Chapter 31 - Cassius

3.1K 118 1
                                    

031 - Cassius

Nathalia's POV

Tamad akong tumingin sa kanila. Binigyan ko sila ng tingin na

What-Do-want? Look

nakapwesto sila ng pa V sa harap ko. Ngumisi sa akin ang parang leader sa grupo pumitik siya ng isang beses sa daliri.

Naglabas ng isang bata ng ice pick. Nilapag ko ang plastic sa gilid. Umayos ako ng tindig at humalukipkip.

"Wag ka nang kumilos kung ayaw mo mabawian ng buhay ng maaga. Ibigay mo sa amin ang pera mo." umirap ako sa kanila kaya nainis sila sa akin

Binibiktima talaga nila yung mga mukhang mahihina.

Teka, mahina ako sa paningin nila?

"manigas ka!" sumugod ang may ice pick sa akin.

Umiwas ako patagilid. Hinawakan ko ang braso niya at tumagilid ako kaunti at siniko ang panga niya. Binitawan ko siya at sinipa sa tagiliran.

Sumugod ang dalawa niyang kasamahan. Umiwas ako sa suntok nila yumuko ako. Sa pag-angat ko hinila ko ang kwelyo nila at sinuntok ang ilong nilang dalawa kaya natumba sila.

Tumakbo ako at hinawakan ko ang lupa gamit ang dalawa kong kamay at sinipa ang leader nila ng maraming beses sa dibdib. Dali ako tumayo at sinuntok siya ng malakas sa mukha putok ang labi niya at dumudugo din ang ilong niya.

lumakad ako patalikod at kinuha ang plastic na may lamang pagkain. Tumingin ako sa kanila nakabulagta sa lupa. Napangiti ako at umiling. Inayos ko ang suot ko at umalis na sa lugar na 'yon.

Pagkarating ko kwarto kinain ko ang binili ko. Tinutok ko ang sarili ko sa Laptop at nagtatrabaho para hanapin kung nasaan si Mila.

ilang oras tumigil na ako. Nagpakawala ako ng buntong hininga at hinihilot ang sungki ng ilong ko.

Pagkalipas ng ilang araw at linggo busy ako sa kakahanap kay Mila. Tinignan ko ang oras alas cinco na ng madaling-araw.

Kailangan ko ng morning exercise!

Tumayo ako at nagbihis. Nagsuot ako ng T-shirt na gray at tinernohan ng short, nagsuot ako ng sapatos, inayos ko ang buhok ko pa-ponytail at nagsuot ng sumbrero at lumabas.

Tumungo ako sa malapit na Park. Wala pang tao at doon ako nag jogging, squats, push-up, lunge knee hops, Roundhouse Squat kick, Jumping Jack, side bends, knee to elbows, at marami pang iba.

Habang nag side Leg raises left leg ako nagulat ako na may tumikhim.

"Ma-masisilipan k-ka." napatingin ako kung sino ang nagsalita. Sinamaan ko siya ng tingin. Namumula kasi siya

OMG

Hindi naman gaanong kaiksi ang short ko ah? Tumingin siya sa akin at umiwas. Namumula pa rin siya.

"Nanilip ka!" turo ko sa kanya. Mabilis siyang tumingin sa akin at napaawang ang labi niya pero nag salubong ang kilay niya.

"Kasalanan k— hi-hindi! Hindi ko sadyang nakita pero wala akong nakita!" kumunot ang noo ko

Ha?

"A-eh hi-hindi ko na— ikaw kasi! bakit ka nag Exercise na ganyan kaiksi ang short mo?" singhal niya sa akin. Napaismid ako "Oh? bakit hindi kana makapagsalita? Sa susunod mag leggings ka at dapat hindi sa mataong lugar!" ngumuso ako sa kanya.

"Bakit ka nauutal kanina? sinungaling! kanina ka pa yata nandito!" umiling siya ng maraming beses. Tinaas ko ang isang kilay ko at tinignan siya ng

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon