Chapter 9 - CCTV Clip

5K 197 0
                                    

09 - CCTV clip

Nathalia's Pov

Hindi pa ako nakalayo sa tirahan nila. Nakaramdam ako na may nakamasid kaya ang ginawa ko huminto ako at tumingin sa paligid.

Nakita ko ang anino ng tao. Medyo matangkad siya at parang lalaki ang nakatayo.

"Bata." sulpot ng isang pulis "gabi na. Ano ang ginagawa mo sa dis-oras na gabi umuwi ka na." saway niya sa akin.

"Bibisitahin mo ba siya?" napataas ng isang kilay ang tinanong ko. "Yung matanda ang Lolo ni Fey. Bibisitahin mo ba siya?" Na pa ahh ang bibig niya.

"Ah, oo bakit mo tinatanong?" tumingin ulit ako sa eskinita bago ko ulit tinignan ang pulis.

"Bantayan mo siya." Yun lang ang sinabi ko at naglakad paalis. Hindi nga pala ako pumasok sa trabaho. Dahil kinain ko ang oras ko para i-hack ang CCTV

Nakauwi na ako sa mansion ng ligtas sa pagpasok ko bumungad sa akin si Mama Lena, at Mila.

"Ha...Alam mo na ba Mama Lena tungkol sa usapan namin ni Mila?" tumango siya sa akin. "Kung ganon ngayong oras at segundo na ito. Dito na magsisimula ang pinangako ko kay Mila."ngiting tipid ang ginawa ko.

"Pangako?" Sabay nilang sabi. Tinaas ko ang kanang kamay ko pang pangako.

"Pangako." ngumiti ako sa kanila na satisfied naman sila sa ginawa ko. Tinanong nila sa akin kung kumain na ba ako ang sinabi ko kumain ako pero konti lang.

Kaya naghanda sila ng pagkain para sa akin. Tumungo ako sa sala at bumungad sa akin ang bukas na television.

"Sikat na casino na pagmamay ari ni Sir. Cyrus Gill Wang sa Edad na bente dos anyos. Labing-walong taong gulang siya nagsimula nagpatayo ng sariling casino."

Siya si Cyrus Nag-iisang anak ng Wang ang magulang niya namatay dahil sa accident. Labing-pito siya that time. Nabasa ko lang 'yon sa article, yun lang ang alam ko sa kanya.

"Mahilig ka manood ng balita."napatingin ako kay Mama Lena. Nilapag niya ang dalang pagkain umupo naman si Mila sa sofa. Sa totoo lang bawal talaga nilang gawin 'to dahil nasa batas 'yon ang aking ibig sabihin ang ginagawa nila ay hindi Katanggap tanggap pero hinayaan ko lang si Mila at Mama Lena dahil hindi ko sila tinuring na katulong

Tinuring ko sila bilang isang pamilya at magulang.

"Mhmm." Kinuha ko ang bowl na may lamang chips ang toppings niya ay avocado with milk.

"Lena, napanood mo?" Napatingin naman si Mama Lena kay Mila.

"Yung ano Mil?" umayos ng upo si Mila sa single couch.

"May nakitang katawan na lumulutang sa ilog ng Arkvil." napahinto ako sa pagsubo "Kawawa nga ang babae, eh, ang bata-bata pa niya."

"A-ah napanood ko. Ang balita ko nga nabura ang clip ng videos na nakuha ng cctv." what!? nabura? paano? sino ang gumawa?

"Hala! kailan?" napalakas ang boses ni Mila kaya sinamaan ko siya ng tingin, "Ay, sorry."

"Kaninang tanghali binalita."napatakip ng bibig si Mila "sa tingin ko ang bumura sa nakuhang video may kapangyarihan o binayaran para ipabura ang nakuha sa cctv."may point siya.

"Nakakatakot talaga sa mundo na ginagalawan natin diba!" Napatango kaming dalawa ni Mama Lena.

"Para sa akin,hindi normal ang mundo na 'to." opinyon ko. Dahil totoo naman talaga. Napabuntong hininga naman si Mama Lena.

"Mama Lena ilang taon kana pala." Baling ko kay Mama Lena. Napatingin naman si Mama Lena at si Mila sa akin.

