Chapter 2 - Mama Lena

9.8K 286 6
                                    

02 - Mama Lena

Nathalia's POV

"Oy." tawag ko sa katulong na si Lena pinakilala niya ang kanyang sarili kanina lang, kahit alam ko na talaga ang pangalan niya.

"Prinsesa? ano po yun." Tanong niya sa akin lumapit siya sa higaan kung saan ako naka-upo.

"Salamaine [Salamin.]" tumango siya sa akin at tumungo sa drawer at kinuha ang gintong bulaklak na disenyo sa paligid ng salamin.

"Ito na po prinsesa." Kinuha ko ang katamtamang laki ng salamin napanganga ako sa nakita ko, hindi nagulat ako sa mukha ko!

Ang cute niya maikli pa lamang ang dilaw na buhok niya abot sa balikat ang mata ko kasing kulay na asul sa langit, pointed nose at pinkish na labi at matatabang pisnge ang sarap kurutin, pero ako pala 'to wag nalang, masakit.

Napangiti ako dahil ang ganda at cute ng mukha ni Nathalia l never imagined na Reincarnated ako bilang nathalia. May kumatok sa pintuan, napatingin kaming dalawa ni Lena sa pinto.

"Sandali lamang po prinsesa nathalia. Bubuksan ko po ang pintuan." yinuko ni Lena ang kanyang ulo bago tumungo sa pintuan at binuksan ito.

Bumungad sa amin ang doctor pati ang katulong na si Mila napansin ko lang may lumang panahon at modernong mundo na 'to.

Yumuko si Lena sa doctor at tumango lamang ang batang doctor sa kanya. Sa totoo lamang may itsura ang doctor ang gwapo niya kung siya ang bubungad sa paggising ko baka araw araw nalang ako gigising. Pero bakit ganun bumubungad naman sa akin si Jonas sa paggising ko, pero tinatamad akong bumangon.

"Magandang Umaga Prinsesa Nathalia," yumuko sa akin ang doctor, "ginagalak ko na nagising ka na dahil sa pagkadulas."

Enexamine ako ng doctor tumagal siya sa silid ko. Mahigit kalahating oras.

"Mabuti naman bumaba na ang lagnat mo." napa buntong-hininga si Doc. Stev, "Ito ipainom niyo sa kanya kapag sumakit ang kanyang ulo." Kinuha ni Mila ang bote na may lamang gamot.

"Salamat, Doctor." pasasalamat ng dalawang katulong sa kanya

"Walang anuman. Kailangan ko na palang umalis dahil meron din akong importanteng pupuntahan. Prinsesa Nathalia masaya akong gising kana palagi kang mag-iingat paalam na." yumuko s'ya sa akin "Paalam na din dalawang Binibini." ngumiti ang dalawa
Umalis na si Doc. Stev sa silid.

"Kukuha muna ako ng makakain mo po prinsesa." paalam ni Lena sa akin bago siya lumabas sa silid ko.

"Prinsesa wala pong masakit sa inyo?" Imaginary facepalm! Pangsampûng tanong na niya ito pagod na ako sa kakatango ko sa kanya pero. Tumango nalang ako ulit! para hindi na siya kumulit ng todo.

"Mabuti naman," tumingin ako sa kanya nakayuko lang siya sa harap ko at nakasimangot. Kinalabit ko siya, "Mhmm?"

"Iwang Taon naw akow? [ilang taon na ako?]" ngumiti siya at tinaas ang tatlong daliri niya sa kanang kamay.

"Tatlong taon na gulang prinsesa," napatango ako. Napansin ko lang nasaan na pala ang magulang ni nathalia. Diba? Dapat nandito na sila dahil gising na ang anak nila?

"May Temporary Amnesia ka prinsesa. Ikinalulungkot ko." Alam ko at mabuti lang iyon. Dahil, baka mag tanong-tanong kayo sa akin tapos hindi ko alam ang isasagot ko.

"Magkwentow kaw. [Magkwento ka.]" Ani ko sa kanya tinuro niya ang sarili niya. Malamang Mila. lkaw! Sino pa ba eh tayong dalawa lang ang nandito! Tumango ako.

"Tungkol po ba sa inyo at tungkol sa pamilya niyo?" tumango lang ako. Kumuha siya ng upuan at binuhat niya ito at nilagay sa gilid ng kama. Doon siya umupo, "pasensya na nangangalay ako, eh. Kapag matagal akong nakatayo." Tumawa siya.

"Anow ang Pangwalan kow? [Ano ang pangalan ko?]" nilinis niya ang kanyang nalamunan bago siya nagsalita.

