapag nakita ng kapatid natin ang regalo na nakatambak baka magwawala 'yon sa Saya!"

Na-alala ko tuloy kung paano namin ni kambal nalaman na may kapatid kami na babae.

Flashback...

"Ano ang ginagawa mo kuya Marcel? bakit ang dami mo sinusulat sa papel." nandito kami sa kwarto ni kuya. Kasama ko ang kakambal ko na si Dominic.

"A-ah, nagsusulat?"sagot ni kuya. Halata naman may hawak siyang panulat eh.

"para kanino kuya?" tanong ng kakambal ko. Pumatong kami sa upuan at umupo sa malaking lamesa inalayan kami ni kuya maka-upo.

"Para sa kapatid natin na babae." lumaki ang mata namin.

Seriously? Nakaka family shock naman.

Natawa ng mahina si kuya. Nilapag niya ang panulat sa lamesa at sumandal sa upuan.

"Ma— may kapatid tayong babae!"sabay naming sabi ni kambal. Tumatango- tango si kuya.

"Mhmm, Bunso natin."tuwang sabi ni kuya. So I'm not bunso na! Sobrang nakaka-happy because they always looked at me as a puppy. Eh, l don't like it kasi boy ako kaya dapat cool lang ako hindi puppy.

"Nagsusulat ako tungkol sa buhay natin. Sa mga nangyayari." sa ngiting binigay niya. May bakas na kalungkutan.

"Nasaan pala siya kuya?" tanong ko sa kanya. Hindi nakasagot si kuya sa amin kita namin kung paano lumunok ng maraming beses si kuya.

"Wala na siya Dominick. Kinuha na siya katulad sa ating Mama." hindi ko alam pero nadurog ang puso ko. Wala na pala ang nakababatang kapatid namin.

It's hurts so much

"maliit pa kasi kayo that time. Kaya hindi niyo pa nakikita ang ating Mama, Baby pa kasi kayo na— ang cucute." tumawa s'ya. Natahimik kami ng kakambal ko "oh bakit ang tahimik niyo."

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon