Chapter 22 - Desisyon

3.8K 163 1
                                    

022 - Desisyon

Nathalia's POV

Nandito ako ngayon sa opisina nakaupo sa couch. Ginagamot kasi ni Kuya Marcel ang kanang braso ko

Oo! Tama ang narinig mo si kuya Marcel!

Nandito silang anim sa opisina. Nagtalo nga kami kanina

isa laban sa anim ang labanan.

Tumigil lang ang pagtatalo namin dahil lumakas ang daloy ng dugo sa kanang braso ko at nakaramdam ako ng hilo. Wala akong choice kaya sinama ko sila sa mansion.

Nagulat nga sila. Sabi ko pagmamay-ari ito ni Lady Marleigh ngayon lang nila nalaman na may hidden mansion si Lady Marleigh sa maliit ng Bayan ng Amos.

Tinignan ko si Kuya Devon na nag ta-type kung ano-ano para ma trace ang kuta ng kalaban gamit ang kinuha kong phone.

Benebendahan ngayon ni Kuya Marcel ang braso ko ng dahan dahan tsk bagal naman.

Pumasok sa pinto si Kuya Theo sunod din pumasok ang kambal na may dalang pagkain. Si Kuya Nathan may dalang ice tea na nakalagay sa babasagin na pitsel.

Sa wakas na tapos na rin ni kuya Marcel sa pagbenda ng braso ko. Sandali nga? bakit Kuya ang tawag ko sa kanila eh matanda na ako. l mean ang kaluluwa ko? matanda na pero... Wala eh. Bata na ang itsura ko bata den ang edad ko dito kaya Kuya ang tawag ko sa kanila....

"Tanong ko lang bakit walang maid? si Mila at Lena lang ba ang maid dito at wala ding guard?" tanong ni kuya Theo. Sumandal ako sa couch ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko.

"Dahil hindi ako gold..." pilosopo ko ngumuso siya sa akin "ha... dahil wala na akong maibigay na sahod sa kanila kaya umalis na." ramdam ko ang paghinto nilang anim.

"Ha?" tanong ni kuya Marcel. Hindi na ako sumagot ayoko ng paulit-ulit "hindi ba suportado ng ating papa ang tungkol doon?"

"Noon." naramdaman ko ang titig nila sa 'kin. ln-on ko lang ang television para hindi ako mailang sa titig nila.

"Nagtatrabaho kayo dahil hindi na supportado ng ating papa?" tumango ako kaunti.

"Bakit?" hindi ko alam. Tanongin niyo ang papa niyo hindi sa akin. Umirap ako patago pero hindi 'yon naligtas dahil nakatingin sa akin si kuya Nathan. Napanguso naman ako at umiwas.

"Pwede mo bang l-kwento ang nangyari sayo?" tanong sa akin ni Kuya Theo. lkwekwento ko nalang kaya sa kanila kung ano ang hirap pinagdaanan namin dahil tumigil na ang aming ama sa pagpapadala ng pera?

"Noon Saktong pera lang ang binigay niya sa isang taon. Tatlong beses oh dalawang beses siya nagpapadala. Pagkalipas ng ilang taon hindi na siya nagpapadala kaya depressed at stress ang nangyari kina Lena at Mila. Dahil, walang pang-gastos umalis na rin ang ibang katulong at tagabantay dahil wala na silang masahod. Hindi, ako iniwan ni Mila at Lena nagbigay ako ng pera sa kanila galing sa kinikita 'ko noong apat na gulang ako hanggang lima." tama. Binigay ko rin ang pera na 'yon sa kanila pero hindi ko sinabi ang malaking ambag na kinuha ko l mean malaking pera na binigay ko.

"Nagtrabaho ka? you mean apat na gulang ka pumasok sa isip mo na magtrabaho l can't believed this... alam ba ng katulong mo na nagtatrabaho ka? Saan? anong klaseng trabaho?" gulat na may halong lungkot, inis, galit at pagsisi, umiling ako

Kinuha ko ang baso na may lamang ice tea at uminom bago ako sumagot sa tanong ni kuya Marcel.

"Sa bar." uminom ulit ako. Nabulunan ako na sumigaw sila napaubo ako.

Bastos!

Hinaplos ni kuya Marcel at kuya Theo ang likod ko.

Nakita ko si Kuya Devon na pumunta sa gawi namin. Dala niya ang swivel chair at doon ulit siya umupo. Kumuha siya ng chips bago tumingin sa akin.

"Ano ang trabaho mo sa bar dancer?" tanong niya sa akin. Sira ulo ba siya? Shutangina, hindi ako sasayaw mukha nga akong bulate kapag sumayaw.

