Chapter 30 - A Hotel

3.4K 126 0
                                    

030 - A Hotel

Nathalia's POV

Nandito ako ngayon sa room 202 sa hotel. Tama ang nabasa niyo hotel!

Matatagpuan ang hotel na 'to sa pagitan ng Amos province at Amos City. Bumili ako ng laptop para tukuyin kung nasaan si mila kung saang lugar siya naroroon.

Mabuti yung mga tao dito hindi judgemental tapos age doesn't matter kung bibili ka ng isang bagay.

Ang mahalaga kasi sa kanila ay kumita ng malaki.

Natawa ako ng mahina. Uminom ako ng softdrink sa lata. Kumagat ako ng pizza ang una kong ginawa pinanood ko ang lahat ng cctv na malapit sa lumang building.

Nakita ko na sinakay nila si Mila sa black van sa likod sila dumaan

Isang trap ang ginawa nila sa amin!

l already traced the plate number ng sasakyan ilang linggo para malaman kung nasaan ang sasakyan na 'yon hindi kaya madali hanapin ang plate number ng sasakyan. Tapos simpleng gadget lang ang meron ako.

S'ya nga pala gumagawa ako ng DIY na Bomba. Natutunan ko lang dahil sa pagbasa at pag research sa black net. Marami nga ako nalalaman.

Nag investigated ako sa background ni Lord Amos kaibigan niya pala ang demonyo.

Ang alam ko sa demonyo na 'yon ang tauhan niya ang pumatay kay Lolo nalaman ko dahil sa kwintas na nakita ko.

Alam niyo ba? kasing pantay ng Marleigh at ang pamilya ng demonyo ang yaman at kapangyarihan at isa pa nakita ko siya sa tv n'ong apat na taong gulang ako.

Siya si Kash A.k.a Lord K naninirahan siya sa Country B As In B alphabet "B"

pero bakit?

nagtatrabaho din ba si London sa kanya? n'ong birthday ko sumugod ang tauhan ni Lord K at ni Lord Amos. Mga gago naman

Sabi ko na ba eh yung bulto na nakita ko. Tauhan nila 'yon tapos nakita niya ako kaya nag sumbong pero bakit natagalan? O baka mali talaga ako ng pagka intindi at paniniwala?

Ay, bahala na basta ang kaaway ko dito sa ngayon si Lord K pati si Lord Amos pati din si London. Papatayin ko ang hayop na yon kapag nakita ko siya!

Gumawa ako ng maraming bomba. Sasabog lang 'to kapag pinindot ko ang remote button na ginawa ko. Isang malaking ganti ang gagawin ko.

Kumagat ulit ako ng pizza. Kung anong anong wire ang kinakabit ko. Alam ba nila Amos na buhay pa ako?

Kung hindi magugulat na lang sila na umatake na pala ako. Uminom ulit ako ng can sa softdrinks. lnunat ko ang kamay ko at tumayo.

Grabe ang tinamo kong sugat. Bago kasi ako umalis sa bayan bumili ako ng gamot para sa sugat ko. Nilagnat nga ako pero mabilis din ako gumaling.

Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard. Kinuha ko ang remote at ln-on ang TV hindi ako manonood ng balita manood muna ako ng ano.

Nakakaaliw

Pero wala akong mahanap kaya nanood na lang ako ng kung ano ano sa TV. Hindi ko namalayan natulog na pala ako.

Nagising ako dahil nagising ako. Gumalaw ako konti pero sumakit ang leeg ko

Shuta, na stiff neck yata 'ko.

Nangangalay din ang paa ko bakit kasi ganitong position ako natulog?

Napailing ako kaunti umayos ako ng higa. naka-on pa rin ang TV papatayin ko sana pero may binalita na kumuha ng atensyon ko.

"Ika Mayo dalawampu't siyam na araw. Ang araw ng pagbubukas ng A-Hotel na itinayo sa Amos City pinangungunahan ni Lord Amos ang ribbon cutting ceremony."

Napatango ako. Kailangan ko nang malaman kung nasaan si Mila. Pinatay ko ang tv at tumungo sa banyo para maligo dahil pagkatapos non kailangan ko pang ayusin ang Bomba na ginagawa ko.

Mas malaki, mas malaki ang mapinsala ng bomba. Natawa ako habang hinubad ang kasuotan ko.

Inayos ko na rin sa wakas ang bomba na ginawa ko. Tinignan ko din ang Laptop wala pa rin kaya sumimangot ako. Dali ako tumayo at inayos ang sarili ko nakasuot ako ng sando na puti at nagsuot ako ng black hoodie.

Bumili din pala ako ng sumbrero na itim. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko sabay suot ng sumbrero. Nagsuot din ako ng Bermuda short hindi na ako magsusuot ng contact lense dahil bibili lang ako ng makakain.

Lumabas na ako sa room ko. Hindi nga pala ako bumili ng cellphone at isa pa ano pala ang gagawin sa cellphone kung wala ako ka textmate o call mate?

Ilang taon na ako hindi nakakahawak ng cellphone mabuti hindi ako phone lover

Pinagtitinginan naman ako ng ibang tao. Ang ibang kababaihan na dalaga sinusubukan na hindi tumili yung iba nakangiti sila sa akin. Malamig ko silang tinignan.

Nabadtrip tuloy ako.

"Kyaaaa ang cute-cute niya"

"Ilang taon na kaya siya 14 or 16 ?"

"Ang igop niya nakakakilig!"

"Omg, tumingin siya sa akin!!!"

"Kunin ko ang cellphone ko. Pipicturan ko siya"

Napantig ang tenga ko sa narinig ko kaya mabilis ako lumakad. Pinagbuksan ako ng guard ng pinto at lumabas na ako sa loob ng hotel.

May nahanap akong store kung sa mundo ko na merong 7/11 sa mundo na to 19/24.

Bakit 19?

Hindi na kasame vibes ang lugar na 'to sa Bayan. May nakikita na din kasi akong mga kotse at motor hindi katulad doon sa Bayan ko na may karwahe. Hindi siya weird pagdating sa transportation sadyang old vibes at mala fairytale vibe ang probinsya ng Amos.

Pumasok ako sa loob ng store

May cup noodles ba dito?

Naghahanap ako ng pagkain na crave ako sa kanin pero wala talaga akong makita kaya chitcherya at juice na sinisipsip na lang.

Pumunta ako sa counter para ma l-scan at bayaran ang binili ko bumaba ang tingin ko. Napalunok ako dahil biglang nag crave ang dila ko

Wag mong bilihin nathalia. hindi pa pwede! pangit tingnan na nagsisigarilyo ka sa ganitong edad.

126 pesos ang binayaran ko. Binuksan ko ang takip ng juice at sinipsip ko. Dumaan ako sa eskinita

shortcut

habang nasasarapan akong uminom. May humarang sa akin na apat na lalaki may mga tattoo sila at piercing

mga bata nga naman.

bakit nila ako hinarangan? ano ang kailangan nila?

•••
》》》Next Chapter - Chapter 31

A/N:

Be aware of grammatical Errors, typographical Errors,Sensitive words, violence actions and plot holes. Please do not read if you're not comfortable. 

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now