Chapter 48 - Tagong bansa

1.7K 81 0
                                    

048 - Tagong bansa

Vivian's POV

Nagdikit ako ngayon ng poster kasama ko si Devon at Marcellus. Nakasandal si Devon sa Dingding habang si marcellus naman taga bigay ng pandikit.

Mabuti pa si Marcellus nagbibigay ng pandikit kay sa isa gian.

"Vivian, ilang taon kana?" Napatingin ako kay Marcellus.

Bakit niya tinatanong ang edad ko?

"Kinse," sabi ko sa kanya napatango naman siya.

"Kasing Edad kayo ng kapatid naming bunso," nangunot naman ang noo ko. Kapatid na bunso? So, hindi si minmin ang bunso?

Lumapit ako sa isang pader kumuha ako ng isang poster at dinikit sa pader, nilahad ko ang kamay ko kay marcel, binigyan ako ni Marcellus ng pandikit sabay dikit ko sa poster.

"Ang kambal... diba kaklase mo ang dalawang kapatid ko?" Tumango ako sa kanya "May ginawa ba silang kalokohan?"

"Wala pa akong nakikita," tumawa naman si Marcellus at napailing.

Dinikit ko ang last na poster sa dingding si Marcellus mismo ang nag lagay ng pandikit sa poster.

"Tapos na," pinagpagan ko ang kamay ko. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin sa pintuan.

Lumaki ang mata ko dahil until unting bumabalik ang dating kulay ng mata ko.

Shit, Tuesday palang ah? Dapat sa linggo pa mawalan ng bisa ang epekto.

tinakpan ko ang mata ko

"Vivian, ayos ka lang?" Hahawakan sana ako ni Marcellus pero umatras ako "Masakit ba ang mata mo?" Nagaalalang sambit niya.

"Ok, lang ako! Sige." kumaripas ako ng takbo habang nakatakip ang palad ko sa mata ko

kailangan kon—

Napaupo naman ako sa sahig dahil may nabangga ako

"Nico, ok kalang!?" Inangat ko ang ulo ko.

Agad akong tumayo at tinakpan ang mata ko gamit ang palad. Inayos ko naman ang palda ko

"Vivian, lkaw? ok kalang?" Tumango ako sa kanya.

"Bakit mo kasi tinatakpan ang mata mo? Nabangga mo tuloy ako," hindi ako sumagot "ano ba nangyari sa mata mo?"

"An—." umiling ako at tumakbo hindi dapat nila malaman na asul ang mata ko.

Tumungo ako sa harap ng gate may gwardiang nakabantay. Lumapit ako sa kanya.

"Hija, bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin tinuro ko ang gate "Hah?"

"Kuya, lalabas ako, emergency! alam naman ng Dean about dito kung hindi ka maniniwala, paki-tawag si Dean!" mabilis na ani ko.

Hindi kumilos si kuya kaya hindi na ako nagdalawang isip na binuksan ang maliit na gate at mabilis akong tumakbo. Narinig ko ang pagtawag sa akin ng gwardia.

Mabilis ako sumakay sa Bbunny ko at pinaandar. Hinurot ko ang motor ko paalis sa Academy

Pagdating ko sa harap ng gate ng bahay. Bumaba na 'ko sa motor bumukas ang maliit ng gate at yumuko sa 'kin ang bantay.

Lakad takbo ang ginawa ko. Tumungo ako sa kwarto ko at kinuha ang bote na may lamang brown na likido.

Tumungo ako sa banyo at humarap sa salamin. Pinatakan ko ang dalawang mata ko ilang saglit, tumitig ako sa salamin.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now