Chapter 13 - Hinanakit

4.3K 160 5
                                    

013 - Hinanakit

Nathalia's POV

Tapos na akong kumain ng tanghalian. Napag Desisyon kung lumabas ng kwarto. Ako na maglalagay ng pinagkainan ko sa lababo.

Binuksan ko ang pintuan. Bumilis ang tibok ng puso ko pumikit ako para mapahinahon ang buong sistema ko dapat mo harapin ito nathalia. Napakagat labi ako what if panaginip ulit 'to? what if tulong parin ako? What if ahhh sinisira mo ang ulo mo nathalia!

Dahan dahan ako maglakad. Ang tahimik ng luga tangingr yapak ko ang naririnig ko. Nasa tapat ko na ang hagdanan kaya napalunok ako ng ilang beses bago bumaba sa hagdanan.

Mila's POV

"Nag-aalala ako ng todo sa prinsesa." mahinang ani ko. Simula nang nalaman ni prinsessa na namatay ang lolo ni Fey. Doon nagsimula ang pagkukulong niya sa kwarto.

Na alala ko kung paano niya kami sinigawan.

"Wag-kayong pumasok! ayokong makita ang mukha niyo! ayoko na tama na!"

Sinubukan kasi namin pumasok ni Lena dahil nag-alala kami sa kanya. Hindi na siya ang prinsesa noon hindi pa rin ako komportable. Kahit kinakain niya ang pinaghahanda namin na pagkain sa kanya at isa-pa grabeng depression ang nangyari sa akin pati si Lena dahil hindi namin alam kung saan kukuha ng pera. hindi na kasi nagbibigay si Lord Marleigh gumawa ng sulat si Lena pero wala paring sagot! nagulat na lang kami nagbigay si Prinsesa Nathalia ng pera ang sabi niya.

Sa perang ibinigay niya doon kukuha ng panggastos pati na rin ang sahod, mag-bigay daw kami sa mahihirap na walang makain. Sa perang ibinigay niya nag-plano kami ni Lena na gumawa ng sariling tindahan nag-babake kami ng cake malaki ang naitulong sa pagtitinda namin ng cake dahil may pang-gastos na kami araw-araw.

Maraming pagsubok ang dumating sa amin. Basta may-tiyaga malalagpasan ang dadarating na hindi inaasahan

Nasa tindahan si Lena, ako lang ang nandito mag-isa sa sala nanood ng balita.

"Si Crown Prince Marcellus Lacon Marleigh ay nagbigay ng budget panggastos para sa orphanage sa Bayan ng Ford."

Nilakasan ko ang volume ng television ang unang prinsipe ng marleigh. Natawa ako ng mapait nagbigay ng pera sa orphanage samantala ang kapatid niya naghihirap.... l mean hindi naman naghihirap pero noong past few years malamang naghirap talaga kami pero wala naman siya kasalanan dahil hindi niya alam buhay ang kapatid niya nagagalit lang ako sa ama niya wala kasing puso sa sariling anak!

May narinig akong yapak galing sa taas kaya napatingin ako laking gulat ko lumabas si prinsesa nathalia. Nangangayat siya kaya nasaktan ang damdamin ko mahaba na ang buhok niya malaki ang pinagbago niya.

Napatingin siya sa akin lumaki ang mata niya. Nahalata ko natataranta siya umiwas siya ng tingin kita ko kung paano niya niyukom ang kamao niya. Pitong taong gulang pa lamang siya ang tangkad na niya.

Nakarating na siya sa baba kaya napatayo ako hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi eh

Kinakabahan ako.

Nathalia's POV

Habang pababa ako sa hagdanan may-nararamdaman ako may tumitingin sa akin. Kaya hinanap ko kung sino nagulat naman ako

Mila.

Bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya umiwas ako ng tingin. Nanginginig ang kamay ko kaya niyukom ko at pinapakalma ang sarili.

Pagkarating ko sa baba huminto ako.

Ano ang sasabihin ko "kamusta?"

pero hindi ko alam ang gagawin. Kung.... hindi ko na lang siya pansinin? Tama bakit ko nga pala siya papansinin nandito ako para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko.

"Prinsesa." tawag niya sa akin. Hindi ako tumingin sa kanya "malaki ang pinagbago mo." Hindi ako sumagot sa kanya "dati hanggang bewang lang kita, ngayon hanggang balikat kana sa akin." bakas sa boses niya ang saya "pwede mo naman sabihin ang problema mo prinsesa..."

Hindi ko alam kung kaya ko sabihin... natatakot ako sa hindi ko alam na dahilan.
Napuno ang isip ko hindi ko kayang magtiwala baka dahil sa pagtiwala ko madadamay sila, hindi ako pwedeng magtiwala, wala dapat ako pagkatiwalaan dahil isa akong talunan, hindi ko sila mapoprotektahan, hindi ko alam ang gagawin ko, maraming pumapasok sa utak ko. Kung ano-ano. Kaya sa sarili kong sinasabi naguguluhan ako.

Hindi ko na alam. Hindi ako makaisip ng tama.

Palayo ng palayo ang sagot sa katanungan ko. Hindi ko alam ang Tama at Mali...baka

"Magtiwala ka sa sarili mo..."

"Hindi ko kaya." bulong ko sa sarili ko hindi ko kaya! baka magkatotoo ang panaginip ko dahil makasarili ako, hindi ako nag-iisip na may taong madadamay.

Hindi dapat ako mangi-alam dahil hindi ako malakas! hindi na ako katulad noon na mukhang demonyo, wala akong kapangyarihan dito, matatalo-matatalo lang ako kapag kikilos ako.

Natawa ako ng mapait.

"Baliw na ko."kita ko sa dalawa kong mata kung paano umiyak si Mila sa harap ko. Agad niya ako niyakap ng mahigpit.

"Nathalia.... ano ba talaga ang nangyari sayo? hindi kita maintindihan!" hagulgol niya. Napa-awang naman ako hindi ko din maintindihan ang sarili ko Mila "sabihin mo sa akin ang problema mo. Hindi yan masolusyonan kung kinikimkim mo sabihin mo sa akin, Nathalia. Sabihin mo kay mila."

Naramdaman ko ang mainit na yakap niya sa akin. Hindi ko napansin lumuluha na ako,

"Mi-mila." yumakap ako sa kanya "hindi ko alam, Mila. Hindi ko alam.... natatakot ako. Maraming madadamay kapag kumilos ako Mila." lumakas ang iyak ko.

"Ano ang ibig mong sabihin, Nathalia?" tanong sa akin ni Mila.

"Alam ko kung sino pumatay kay Fey at kay Lolo." ramdam ko ang pagtigil niya "gusto ko bigyan ng hustisya ang pagkamatay nila. Pero, hindi ko kaya may-kapangyarihan ang pumatay kay lolo. Gusto ko kumilos pero pinigilan ako dahil madadamay kayo. Makasarili ako, Mila. Nanaginip ako namatay si Lena pati ikaw Mila! pinatay kayo ng kalaban dahil sa akin. Natatakot ako lumabas dahil sa tingin ko nasa paligid lang sila. At papatayin tayo! may nakita akong bulto sa iskinita alam kong nakita niya ako. Kung nalaman niya may-alam ako sa nangyari hindi baka alam niya kaya patatayin nila ako, kayo! madadamay kayo hindi ako nag-iisip mahirap pagtiwala sa tao Mila. Baka mga kalaban sila kapag namatay kayo.... kasalanan ko ang lahat.... kasalanan ko!"

Kumawala ako ng yakap. Tinakpan ko ang mukha ko niyakap ulit ako ni Mila at hinaplos ang buhok ko.

"Nathalia, Hindi pa nangyari ang iniisip mo. Mas-maganda kung kalimutan mo muna iyon.... hayaan mo ang mga pulis ang kumuha ng hustisya para kay Fey pati ang lolo niya. Tama ka nga makasarili ka dahil kinikimkim mo.... marami pala ako hindi nalalaman sayo prinsessa kung mangyayari naman 'yon pro-protektahan natin ang isa't isa naintindihan mo?" tumango ako konti sa kanya

"nandito lang ako sa tabi mo nathalia."

•••
》》》Next Chapter - Chapter 14

A/N:

Be aware of grammatical Errors, typographical Errors,Sensitive words, violence actions and plot holes.please do not read if you're not comfortable.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now