Chapter 11 - Asim

4.8K 187 5
                                    

011 - Asim

Nathalia's POV

Isang linggo ang nakalipas na nalaman ko na wala na si lolo ang lolo ni fey. Araw-araw ako nasa opisina hindi rin ako nakapasok sa trabaho. Nagbago ang schedules ko 12-5 ng madaling araw ang pasok ko sinabihan ko si manong na tuwing madaling araw na ang pasok ko pumayag naman siya sa sinabi ko.

Sumakit ang ulo ko. Paano? dahil walang cctv malapit sa bahay ni lolo binuksan ko ang drawer at kinuha ang kwintas na nakuha ko sa bahay ni lolo. Ngayon ko lang napansin pamilyar ang kwintas saan ko nga nakita.... Pumikit ako at iniisip ko kung saan ko nakita ang kwintas

pamilyar talaga sa akin eh.

Napadilat ako ng mata nang naalala ko na kung saan ko nakita ang kwintas.

"Imposible naman. Paano siya nakapunta sa bahay ni lolo?" napasapo ako sa noo. May kumatok sa pinto "pasok."pumasok si Mama lena.

"Hindi ka pa kumakain." nilapag niya ang pagkain na dala sa table "kumain ka na."

"Hindi ako gutom." malamig na sabi ko. Kita ko sa dalawa kong mata kung paano siya napahinto "salamat na lang. Maaari ka ng umalis."

"Hindi ka pa kumakain kagabi at kaninang umaga at kaninang tanghali." umiwas ako ng tingin "prinsesa gusto mo ba magkasakit?" Hindi na ako lalaban sa kanya. Ako yung matatalo kalaunan eh.

"Sige...kakain na ako. Pwede ka na po lumabas Mama Lena."tinuro ko ang pintuan. Tinignan niya muna ako bago yumuko sa 'kin at lumabas.

Tumingin ako sa orasan 10:54 pm na ng gabi. Tiningnan ko ang pagkain bago pumunta ang paningin ko sa ikatlong pintuan.

magbabago ang plano ko.

Lumabas ako sa opisina at tumungo sa basement. Binuksan ko iyon gamit susi na nakasabit lamang sa pader.

Ang basement ang isa sa nakakatakot na lugar sa mansion dahil madilim. What if mumo? Na nakatayo sa gilid char. Wala pa!

Pagbukas bumungad sa akin ang madilim na basement.

Ito yung unang scene bago manggulat ang multo na kailangan ng hustisya.

Napa-ubo ako dahil sa alikabok. Kinuha ko ang Lampara at sinindihan iyon. Walang kinabit na ilaw sa basement kaya gumamit ako ng lampara.

Tapos biglang namatay ang lampara.

Naghahanap ako ng palakol. Sisirain ko ang treasure chest hindi ko alam kung bakit ko lang ngayon naisip 'yon. Pwede naman sirain bakit kailangan pa magtago palihim tungo sa mansion ng Marleigh? para hanapin ang susi,

D'ba?

"Gotcha!" kinuha ko ang palakol mabigat malamang. Lumabas ako sa basement at sinara ang pinto pinatay ko ang apoy sa lampara sa kandila.

Tumungo ako sa ikatlong pinto sa opisina. Ito na ang tamang oras para buksan at malaman kung ano ang nasa loob non. Pumasok ako sa loob at humarap ako sa treasure chest.

Hinawakan ko ng mahigpit ang palakol. Umabante ako at winasak na ang treasure chest.

"Holy shit!" nabitawan ko ang palakol. Tama ba ang nakita ko? puno ng mga armas, Una kong hinawakan ang Seal Pup Elite knifes, mayroon din na Ka-Bar 1211 at, Ka-bar BKR7, Combat Utility knife, pati baril mayroon! Remington RM380, Remington R51, may silencer gun etc.

Hindi pwedeng makita nila ang Armas na 'to. Kailangan ko itago! kumuha ako ng black bag at doon nilagay ang Armas. Nakalimutan ko kailangan ko palang umalis.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now