"29, bakit mo pala natanong?" So 27 pala siya nong tres anyos palang ako. Napatango ako. Bumaling ako kay Mila.

"Ikaw? Mila, ilang taon kana?" ngumuso siya sa akin at napa-isip siya,

Nge! hindi alam ang edad niya.

"26." twenty-four siya nong 3 years old ako, "bakit mo pala kami tinatanong?"

"Bakit, hindi pa kayo nag-asawa?" Namula ang mukha ni Mila. Tumawa naman si Mama Lena.

"Wala sa vocabulary ko ang asawa na 'yan prinsesa."t awang saad ni mama lena "Si Mil, wala pa ngang kasintahan nag-plaplano na sa future. Kung ilan ang magiging anak niya." sinamaan ng tingin ni Mila si Mama Lena "oh bakit? Tama naman diba?"

"He! wala daw sa vocabulary pero nakita ko kanina nag-uusap kayo ni Martin sa Hardin!" napatigil ng tawa si Mama Lena at namula ang tenga niya.

"Bakit mo nilalagyan ng malesya! Nag-usap lang naman kami ah!" singhal ni Mama Lena. Tumawa naman itong si Mila.

"Bakit, namumula ang tenga mo? Ay...sus wag mo ko lokohin Lena!" nag bulbulyawan sila sa pagitan ko. Hinayaan ko lang sila at nanood nalang ng TV.

Pagkalipas ng ilang minuto hindi pa sila tapos. Sumasakit ang ulo ko sa kanila magsasalita na sana ako pero nagsalita agad si Mama Lena na kinagulat namin.

"Oo na! Tama ka na Mila! panalo kana. Kami na ni Martin! matagal na! sinekreto lang namin da-dahil pinagbabawal 'yon hindi ba? kaya sinekreto namin ang relasyon namin."

"OMG!" gulat na sabi ni Mila. Napanganga naman ako. Totoo ang sinabi niya pinagbabawal na magkaroon ka ng relasyon kapag nagtatrabaho ka dapat raw single.

Kung may romantic relationship ka. Kailangan mo umalis sa pinagtatrabahuhan mo weird hindi ba? yumuko naman si mama Lena.

"Alam niyo na. Kaya—" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Hindi mo na kailangan gawin 'yon Mama Lena. Keep safe your secret. Mila, stay quite ok? naubos ko na ang kinakain ko pupunta na ako sa silid ko."

Pagdating ko sa silid ko. Tumungo ako sa banyo para maligo. Marami ang nangyari sa araw na ito. Oo, para sa akin marami!.

Ilang minuto tapos na ako maligo kaya nagpatuyo muna at nagbihis na ako at lumabas ng banyo.

"A-ah napanood ko, ang balita ko nga nabura ang clip ng videos na nakuha ng cctv."

"Ang balita ko nga nabura ang clip ng video na nakuha ng cctv."

"Nabura ang clip ng video na nakuha ng CCTV."

"Clip ng video na nakuha ng CCTV."

"Binura ang video. Isang hamak na simpleng tao nakabura ng video? Impossible, may tumulong ba sa kanya? para mabura ang video?"

"Kailangan mo kumain! Bago tayo pumunta sa tirahan ng Lolo ng kaibigan mo." sabi ni Mama Lena.

"Sige, sige kakain na!" Umupo ako sa upuan ang nakahandang pagkain ay pancakes na may syrup at gatas.

"Ano pala ang pangalan ng kaibigan mo?" Tanong sa akin ni Mila. Nakatayo siya sa gilid ko tapos na sila kumain walang alinlangan sinagot ko ang tanong niya.

"Fey..." sumubo ako ng pancake. Muntik na ako mabulunan dahil biglang sumigaw ang nasa gilid ko.

"Yu-yung na-namatay yu-yung babae! sa ilog!" tarantang bigkas ni Mama Lena.
Tumango ako sa kanya.

"Paano kayo naging mag-kaibigan prinsesa?" Tanong ni Mila.

"Wag niyo na alamin." malamig na sabi ko sa kanila.

•••
》》》Next Chapter: Chapter 10

A/N:

Be aware of grammatical errors, typographical errors, sensitive words, violent actions, and plot holes. Please do not read if you're not comfortable.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now