"Ang buong pangalan mo po Prinsesa Nathalia Marcella Lillia Marleigh ika-pitong anak ni Lord Marleigh. Ang pamilyang Marleigh ang pangalawang pinakamayaman, makapangyarihan sa bansa na ito at nakakatakot! Mayroon kang Anim na kapatid na lalaki Tama ka! Anim na kapatid na lalaki, hindi mo pa sila nakikita dahil ipinagbabawal dahil sa utos ng inyong Ama ang alam nila may kapatid sila pero... ano.. Prinsesa ang alam nila patay ka na. Pasensya na." hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang alam nila patay na ako! Ang aking ibig sabihin si Nathalia, kahit buhay pa siya. Walang hiya naman ang ama nila tsk! Kawawa naman si Nathalia, "tungkol po sa ina niyo. Wala na siya dahil sa panganganak dahil sa inyo, pero ano... wag niyo pong isisi ang sarili mo po dahil hindi mo po kasalanan na pumanaw si Lady Marleigh. Maselan po ang pagbubuntis ni Lady Marleigh sa inyo kaya po siya namatay."

Nagkwento pa si Mila, hindi ko alam kung maweirdohan ako o maastigan sa mundo na ito. Lumang panahon na may halong modern parang Mafia ang pamilyang Marleigh tapos ang lugar na ito ay mansion ni Lady Marleigh, pero hidden mansion si Lord Marleigh lang ang nakakaalam sa lugar. Siya ang tanging Marleigh ang nakakaalam! tungkol lang sa pamilya ko ang kwento ni Mila.

"Nawkwitw mho na bay eng kapwated kow? [nakita mo na ba ang kapatid ko?]" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya sa akin.

"Hindi pa po, dito na kasi ako nagtatrabaho parehas po kami ni Lena." pag-amin niya sa akin.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Lena na may dalang tray ng pagkain.

"Kakain ka na." nilapag niya ang mangkok na may lamang lugaw at may dala rin siyang baso na may tubig. "Mila kumuha ka ng maliit na planggana at lagyan mo ng tubig. Katamtaman lang at kumuha ka ng dimpo dahil pupunasan ko ang prinsesa." tumango si Mila at pumunta sa isang pintuan, ang hula ko Banyo iyon.

Sumandok si Lena ng arroz caldo at hinipan niya ito, Su-susubuan niya ako? ngumiti siya sa akin bago tinapat ang sandok.

"Mahal Kong prinsesa say Ahh~" napayuko ako. Carmella, ok lang yan! Kahit nasa bente dos anyos ka, ok lang yan! normal lang dahil pumasok ang kaluluwa mo kay Nathalia. Tandaan mo tatlong taong gulang palang siya! Wala kang magagawa. Kapag kaya mo na! Ahh! basta! Binuka ko ang bibig ko na may alinglangan.

"Ahh." sinubuan ako ni Lena ang masasabi ko lang sa lasa ng arroz caldo, "wahh masharap." Tumawa ng mahinhin si Lena sa akin.

Sinubuan ako ni Lena nang maubos ang arroz caldo, inabot niya sa akin ang baso na may lamang tubig. Uminom ako at binigay ko sa kanya pagkatapos kong uminom.

"Salaymat—." Parang bastos kapag tinawag ko siyang Lena, pero bastos naman talaga ako kapag ako si Carmella minsan?

"Mahal na prinsesa. Hindi po sa masamain po, ang tawag nyo po sa akin dati... Mama Lena." nahihiyang sabi niya. Ngumiti ako ng pilit.

"Salaymat ma—mama le—na." ngumiti siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

"Gusto mo bang l-kwento ko sayo kung bakit mama Lena ang tawag mo sa akin?" ngumiti siya, pero malungkot ang kanyang tinig pati ang kanyang mata, bakit? kaya tumango ako, "Dahil tinanong mo sa akin kung pwede mo ko tawagin na mama dahil ako ang nag-alaga sayo simula noong sanggol ka pa lamang. Ay nangungulila ka sa sarili mong lna kahit a—alam m-mo na wa-la na siya... Nasaktan ako dahil nakita ko ang prinsesa na malungkot, kaya walang aling-langan na tumayo ako bilang lna sa iyo prinsesa."

"Natulala ako sa narinig ko sino ang hindi masaktan at malungkot sa kwento niya. Ang sama ng buhay ni nathalia."

•••
》》》Next Chapter: Chapter 3

A/N:

Be aware of grammatical errors, typographical errors, sensitive words, violent actions, and plot holes. Please do not read if you're not comfortable.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now