Chapter 35 - Dahilan

2.8K 117 1
                                    

035 - Dahilan

Nathalia's POV

Pagkatapos ng tatlong araw. Ang kinabukasan na 'yon ang open ceremony ng hotel ni Amos

Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa regalo ko? Nandito ako ngayon sa gym tumatakbo sa treadmill habang tumatakbo ako napalingon ako sa tumpukan ng kalalakihan.

"May nakita ba kayong batang babae na panglalaki ang buhok" lumaki ang mata ko. Agad ako umalis sa treadmill at kumaripas ng takbo hindi ko alam kung mabuting tao ba yun o hindi pero kailangan ko talagang tumakbo.

Mabilis akong tumakbo. Tumalon ako sa malaking basurahan at doon nagtago. Mabuti puro lumang damit ang nakatapon sa basurahan.

"hanapin niyo siya dali!" Rinig kong ani ng lalaki. Kaninong tauhan kaya 'yon?

Bakit kada araw hindi matahimik ang buhay ko? sumalubong ang kilay ko nakakainis! bakit hindi ako tinantanan ng mga kung sino man iyon.

gusto ko ng peace!

Sumilip ako wala na sila kaya agad akong tumalon palabas sa kalaking basurahan at tumungo sa hotel na hindi nakikita ng cctv

Dumaan ako sa likod. Maraming tumingin sa akin nagtataka kung bakit ganito ang itsura ko. Hindi ko sila pinansin at agad pinindot ang elevator na twenty three na palapag kung saan ang room 202. Pagdating ko sa dalawangput tatlong palapag agad ako tumungo sa room 202 sinirado ko ang pinto at sumandal.

Napahilamos ako ng mukha gamit ang palad ko kung sino man sila baka nandito sila para kunin ako o patayin? hindi na din ligtas dito... agad ako tumungo sa banyo para maligo ang baho ko kasi.

Marcellus's POV

"Nakita niyo siya sa gym?" Tanong ko sa kabilang linya

"Opo, Crown prince Marcellus nakasuot siya ng hoodie, kulay dilaw ang buhok niya, at gupit lalaki. Kamukha niyo po siya prince Marcellus pati na po ang kambal." napangiti ako sa balita

"Salamat... hanapin niyo siya alam kong nangian lang siya" masayang ani ko

"masusunod " pinatay ko ang tawag tumingin ako sa kanila

"nasa gitnang Amos city at Amos province nang makita nila si nathalia habang tumatakbo sa treadmill." lumaki ang mata ng kambal kita ko sa mata nila ang saya.

"Pero agad tumakbo si nathalia nang makita niya ang tauhan natin" takang tanong ko

"baka akala niya kalaban? Kaya tumakbo siya" ani ni Devon

"Mhmm, pinoprotektahan niya ang sarili niya pero diba pwede naman siyang tumungo dito sa mansion kahit hindi natin sabihin kung ano ang address?" May point naman si Theo "Kaya niya naman hanapin eh."

"baka ayaw niya—" hindi natapos si Nathan dahil sumigaw ang kambal

"MADAMAY TAYO!" napasapok naman sa noo si Theo.

"Kailangan natin agad siya mahanap baka kumikilos na yun paalis sa lugar na 'yon." malamig na ani ni Devon. Nagsitanguan naman kami sang-ayon ako sa sinabi niya

"Kailan tayo aalis dito?" Tanong ni nico

"hindi na kayo pwedeng sumama." saad ni Devon

"hindi pwede! gusto ko sumama!" malakas na bigkas ni Dominic

"kuya Marcel sama kami ni kambal" ngumuso sa akin si Nick

"Oo nga kuya Marcel. Wag mo sila isama" ngumuso din si Theo. Inaasar niya talaga ang kambal

"So, kasama ako sa maiwan?" Tanong ni Nathan. Tumango naman si Devon "sama ako!" napa-iling ako

Hay, naku

"sige na, sige na! sama na kayong lahat."

Nathalia's POV

Nakatutok ako sa laptop. Binabasa ang bagong article kailangan kong magtago ng tatlong araw sa room na 'to. Kahit hindi ako lumabas alam ko na kalat na ang tauhan kung sino man ang nag-utos.

Ang masasabi ko lang sa nag-utos walang hiya ka! dahil dapat nag exercise pa rin ako sa gym bago ako sumabak sa bakbakan.

Inis ako eh.

tumingin ako sa cabinet kung saan nakasabit ang susuotin ko, napatingin din ako sa mga box na puno ng timer bomb, tumingin ako sa lamesa na puno ng baril at patalim at ibat-iba pang defense bumili pala ako ng smoke bombs at light bombs.

Para namang kaya kong bitbitin.

Kung mamamatay ako sa laban at nailigtas ko rin naman si Mila. Ok na rin na mamatay ako dahil wala na ako problemahin.

Na-imagine ko ang magiging pamilya ni Lena, at mas lalo si Mila, pati ang kapatid ni nathalia, pati si Cassius.

Kung nawala ba ako? si Cassius.... magbubuo ba siya ng sarili niyang pamilya?

Malamang oo like... Eww! Hindi ako papatol sa bata

At isa lamang akong extra sa araw niya.

Medyo kinabahan ako na may kahalong thrill dahil di ko alam kung mabubuhay ba ako o hindi.

"Mama, sa tingin mo sasali na ba ako sa inyo ni nathalia? Gusto ko lang naman ng peace sa buhay may peace naman kung saan kayo diba?" Napakamot ako sa ulo at nag-dive ako sa higaan

"namatay na nga ako binuhay pa ako sa unang pagkakataon. Ano ba meron kung bakit pa ako binuhay? para bigyan ng sakit sa ulo? magbigay ng mabibigat na gawain? pwede sana kung love life pero hindi eh...." umayos ako ng higa at tumingin sa kisame

"pero takot na ako mainlove muli.... baka maling tao ang mapipili ko katulad ng dati kong kasintahan." pumikit ako

"gusto ko lang naman malaman kung bakit ako binuhay?" Unti-unti na akong kinain ng antok

Sa buong tatlong araw puro ako exercise sa sarili. Minsan nilalaro ko ang dagger habang hangin ang kinakalaban ko, Malapit na ang oras para kumilos para iligtas si Mila.

"Hintayin mo 'ko."

•••
》》》Next Chapter - Chapter 36

A/N:

Be aware of grammatical Errors, typographical Errors,Sensitive words, violence actions and plot holes. Please do not read if you're not comfortable.

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now