Chapter 57 - Mga Armadong Lalaki

1.2K 57 0
                                    

057 - Mga Armadong Lalaki

Vivian's POV

Second day practice namin ngayon.

Nakaupo ako sa bench habang pinapanood sila maglaro ng basketball.

Nag Vibrate ang phone ko kaya kinuha ko. May nagpadala sa akin na mensahe.

Unknown

I'm Coming back.

Wrong send yata ang tao na 'to. Binura ko ang message at pinatay ang phone.

"Pawis na pawis ka, punasan mo ang pawis mo baka matuyo. Baka magkaroon ka ng sakit vivian. Sige ka, hindi ka maka laro sa sport day."

Nakatayo si cassius sa gilid ko habang nilahad niya sa 'kin ang energy drink.

"Kunin mo na, nangangalay ang kamay ko." Tinignan ko siya saglit bago kinuha ang energy drink.

Umupo siya sa bench. Bale katabi ko siya.

Bakit kaya siya lumalapit sa 'kin?

"Vivian, sobra kang pawis. Hindi ka nakikinig." saway niya sa 'kin.

"Wala akong towel." Sagot ko binuksan ko ang hawak ko.

"Meron ako. Pupunasan kita?"

"Ikaw, bahala?"

"Vivian, kapag may magsabi sa 'yo na pupunasan ka ng hindi mo ka close magpapapunas ka?" Seryosong sambit niya.

"Ha?"

"A-anong ha? Kainis ka," Napapikit ako ng pinunasan niya ang buong mukha ko.

Teka, bakit may kasamang konting gigil?

"C-cassius, hoy."

"Kainis ka, Vivian." tumigil siya kaya nakasalubong ang mata namin "Naiinis ako sa 'yo."

Kinuha niya ang kamay ko at binigay niya ang towel niya.

"Bakit?"

"Wala, goodbye."

Padabog siyang umalis kaya nagtaka ako. Pero nakakagulat ang ginawa niya. Akala ko kasi nag jojoke ang lalaki na 'yon

"Close pala kayo ni Crown Prince Damien?"

Sumulpot sa gawi ko si Zoe. Tumingin siya sa pintuan kung saan lumabas si Cassius.

"Ok, na ba ang paa mo?" Iniba ko ang topic. Lumunok muna siya bago tumango.

"Yep, hindi naman malala." Hindi ako nagsalita.

Mabuti naman.

"Oh." Nilapag niya ang dalawang sapatos sa bench "Salamat, binabalik ko na ang sapatos mo." Umalis na siya.

"Bukas ulit." Sabi ko sa kanila.

Tumango naman ang iba at nagpaalam na sa 'kin.

Kinuha ko ang bag ko at sinukbit, pero napabaling ang paningin ko sa blazer kaya lumapit ako at kinuha.

"Kanino naman 'to?"

Sinampay ko ang blazer sa balikat ko. Itatago ko 'to baka may maghanap kung wala naman? Ede sa akin. pang extra blazer, lumabas na ako sa gym at sinara ang pinto.

Napadaan naman ako sa court kung saan nagpra practice sina isaac

"3 points!"

Sinipol ni Theo ang whistle.

Pagkalabas ko sa Academy tumungo na ako sa motor ko, sasakay na sana ako pero may narinig akong sigaw.

"KYAAAAAA!!!!"

She Reincarnated As A Youngest Daughter Of Lord 1Where stories live. Discover now