"Ga—."umubo naman ako ng isang beses "hindi! nagpupunas ako ng lamesa pati sahig." huminga muna ako ng malalim

Ganun na ba ang tingin nila kapag nagtatrabaho ang isang tao sa bar? Nakakasama ng loob.

"tuwing alas sais ng hapon simula ng trabaho ko at uwi ko twelve ng madaling araw. Dahil mabait ako maaga ako nagtatrabaho malaki ang kita ko. Sa isang araw 530 pesos hindi pa kasama ang tip galing sa customer. So... sabado at linggo naman ang trabaho ko sa dalawang araw mahigit 1, 000 mahigit ang kita ko. Malaki hindi ba?" seryoso sila nakatingin sa akin

"pagkalipas ng panahon... nagkulong ako sa kwarto ko mahigit tatlong taon at ilang months pero lumalabas lang ako minsan kapag madilim na. Na traumatized ako at na depressed dahil sa bagay na 'yon. Kasama na din na hindi ko nakikita ang katulong ko na si Mila at Lena tuwing kainan at nilalagay nila ang pagkain sa harap ng pintuan ko." kumuha ako ng chip at sinubo 'yon

"itong taon lang ako lumabas sa kwarto." hindi ko napansin tumulo ang luha ko. Habang sumusubo ng chips suminghot ako" Makasarili ako, hindi ko iniisip ang mga taong nasa paligid ko. Kaya nadamay sila katulad ni Mila kinidnap. nagkakampihan sila para patayin ako na sa paligid lang sila. Kahit anong oras handa silang sumugod para patayin ako." pinunasan ko ang sipon ko na tumutulo

putsha nakakahiya.

tinignan ko sila si kuya Marcel umiiyak na pala. Si Dominick at Dominic pinipigilan hindi umiyak, Si kuya Theo tinitigan ako namumula ang mata niya pati tenga, Si kuya Nathan niyukom ang kamao namumula na rin ang mukha at ngingiligid ang luha niya, si kuya Devon nangingiligid din ang luha pero walang expression.

"Si-sinong tinutukoy mo na may ka-kapangyarihan." utal na sabi ni kuya Marcel. Napangiwi naman ako. Ako nga ang nakaranas hindi nauutal kapag umiiyak pero itong si kuya.

"Ano ka hilo? sabi ko sa inyo ayoko na madamay kayo!" sumimangot ako at sumubo ng chips "location ng hide out?" Tanong ko kay kuya Devon. Pinunasan niya ang luha niya sa gilid ng mata niya.

"Ok na." pinunasan ko ang mukha ko gamit ang long sleeve ko. Suminghot muna ako bago tumayo at pumunta sa desk. Napatingin naman ako sa monitor sumeryoso ang mukha ko.

Tinignan ko si Kuya Devon nakatingin pala sila sa akin ng seryoso aish. Bakit na naman sila nakatingin ng ganyan.

"swivel chair." tumango si kuya Devon at dali binigay sa akin ang swivel chair. Umupo ako kailangan ko l-hack ang cctv kung mayroon man. Kung anong-anong code ang pinipindot ko nag silapitan naman sila at tumingin sa ginagawa ko.

May malapit na cctv sa inambona na gusali. Hinack ko 'yon may limang van ang dumating sa lumang gusali bandang 2:32 pm. May nakita pa akong binubuhat buhat nila na parang sako zi-noom in ko.

Mila.

"Marami sila. Tapos ayaw mo kami pasaliin gusto mo mamatay?" sinamaan ko ng tingin si kuya Nathan.

"Nathan!" saway ni kuya Marcel sa kanya. Buti nga! tumingin ako sa orasan 8:49 pm na.

"47 km away dito hanggang sa lumang building." napatango ako "may dala kayong kotse?" tanong ko sa kanila.

"Mhmmm, ako na mag drive." Sabi ni kuya Theo. Wala na ako magawa kaya napatango ako.

"Bakit kasali si Theo dapat kami rin!" sabi ng kambal. Napairap ako patago pero hindi 'yon nakaligtas kay kuya Nathan.

•••
》》》Next Chapter - Chapter 23

A/N:

Be aware of grammatical Errors, typographical Errors, Sensitive words, violence actions and plot holes. Please do not read if you're not comfortable.

Possible ba na pwede kang matrauma sa panaginip?

Base of my Experience, Yes. Hanggang ngayon takot ako magkaroon ng panaginip.

Wag kayong mag self- diagnosis if ever na experience niyo. Mag pa consult na lang kayo sa doctor if kailangan talaga

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now